8 Talata sa Bibliya tungkol sa Kapangyarihan ng Espiritu Santo
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.
At bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu: at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain.
Nguni't kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.
Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin,
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel: narito, kanilang sinasabi, Ang ating mga buto ay natuyo, at ang ating pagasa ay nawala; tayo'y lubos na nahiwalay. Kaya't manghula ka, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko; at aking dadalhin kayo sa lupain ng Israel. At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binuksan ang inyong libingan, at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko.magbasa pa.
At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.
At narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo'y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.
Mga Paksa sa Kapangyarihan ng Espiritu Santo
Kapangyarihan ng Espiritu Santo, Ipinakita
Genesis 1:2At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Banal na Espiritu, Nagbibigay Buhay
- Ang Kapangyarihan ng Diyos
- Ang PagkaDiyos ng Espiritu Santo
- Bautismo sa Espiritu Santo
- Diyos na Nagpakita ng Kanyang Kapangyarihan
- Diyos, Kapangyarihan ng
- Kalakasan, Espirituwal
- Kapangyarihan ng Espiritu Santo, Ipinakita
- Kapangyarihan ng Tao
- Kapangyarihan sa Pamamagitan ng Espiritu
- Misyon ng Iglesia
- Misyon ni Jesu-Cristo
- Misyonero, Tulong sa mga
- Multo, Mga
- Pagkakatawang-Tao
- Pagpapalakas
- Pagpapalayas ng mga Demonyo
- Pangalan at Titulo para sa Banal na Espiritu