36 Talata sa Bibliya tungkol sa Kultura

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Marcos 7:13

Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali't-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.

Deuteronomio 18:9

Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon.

Mga Taga-Roma 12:2
Mga Konsepto ng TaludtodLipunan, Tungkulin saBagong Panahon, Paniniwala saPagtatangiPaglalakbayKaisipan, MgaMagigingAng IsipanPagsunodPagbabasa ng BibliaUgaliPagpapanibagoKaranasanProsesoGulangPlano ng Diyos Para Sa AtinPagbabago ng SariliKasulatanPagkakaalam sa Kalooban ng DiyosPagiging tulad ni CristoMasamang ImpluwensiyaMasamang PananalitaMasamang KaisipanPagbabagoSarili, DisiplinaDapat Unahin sa Buhay, MgaKalusuganPagsubokHindi KamunduhanKalaguang EspirituwalKaisipan ng MatuwidUgali ng Kristyano sa harapan ng SanlibutanSarili, Pagpapakalayaw saPagiisipImpluwensyaKamunduhanPaninindigan sa MundoIsipan, Laban ngMga Taong NagbagoPagbabago, Katangian ngKaganapan ng DiyosPampagandaSanlibutang Laban sa DiyosEspirituwal na PagbabagoAlinsunodBagong IsipKasalanan, Pagiwas saBinagong PusoPagiisipMakalamanMasama, Tagumpay laban saPaghahanapRepormasyonPagpipigil sa iyong KaisipanDiyos, Kaperpektuhan ngAlkoholLipunan, Mabuting Kalagayan ngPagpapasakop sa Kalooban ng DiyosPagibig, Pangaabuso saKamunduhan, IwasanKarunungang Kumilala, Katangian ngBinagoPagbabagoPagpapanibago ng Bayan ng DiyosPamimilit ng BarkadaDiyos, Panukala ngProblema, Pagsagot saEspirituwal na Digmaan, Kalaban saMaalalahaninDiyos, Kabutihan ngKautusan, Paglalarawan saKarunungang Kumilala, Pinagmumulan ngPinagpaparisanPananawSarili, Imahe sa

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Jeremias 17:4

At ikaw, sa makatuwid baga'y ang iyong sarili, mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo; at paglilingkurin kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala: sapagka't pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man.

Marcos 7:8

Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.

Jeremias 10:2

Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagka't ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon.

Lucas 4:16

At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.

Deuteronomio 7:3

Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.

Lucas 17:26

At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.

1 Corinto 1:12

Ibig ko ngang sabihin ito, na ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay Apolos; at ako'y kay Cefas; at ako'y kay Cristo.

Pahayag 7:9

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;

Deuteronomio 25:5

Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila'y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

Mga Taga-Roma 1:14

Ako'y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang.

Daniel 6:10

At nang maalaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya'y pumasok sa kaniyang bahay (ang kaniya ngang mga dungawan ay bukas sa dakong Jerusalem); at siya'y lumuhod ng kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw, at dumalangin, at nagpasalamat sa harap ng kaniyang Dios, gaya ng kaniyang dating ginagawa.

Mateo 23:9

At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.

Juan 7:49

Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa.

Mga Gawa 18:1

Pagkatapos ng mga bagay na ito'y umalis siya sa Atenas, at napasa Corinto.

Ezekiel 26:13

At aking patitigilin ang tinig ng iyong mga awit; at ang tunog ng iyong mga alpa ay hindi na maririnig.

Job 8:17

Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a