Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan: at pawawalan niya ang kambing sa ilang.
New American Standard Bible
"The goat shall bear on itself all their iniquities to a solitary land; and he shall release the goat in the wilderness.
Mga Halintulad
Isaias 53:11-12
Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
Juan 1:29
Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!
Mga Hebreo 9:28
Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.
1 Pedro 2:24
Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.
Awit 103:10
Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
Awit 103:12
Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
Ezekiel 18:22
Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
Mikas 7:19
Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.
Mga Taga-Galacia 3:13
Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy:
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
21 At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa: 22 At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan: at pawawalan niya ang kambing sa ilang. 23 At papasok si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at maghuhubad ng mga suot na lino, na isinuot niya nang siya'y pumasok sa dakong banal, at iiwan niya roon: