Inilabas na ng Philippine Regulation Commission (PRC) at Board of Accountancy ang resulta nang ginanap na Certified Public Accountant Licensure Examinations (CPALEX) nitong Oktubre 4, 5, 11, at 12, 2014 sa ilang mga testing centers sa Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi at Lucena.
Ayon inilabas na datos ng PRC, sa kabuuang bilang na 11,137 na mga kumuha ng pagsusulit sa buong bansa ay 4,123 ang pumasa na may National Passing Rate na 37.02%. Kabilang naman sa 4,123 na mga pumasa ay ang 18 examinees mula sa Camarines Norte State College (CNSC) na may school passing rate na 51.43%.
Ang mga pumasa sa October 2014 CPA Board Passers mula sa CNSC ay sina:
1. AGUSTINES, NOEMI RAMORES
2. BERMEJO, JAEVEE VON ADRIANO
3. CAPON, RAUL JOHN ESPINA
4. CERENO, ARVIE BANAL
5. DACER, JEFFERSON TAYO
6. DE LOS SANTOS, JANE AUXILLO
7. EUSEBIO, GEY DIAZ
8. FERRER, JENNYBEL ELEAZAR
9. HERALDO, JERSON GENOVA
10. MADERA, ROWENA DE LEON
11. MAIGUE. LIEZL ALBOS
12. MAÑAGO, MICHAEL BELANTE
13. MORALES, JOAN ISABEL ZABALA
14. OBUSAN, AISA MAY BLAS
15. SOLOMON, JESSICA NAPAY
16. SUBANDO, MARY ROSE SALAMAT
17. SUMAGAYAN, ZAIRA ZABALA
18. TROPEL, VIVIAN NASAYAO
Sa naging panayam ni Ivy Consuelo-Garcia sa kanyang programa sa Radyo Ng Bayan (RNB) – Camarines Norte kay Dr. Monsito G. Ilarde, Pangulo ng CNSC, labis umano ang kanyang pasasalamat sa buong administrasyon at faculty dahil sa naging pagsuporta sa mga pumasa. Isa na naman umanong karangalan ito hindi lang sa paaralan, maging sa Lalawigan ng Camarines Norte kasunod na rin ng ilan ding pumasa sa mga nakaraang Licensure Examinations sa mga kurso ng Engineering.
Dagdag pa ni Dr. Ilardre, binisita pa umano siya ng ilang akalde ng mga bayan upang personal na batiin ang kanyang tanggapan sa natamong karangalan. Sunod umano nilang paghahandaan ay ang Civil Engineering Licensure Examinations (CELEX) na naktakdang isagawa sa Buwan ng Disyembre at Licensure Examinations for Teachers (LET) sa susunod na taon.
Sa usapin naman ng pagiging Unibersidad ng nag-iisang state college sa lalawigan, sinabi ni Dr. Ilarde na patuloy umano nilang sinisikap na makasunod sa mga pamantayan na hinihingi ng Commission on Higher Education (CHED) upang maisakatuparan na ang matagal nang kahilingan ng mga mag-aaral at maging ng administrasyon. Sa katunayan umano, ay inaayos na nila ang mga dokumentong kailangan upang makapagbukas pa ng ilang kurso sa mga susunod na taon na tulad ng Agribusiness courses, BS Computer Science, BS Architecture, at BS Electronics and Communications Engineering.
Nanawagan din ang Pangulo ng CNSC sa mga estudyante na patuloy na pagbutihin ang pag-aaral at magbigay ng suporta sa mga pang-akademikong proyekto at aktibidad na ginagawa ng kanilang administrasyon.
(credits: http://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/CPA1014ps.pdf, CamarinesNorte StateCollege Facebook account)
Camarines Norte News