Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Mangagtaas kayo ng watawat sa lupain, inyong hipan ang pakakak sa gitna ng mga bansa, magsihanda ang mga bansa laban sa kaniya, pisanin laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat, ng Minmi, at ng Aschenaz: mangaghalal ng puno laban sa kaniya; pasampahin ang mga kabayo ng parang mga uod.

New American Standard Bible

Lift up a signal in the land, Blow a trumpet among the nations! Consecrate the nations against her, Summon against her the kingdoms of Ararat, Minni and Ashkenaz; Appoint a marshal against her, Bring up the horses like bristly locusts.

Mga Halintulad

Genesis 8:4

At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan, nang ikalabing pitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat.

Genesis 10:3

At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma.

Jeremias 25:14

Sapagka't maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila, nila nga; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos, at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.

Jeremias 50:2

Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa, at inyong itanyag, at mangagtaas kayo ng watawat; inyong itanyag, at huwag ninyong ikubli: inyong sabihin, Ang Babilonia ay nasakop, si Bel ay nalagay sa kahihiyan, si Merodach ay nanglulupaypay; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan, ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay.

Jeremias 51:12

Mangagtaas kayo ng watawat laban sa mga kuta ng Babilonia, inyong patibayin ang bantayan, inyong lagyan ng mga bantay, kayo'y mangaghanda ng mga pangbakay: sapagka't ang Panginoon ay nagpanukala at gumawa rin naman ng kaniyang sinalita tungkol sa mga nananahan sa Babilonia.

1 Paralipomeno 1:6

At ang mga anak ni Gomer: si Askenaz at si Riphath, at si Thogorma.

Isaias 13:2-5

Kayo'y mangaglagay ng isang watawa't sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao.

Isaias 18:3

Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay nataas sa mga bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo.

Jeremias 50:41-42

Narito, isang bayan ay dumarating na mula sa hilagaan; at isang malaking bansa, at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.

Jeremias 51:14

Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sarili, na sinasabi, Tunay na pupunuin kita ng mga tao, na parang balang; at sila'y mangaglalakas ng hiyaw laban sa iyo.

Mga Hukom 6:5

Sapagka't sila'y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda; at sila'y nagsipasok na parang balang sa karamihan; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang: at kanilang pinasok ang lupain upang gibain.

2 Mga Hari 19:37

At nangyari, nang siya'y sumamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios, na sinugatan siya ng tabak ni Adramelech, at ni Saresar: at sila'y nagsitanan na patungo sa lupain ng Ararat. At si Esar-hadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Jeremias 6:1

Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa hilagaan, at isang malaking paglipol.

Jeremias 46:23

Kanilang puputulin ang kaniyang gubat, sabi ng Panginoon, bagaman mahirap pasukin; sapagka't sila'y higit kay sa mga balang, at walang bilang.

Joel 2:2-3

Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.

Amos 3:6

Tutunog baga ang pakakak sa bayan, at ang bayan ay hindi manginginig? sasapit baga ang kasamaan sa bayan, at hindi ginawa ng Panginoon?

Nahum 3:15-17

Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang.

Zacarias 14:2

Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.

Pahayag 9:7-11

At ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

26 At hindi ka nila kukunan ng bato na panulok, o ng bato man na mga patibayan; kundi ikaw ay magiging sira magpakailan man, sabi ng Panginoon. 27 Mangagtaas kayo ng watawat sa lupain, inyong hipan ang pakakak sa gitna ng mga bansa, magsihanda ang mga bansa laban sa kaniya, pisanin laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat, ng Minmi, at ng Aschenaz: mangaghalal ng puno laban sa kaniya; pasampahin ang mga kabayo ng parang mga uod. 28 Magsihanda laban sa kaniya ang mga bansa, ang mga hari ng mga Medo, ang mga gobernador niyaon, at ang lahat na kinatawan niyaon, at ang buong lupain na kaniyang sakop.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org

Lahat ng pagsasalin
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)