Academia.eduAcademia.edu

TANAGA POEMS

Abstract

Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataus na pagdamay.

TANAGA POEMS Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataus na pagdamay. (KAIBIGAN) ni Emelita Perez Baes Palay siyang matino, Nang humangi’y yumuko; Nguni’t muling tumayo Nagkabunga ng ginto (PALAY) ni Ildefonso Santos Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak,  nadarama’t nalalasap  ang pag-ibig na matapat. (PAG-IBIG) ni Emelita Perez Baes Kabibi, ano ka ba? May perlas, maganda ka; Kung idiit sa taynga, Nagbubunitunghininga! (KABIBI) ni Ildefonso Santos   Alipatong lumapag Sa lupa — nagkabitak, Sa kahoy nalugayak, Sa puso — naglagablab! (TAG-INIT) ni Ildefonso Santos Pag ang sanggol ay ngumiti  nawawala ang pighati,  pag kalong mo’y sumisidhi  ang pangarap na punyagi. (SANGGOL) ni Emelita Perez Baes SANGGOL  Pag ang sanggol ay ngumiti  nawawala ang pighati,  pag kalong mo’y sumisidhi  ang pangarap na punyagi.  PAG-IBIG Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak,  nadarama’t nalalasap  ang pag-ibig na matapat. GALIT  Ang damdami’y sumisikdo  sa balitang di-totoo;  habang sila’y nanunudyo,  poot nag-aalimpuyo.