10 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagmamahal sa Iglesia
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:
Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa. Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.
At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: kundi lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan.
Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki.
Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, hindi namin dinaya ang sinoman. Hindi ko sinasabi ito upang kayo'y hatulan: sapagka't sinabi ko na nang una, na kayo'y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay.
Sapagka't saksi ko ang Dios, kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus.
Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan.
Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;
Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Iglesia ay Pangkalahatan
- Diyos, Pagibig ng
- Kahirapan, Mga
- Kapatiran
- Kapatiran, Pagibig sa
- Katubusan
- Lipunan, Tungkulin sa
- Nagbabahagi ng mga Materyal na Bagay
- Pablo, Apostol sa mga Hentil
- Pagibig
- Pagibig bilang Bunga ng Espiritu
- Pagibig ng Magasawa
- Pagibig sa Isa't Isa
- Pagibig, Katangian ng
- Pagmamahal sa Bawat Isa
- Pagmamahal sa Iyong Asawa
- Pagmamahal sa Kapatid
- Pagmamahal, Pagpapadama ng
- Paninindigan sa Bayan ng Diyos
- Tunay na Pagibig
- Ugnayan ng Mag-asawa