SlideShare a Scribd company logo
PANGKAT 6: CASTONES DARAY AMPO BISNAR CASTANO SABALDAN
ANO BA ANG SANHI NG DIGMAANG ITO?
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay:
● tinuturing na pinakamadugong labanan
sa kasaysayan
● nagsimula noong ika-7 ng Hulyo 1937 sa
Asya at unang araw ng Setyembre 1939
sa Europa
● natapos noong 1945
1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
Naramdaman ng mga Hapon ang ginigiit
nilang karapatang magpalawak ng kanilang
kapangyarihan sa Asya. Sinimulan nila ito,
noong taong 1931, sa pamamagitan ng
paglusob ng Manchuria na sakop ng Tsina noon.
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga
Bansa
Ang Germany naman ay tumawilag sa Liga
noong 1933 sapagkat ayon sa mga Germany, ang
pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng
Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng
karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag,
pinasimula ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang
muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa.
Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa
Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang
kondisyon. Upang makabangon sa pagkagapi sa
Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang
mabuti ni Hitler ang muling pananakop.
World war 2 (1)
Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng
Germany, ang France ay nakipag-alyansa sa Russia
laban sa Germany.
Pinalilimitahan naman ng England ang bilang o
laki ng puwersa ng Germany. Ngunit sa kabila nito’y
nagpadala pa rin ng tropa sa SONA ang Germany.
3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
Lumusob ang mga Italyano sa
Etiyopiya, sa pamumuno ni Benito Mussolini, na
matagal na nilang balak gawing kolonya nila
noong 1935, at naging matagumpay sila.
4. Digmaang Sibil sa Spain
Nagsimula ang digmaang sibil sa
Spain noong 1936 sa pagitan ng dalwang panig:
ang pasistang Nationalist Front at ang
sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga
Nasyonalita.
5. Pasasanib ng Austria at Germany
(Anschluss)
Naias ng mga mamamayang Austriano na
maaisama ang kanilang bansa sa Germany.
Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng
mga bansang kasapi ng Allied Powers (France,
Great Britain, at United States). Dahil sa Axis
noong 1936, ang pagtutol ni Mossuluini sa
nasabing union ng Austria at Germany ay
nawalan ng bias noong 1938.
6. Paglusob ng Czechoslovakia
Noong Setyembre 1938, hinikayat ni
Hitler ang mga Aleman ng Sudeten na
pagsikapan na matamo ang kanilang
awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng
England si Hitler na magdaos ng isang
pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler
ang Sudeten at noong 1939, ang mga
natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay
napunta na rin sa Germany.
7. Paglusob ng Germany sa Poland
Huling pangyayari na nagpasiklab sa
Ikalawang Digmaang Pandaidig ang pagpasok
ng mga Germany sa Poland noong 1939. Ang
pagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany sa
Russia na kapwa pumirma sa kasunduang
Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan nang
hindi pakikidigma. Ang pagbaligtad na ito ay
dulot ng sumusunod na pangyayari:
a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon
tungkol sa krisis ng Czechslovakia.
b. Pagkainis ng Russia sa England
nang ang ipinadalang negosyador ng
Enland sa Kasunduan ng Pagtutulungan
(Mutual Assistance Pact) ay hindi
importanteng tao.
ANG PAGSIKLAB NG
IKALAWANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng
kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang
gawing teritoryo ang mga ito. Tinangka rin niyang kunin
mula sa Poland ang Baltic Port at ang Polish Corridor.
Tumanggi ang Poland kaya nagkakrisis. Unang araw ng
Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at
himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng
magigiting na taga-Poland ang kanilang kalayaan. Nang
mabatid to ng Britain at France, sila a nagpahayag ng
pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang
Russia na may lihim na kasunduan kay Hitler ay sumalakay
din sa Poland sa gawing Silangan.
Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ang Poland
ay pinaghatian ng Germany at Russia nang walang
labanan.
World war 2 (1)
ANG DIGMAAN SA
EUROPE
Ang Kanlurang Europe, ang mga hukbong
Pranses Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot
Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman
pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong Abril
1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat
sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang
paglusob na walang babala).
Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit sila
ay medaling natalo samantalang ang mga taga-
Denmark ay hindi lumaan. Noong ika-10 ng Mayo
1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na
mga bansa ng Belhika, Holland, at Luxembourg.
Binomba ng mga eroplanong Alman ang mga bansang
ito na kung tawgin ay low countries at sinira ng mga
paliparan, pahatiran at tulay.
Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang
hukbong Pranses. Sa ganitong higpit na
kalagayan, ipinasya ng Punong Ministro ng
England na si Winston Churchill na umurong na
ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga
sundalo laban sa mga Aleman ay itinuring na
Epiko ng Dunkirk.
Samantala, ang France na umasa sa
Maginot Line bilang kanilng tanggulan ay
nabigla nang dumating na lamang sa pintuan
ng Paris ang mga Aleman noong ika-10 ng
Hunyo,1940. Bumagsak ang Paris at ang
pamahalaann ay inilipat sa Bordeaux.
ANG UNITED STATES
AT ANG DIGMAAN
Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe sa nagdulot ng
pangamba sa Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng
England pati ang layuning demokrasya. Pinagpatibay ng
Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang United
States of America ay magbibigay ng kagamitang pandigma
sa lahat ng labanan sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging
miyembro ng puwersang Alyado ang United States noong
1941.
Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng
Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng
United States of Ameriai at Winston Churchill, Punong
Ministro ng England. Doon, isinagawa nila ang isang
kasunduan na kilala sa tawag na Atlantic Charter. Tinitiyak
ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi,
lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya
sa sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa.”
ANG DIGMAAN SA
PASIPIKO
Samantala, habang namiminsala ang
Hukbong Nazi sa Europe, ay naghahanda
namana ang hukbong Japan sa pagsalakay sa
Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng
United States ang pagpapadala ng langgis sa
Japan mula US.
Ang Punong Ministrong Japan na si Hideki
Tojo ay nagpunta kay Embahador Saburu
Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburu
Nomura sa pakikipagtalastasan nang sa gayon
ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Japan.
Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang
Japan ay naghanda sa digmaan.
Ang Germany at Italy ay sumalubong sa Japan
at nagpahayag rin ng pakikipagdigma laban sa United
States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang oras
matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga
eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at
winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark Field,
Pampanga. Dumaong ng Japan sa Hilagang Luzon. Sa
pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon ng
Pamahalaang Komonwelt at Heneral Douglas
MacArthur, magiting na lumaban sa Japan. Tuluyang
nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero,
1942. Ang pinakahuling pananggalang ng demokrasya
ang Bataan at Corregidor.
Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang
sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga
himpilan ng hukbong dagat ng United States sa
Hawaii. Ang pagtaksil na pagsalakay na ito sa
America ay tinawag na “Day of Infamy.”
Nagpahayag nag pakikidigma sa Japan ang
United States, gayon din ang Great Britain. Ang
Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japan
ay nagpahayag din ng pakikidigma laban sa
United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941.
Samantala, nakapaghanda ang Austria at
nabigo ang Japan na masakop ito.
Bombing Pearl Harbor
World war 2 (1)
Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang
pagsalakay at pagsakop ng Japanese sa Thailand,
British Malaya, Hongkong. Guam, at Wake Islands.
Narating ng Japan ang tugatong ng tagumpay sa
pananakop sa Pasipiko 1942 at nagtatag sila ng
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
Unti-unti naming nakabangon ang United
States mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor at sa
Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga
kagamitang pandigma bilang kapalit sa mga nawasak
ng Japan. Tinipon nila ang mga puwersang Alyado na
pinamumunuan ni Heneral Douglas McArthur na
nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga
Piliipino ng “I Shall Return.”
ANG PAGWAKAS NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG AT MGA
PAGBABAGONG DULOT NITO
TAGUMPAY NG MGA ALYADONG BANSA SA
EUROPE AT HILAGANG AFRICA
Taong 1943 nang magsimulang magbago ang
ihip ng digmaan para sa Alyadong Bansa. Noong
ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay
lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa
Silangang Euurope ay nilumpo ng mga Russian ang
mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin.
Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa
Hilagang Afriica noong ika-13 ng Mayo, 1945, na
sinundan ng pagkabihag ng Sicily noong ika-11 ng
Hunyo, at ang pagsuko ng Italy noong ika-3 ng
Setyembre.
Habang nilalabanan ni Heneral
Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay
naman ng mgga puwersang Anglo-Amerikano
sa pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower
ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng
matinding labanan noong ika-13 ng Mayo, ang
Hilagang Africa ay napasakamay ng mga
Alyadong Bansa. Sa Hilagang Africa at Sicily, ang
pagkatalo ng mga hukbong Italy ay nauwi sa
pagbagsak ni Mussolini. Napaalis siya ni Pedro
Badoglo. Si Mussoliini ay nakatakas mula sa
bilangguan at nagtungo sa hilagang Italy.
Nagtatag siya ng bagong pamahalaang
Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao.
Doon siya nahuli at pinatay kasama ng kanyang
kinakasamang babae na si Clara Peracci noong
ika-2 ng Abril, 1945.
Noong ika-2 ng Mayo, nabihagg ng mga
Russia ang Berlin. Noong ika-7 ng Mayo,
tinanggap ang walang pasubaling tadhanang
pagsuko ng mga Aleman sa Rheins at nang
sumunod na araw sa Berlin, sa wakas ay
susumapit din ang tinatawag na V-E Day
(Victory in Europe).
ANG PAGBAGSAK NG
GERMANY
Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-DAY),
lumapag sa Normandy, France ang
gpuwerssa ni Heneral Eisenhower.
Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban,
natalo nila ang Nazi.
Setyembre 1944 nang palayain ng
mga Alyado ang Belhika. Nakipagsapalaran
si Hitler at sinalakay ang mga alyado na
malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng
Disyembre. Tinawag na Battle of the Bulge
ang labanang ito kung saan natalo ang mga
Nazi.
Sa huling araw ng Abril 1945,
bumagsak ang Germany dahil sa pag—
atake ng mga Alyado sa kanluran at ng mga
Russian sa Silangan. Napagtanto ni Hitler
mula sa pinagtataguan ang kanyang
kakampi at noong umaga ng ika-30 ng
Abril, hinirang niya si Admiral Karl Doenitz
bilang kahalili. Noong hapon ding iyon, siya
at ang kanyang kinakasamang babaeng si
Eva Brawn, ay nagpakamatay.
ANG TAGUMPAY SA
PASIPIKO
Ika-20 ng oktubre, 1944 nang bumalik sa
Leyte si Heneral Douglas MacArthur sa gitna ng
pagbubunyi ng mga Pilipino. Pagkatapos ng
mahigit sa ilang buwang pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa Hapones, idineklara ni Heneral
MacArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa
Hapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang
bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima.
Sinalakay naman ng Russia ang Manchuria, Korea,
at Timag Sakhalin. Noong ika-9 ng Agosto, 1945,
muling nagbagsak ng bomba atmoika sa Nagasaki
ng mga Amerikano. Nagimbal ang Japan, kaya
tinanggap nito ang alituntunin ng mga Alyado
noong ika15 ng Agosto at pagkatapos ay tuluyan
nang sumuko.
Noong huling araw ng Agosto nang
lumapag ang bansang Japan si Heneral
MacArthur bilang Supreme Commander
of the Allied Powers o SCAP. Ika-2 ng
Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang
Japan ang mga tadhana ng pagsuko sa
sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay.
MGA BUNGA NG
IKALAWANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng
malaking pagbabago sa kasaysayan ng digdig.
1. Malaki ang bilang ng mga namatay at
nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa
ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas
marami ang namatay kaysa Unang Digmaang
Pandaigdig.
2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang
pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon, at
pananalapi ng maraming bansa.
3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang
Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at
Imperyong Japan ni Hirohito.
4. Napagtibay ang simulating command
responsibility para sa pagkakasalang nagawa
ng mga opisyal ng bayan at ng pinunong
militar.
5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang
bansa – ang East Germany, West Germany,
Nasyonalistang China, Pulahang China,
Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India,
Pakistan, Israel, Iiran, Iraq, at iba pa.
UNITED NATIONS
ANG MGA BANSANG
NAGKAKAISA
Hindi pa natapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, naisip na ni Pangulong Roosevelt ng
United States na muling magtatag ng isang
samahang pandaigdig na papalit sa Liga ng mga
Bansa.
Apat na buwan bago sumalakay ang mga
Hapones sa Pearl Harbor, sina Panguloong
Roosevelt at Punong Ministro, Winston
Churchill ng England, ay bumalangkas nang
deklarasyon, ang Atlantic Charter, na siyang
saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang
Deklarasyong ng Mga Bansang Nagkakaisa
(United Nations).
Sa isang kumperensiya sa Moscow
noong Oktubre 1943, ang United States,
Great Britain, at Soviet Union ay
nagkasundo na pairalin at panatilihin ang
kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis.
Sinundan ito ng Deklarasoyn ng Apat na
Bansa, kasama ang China, para maitatag
ang isang pangkalahatang samahang
pandaigdig upang mapanatili ang
kapayapaan at kaligtasan sa mundo.
Limampung bansa ang nagpulong sa
California, United States, upang
balangkasin ang Karta ng mga Bansang
Nagkakaisa.
Noong ika-24 ng Oktubre, 1945 ay
itinatang ang United Nations. Muling nagpulong
ang mga kinatawan ng mga bansa sa London
noong 1946 at nahalal na unang Sekretaryo-
Heneral, si Truygve Lie ng Sweden.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay may
anim na pangunahing sangay. Ang
Pangkalahatang Asemblea (General Assembly)
ang sanagay na tagapagbatas ng samahan.
Binubuo ito ng mga kinatawan ng lahat ng mga
kasaping bansa, at dito isinasagawa ang mga
pangkalahatang pagpupulong.
Ang Sangguniang Pangkatiwasayan
(Security Council) ang sangay tagapagpaganap.
Binubuo ito ng 11 kagawad na ang lima ay
permanenteng miyembro, samantalang ang
anim ay inihalal sa taning na panunungkulan na
dalawang taon.
Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat
ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N. na
nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-
araw.
Ang Pandaigdig na Hukuman ng
Katarungan (International Court of Justice)
ang siyang sangay na nagpapasaya sa mga
kasong may kinalaman sa alitan ng mga
bansa.
Ang Sangguniang Pangkabuhayan at
Panlipunan (ECOSOC)ay binubuo ng 54 na
kasaping bansa. Ito ang sangay na
namamahala sa aspekto ng
pangkabuhayan, panlipunan, pang-
edukasyson, siyantipiko, at pangkalusugan
ng daigdig.
wakas

More Related Content

World war 2 (1)

  • 1. PANGKAT 6: CASTONES DARAY AMPO BISNAR CASTANO SABALDAN
  • 2. ANO BA ANG SANHI NG DIGMAANG ITO?
  • 3. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay: ● tinuturing na pinakamadugong labanan sa kasaysayan ● nagsimula noong ika-7 ng Hulyo 1937 sa Asya at unang araw ng Setyembre 1939 sa Europa ● natapos noong 1945
  • 4. 1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Naramdaman ng mga Hapon ang ginigiit nilang karapatang magpalawak ng kanilang kapangyarihan sa Asya. Sinimulan nila ito, noong taong 1931, sa pamamagitan ng paglusob ng Manchuria na sakop ng Tsina noon.
  • 5. 2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa Ang Germany naman ay tumawilag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Germany, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag, pinasimula ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon. Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang muling pananakop.
  • 7. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany, ang France ay nakipag-alyansa sa Russia laban sa Germany. Pinalilimitahan naman ng England ang bilang o laki ng puwersa ng Germany. Ngunit sa kabila nito’y nagpadala pa rin ng tropa sa SONA ang Germany.
  • 8. 3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia Lumusob ang mga Italyano sa Etiyopiya, sa pamumuno ni Benito Mussolini, na matagal na nilang balak gawing kolonya nila noong 1935, at naging matagumpay sila. 4. Digmaang Sibil sa Spain Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng dalwang panig: ang pasistang Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalita.
  • 9. 5. Pasasanib ng Austria at Germany (Anschluss) Naias ng mga mamamayang Austriano na maaisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi ng Allied Powers (France, Great Britain, at United States). Dahil sa Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mossuluini sa nasabing union ng Austria at Germany ay nawalan ng bias noong 1938.
  • 10. 6. Paglusob ng Czechoslovakia Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman ng Sudeten na pagsikapan na matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng England si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany.
  • 11. 7. Paglusob ng Germany sa Poland Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaidig ang pagpasok ng mga Germany sa Poland noong 1939. Ang pagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan nang hindi pakikidigma. Ang pagbaligtad na ito ay dulot ng sumusunod na pangyayari: a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechslovakia.
  • 12. b. Pagkainis ng Russia sa England nang ang ipinadalang negosyador ng Enland sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao.
  • 14. Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito. Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang Baltic Port at ang Polish Corridor. Tumanggi ang Poland kaya nagkakrisis. Unang araw ng Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang kalayaan. Nang mabatid to ng Britain at France, sila a nagpahayag ng pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim na kasunduan kay Hitler ay sumalakay din sa Poland sa gawing Silangan. Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Germany at Russia nang walang labanan.
  • 17. Ang Kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala). Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit sila ay medaling natalo samantalang ang mga taga- Denmark ay hindi lumaan. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland, at Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Alman ang mga bansang ito na kung tawgin ay low countries at sinira ng mga paliparan, pahatiran at tulay.
  • 18. Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang hukbong Pranses. Sa ganitong higpit na kalagayan, ipinasya ng Punong Ministro ng England na si Winston Churchill na umurong na ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa mga Aleman ay itinuring na Epiko ng Dunkirk. Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line bilang kanilng tanggulan ay nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong ika-10 ng Hunyo,1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaann ay inilipat sa Bordeaux.
  • 19. ANG UNITED STATES AT ANG DIGMAAN
  • 20. Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe sa nagdulot ng pangamba sa Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng England pati ang layuning demokrasya. Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang United States of America ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng labanan sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United States noong 1941. Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng United States of Ameriai at Winston Churchill, Punong Ministro ng England. Doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag na Atlantic Charter. Tinitiyak ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa.”
  • 22. Samantala, habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europe, ay naghahanda namana ang hukbong Japan sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langgis sa Japan mula US. Ang Punong Ministrong Japan na si Hideki Tojo ay nagpunta kay Embahador Saburu Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburu Nomura sa pakikipagtalastasan nang sa gayon ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Japan. Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang Japan ay naghanda sa digmaan.
  • 23. Ang Germany at Italy ay sumalubong sa Japan at nagpahayag rin ng pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark Field, Pampanga. Dumaong ng Japan sa Hilagang Luzon. Sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral Douglas MacArthur, magiting na lumaban sa Japan. Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang pinakahuling pananggalang ng demokrasya ang Bataan at Corregidor.
  • 24. Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pagtaksil na pagsalakay na ito sa America ay tinawag na “Day of Infamy.” Nagpahayag nag pakikidigma sa Japan ang United States, gayon din ang Great Britain. Ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japan ay nagpahayag din ng pakikidigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Samantala, nakapaghanda ang Austria at nabigo ang Japan na masakop ito.
  • 27. Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng Japanese sa Thailand, British Malaya, Hongkong. Guam, at Wake Islands. Narating ng Japan ang tugatong ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Unti-unti naming nakabangon ang United States mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Japan. Tinipon nila ang mga puwersang Alyado na pinamumunuan ni Heneral Douglas McArthur na nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Piliipino ng “I Shall Return.”
  • 28. ANG PAGWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT MGA PAGBABAGONG DULOT NITO
  • 29. TAGUMPAY NG MGA ALYADONG BANSA SA EUROPE AT HILAGANG AFRICA Taong 1943 nang magsimulang magbago ang ihip ng digmaan para sa Alyadong Bansa. Noong ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Euurope ay nilumpo ng mga Russian ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Afriica noong ika-13 ng Mayo, 1945, na sinundan ng pagkabihag ng Sicily noong ika-11 ng Hunyo, at ang pagsuko ng Italy noong ika-3 ng Setyembre.
  • 30. Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ng mgga puwersang Anglo-Amerikano sa pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan noong ika-13 ng Mayo, ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong Bansa. Sa Hilagang Africa at Sicily, ang pagkatalo ng mga hukbong Italy ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis siya ni Pedro Badoglo. Si Mussoliini ay nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo sa hilagang Italy.
  • 31. Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao. Doon siya nahuli at pinatay kasama ng kanyang kinakasamang babae na si Clara Peracci noong ika-2 ng Abril, 1945. Noong ika-2 ng Mayo, nabihagg ng mga Russia ang Berlin. Noong ika-7 ng Mayo, tinanggap ang walang pasubaling tadhanang pagsuko ng mga Aleman sa Rheins at nang sumunod na araw sa Berlin, sa wakas ay susumapit din ang tinatawag na V-E Day (Victory in Europe).
  • 33. Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-DAY), lumapag sa Normandy, France ang gpuwerssa ni Heneral Eisenhower. Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo nila ang Nazi. Setyembre 1944 nang palayain ng mga Alyado ang Belhika. Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay ang mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre. Tinawag na Battle of the Bulge ang labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi.
  • 34. Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Germany dahil sa pag— atake ng mga Alyado sa kanluran at ng mga Russian sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa pinagtataguan ang kanyang kakampi at noong umaga ng ika-30 ng Abril, hinirang niya si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili. Noong hapon ding iyon, siya at ang kanyang kinakasamang babaeng si Eva Brawn, ay nagpakamatay.
  • 36. Ika-20 ng oktubre, 1944 nang bumalik sa Leyte si Heneral Douglas MacArthur sa gitna ng pagbubunyi ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit sa ilang buwang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones, idineklara ni Heneral MacArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Hapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Sinalakay naman ng Russia ang Manchuria, Korea, at Timag Sakhalin. Noong ika-9 ng Agosto, 1945, muling nagbagsak ng bomba atmoika sa Nagasaki ng mga Amerikano. Nagimbal ang Japan, kaya tinanggap nito ang alituntunin ng mga Alyado noong ika15 ng Agosto at pagkatapos ay tuluyan nang sumuko.
  • 37. Noong huling araw ng Agosto nang lumapag ang bansang Japan si Heneral MacArthur bilang Supreme Commander of the Allied Powers o SCAP. Ika-2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Japan ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay.
  • 38. MGA BUNGA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
  • 39. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng digdig. 1. Malaki ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig. 2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
  • 40. 3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Japan ni Hirohito. 4. Napagtibay ang simulating command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at ng pinunong militar. 5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang East Germany, West Germany, Nasyonalistang China, Pulahang China, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iiran, Iraq, at iba pa.
  • 41. UNITED NATIONS ANG MGA BANSANG NAGKAKAISA
  • 42. Hindi pa natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naisip na ni Pangulong Roosevelt ng United States na muling magtatag ng isang samahang pandaigdig na papalit sa Liga ng mga Bansa. Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor, sina Panguloong Roosevelt at Punong Ministro, Winston Churchill ng England, ay bumalangkas nang deklarasyon, ang Atlantic Charter, na siyang saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang Deklarasyong ng Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations).
  • 43. Sa isang kumperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, ang United States, Great Britain, at Soviet Union ay nagkasundo na pairalin at panatilihin ang kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis. Sinundan ito ng Deklarasoyn ng Apat na Bansa, kasama ang China, para maitatag ang isang pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mundo. Limampung bansa ang nagpulong sa California, United States, upang balangkasin ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa.
  • 44. Noong ika-24 ng Oktubre, 1945 ay itinatang ang United Nations. Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa London noong 1946 at nahalal na unang Sekretaryo- Heneral, si Truygve Lie ng Sweden. Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay. Ang Pangkalahatang Asemblea (General Assembly) ang sanagay na tagapagbatas ng samahan. Binubuo ito ng mga kinatawan ng lahat ng mga kasaping bansa, at dito isinasagawa ang mga pangkalahatang pagpupulong.
  • 45. Ang Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay tagapagpaganap. Binubuo ito ng 11 kagawad na ang lima ay permanenteng miyembro, samantalang ang anim ay inihalal sa taning na panunungkulan na dalawang taon. Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N. na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw- araw.
  • 46. Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) ang siyang sangay na nagpapasaya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa. Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC)ay binubuo ng 54 na kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa aspekto ng pangkabuhayan, panlipunan, pang- edukasyson, siyantipiko, at pangkalusugan ng daigdig.
  • 47. wakas