Bago ka mag-install ng app sa Google Play, puwede mong tingnan ang Seksyon ng Kaligtasan ng Data ng app. Ginagamit ng mga developer ang Seksyon ng Kaligtasan ng Data para magbahagi ng impormasyon tungkol sa kung paano pinapangasiwaan ng app nila ang iyong data. Sa pamamagitan nito, puwede kang gumawa ng mas may kabatirang pagpapasya tungkol sa kung anong mga app ang gagamitin mo.
Hanapin ang impormasyon sa kaligtasan ng data ng isang app
- Buksan ang Google Play .
- Mag-browse o gamitin ang search bar para humanap ng app.
- Mag-tap ng app.
- Sa ilalim ng "Kaligtasan ng data," makakakita ka ng buod ng mga kagawian sa kaligtasan ng data ng app.
- Para sa higit pang detalye, i-tap ang Tingnan ang mga detalye.
Tip: Nalalapat lang ang impormasyon sa Seksyon ng Kaligtasan ng App sa mga app na ipinapamahagi sa Google Play. Makikita mo lang ang Seksyon ng Kaligtasan ng App sa Android 5 at mas bago.
Maunawaan at suriin ang mga kagawian sa kaligtasan ng data ng app
Nagbibigay-daan ang Seksyon ng Kaligtasan ng Data ng listing ng app para mailarawan ng mga developer kung paano kinokolekta, ibinabahagi, at pinapangasiwaan ng kanilang mga app ng iba't ibang uri ng data. Ipinapaliwanag ng mga developer ang kanilang mga kagawian para sa:
- Pangongolekta ng data: Inilalarawan ng mga developer ang mga uri ng data ng user na kinokolekta ng kanilang app, kung paano nila ginagamit ang data na ito, at kung opsyonal ang pangongolekta ng data na ito. Karaniwang itinuturing na “kinokolekta” ang data kapag ginagamit ng developer ang kanyang app para kumuha ng data mula sa iyong device.
- Sa ilang sitwasyon, hindi kailangang ihayag ng mga developer ang data bilang "kinokolekta" kahit na kung tutuusin ay inilalabas sa iyong device ang data (halimbawa, kapag pinoproseso lang ang data sa ephemeral na paraan). Matuto pa tungkol sa mga sitwasyong ito sa ibaba.
- Pagbabahagi ng data: Inilalarawan ng mga developer kung ibinabahagi ng kanilang app ang iyong data sa mga third party at kung anong mga uri ng data ang ibinabahagi. Karaniwang itinuturing na "ibinabahagi" ang data kapag ina-access ito ng app at inililipat sa isang third party.
- Sa ilang sitwasyon, hindi kailangang ihayag ng mga developer ang data bilang "ibinabahagi" kahit na kung tutuusin ay inililipat ito sa ibang partido (halimbawa, kapag nagbigay ka ng pahintulot na maglipat ng data pagkatapos ipaliwanag ng app kung paano nito gagamitin ang data, o kapag ibinahagi ang data sa service provider ng developer). Matuto pa tungkol sa mga sitwasyong ito sa ibaba.
Ginagamit ng mga developer ang seksyong Kaligtasan ng data ng Google Play para ilarawan ang kabuuan ng pangongolekta at pagbabahagi ng data ng kanilang app sa lahat ng bersyon ng app na ipinapamahagi sa Google Play. Posibleng mag-iba-iba ang mga kagawian sa privacy at seguridad batay sa iyong paggamit, rehiyon, at edad. Puwedeng gamitin ng mga developer ang seksyong “Tungkol sa app” ng listing ng app sa Google Play, ang patakaran sa privacy, o ang iba pang dokumentasyon para magbahagi sa kanilang mga user ng impormasyong partikular sa bersyon ng app.
Maunawaan ang pangongolekta ng data at pagbabahagi ng data
Pangongolekta ng dataHindi kailangang ihayag ng mga developer ang data na ina-access ng app bilang "kinokolekta" sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data kung:
- Sa iyong device lang ina-access ng app ang data at hindi ito ipinapadala papalabas sa device mo. Halimbawa, kung binigyan mo ng pahintulot ang isang app na i-access ang iyong lokasyon, pero ginagamit lang nito ang data na iyon para maghatid ng functionality ng app sa device mo at hindi nito iyon ipinapadala sa server nito, hindi nito kailangang ihayag bilang kinokolekta ang data na iyon.
- Ipinapadala papalabas sa device ang iyong data pero pinoproseso lang ito sa ephemeral na paraan. Ibig sabihin nito, ina-access at ginagamit lang ng developer ang iyong data kapag naka-store ito sa memory, at hindi nito pinapanatili ang data nang mas matagal sa kinakailangan para maghatid ng partikular na kahilingan. Halimbawa, kung ipinapadala ng isang weather app ang iyong lokasyon papalabas sa device para makuha ang kasalukuyang lagay ng panahon kung nasaan ka, pero ginagamit lang ng app ang data ng lokasyon mo sa memory at hindi nito sino-store ang data nang mas matagal sa kinakailangan para maibigay ang lagay ng panahon.
- Ipinapadala ang iyong data gamit ang end-to-end na pag-encrypt. Ibig sabihin nito, hindi mababasa ng sinuman maliban sa tagapadala at tatanggap ang data. Halimbawa, kung magpapadala ka ng mensahe sa isang kaibigan gamit ang app sa pagmemensahe na may end-to-end na pag-encrypt, ikaw lang at ang iyong kaibigan ang makakabasa sa mensahe.
Kung minsan, posibleng i-redirect ka ng mga app sa ibang serbisyo para kumumpleto ng partikular na pagkilos. Halimbawa, puwede kang i-redirect ng app sa serbisyo sa pagbabayad gaya ng PayPal, Google Pay, o ibang katulad na serbisyo, para kumumpleto ng pagbili. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi kailangang ipahayag ng developer ng app ang data na kinokolekta ng ibang serbisyo kung:
- Hindi ina-access ng app ang impormasyong ito, at
- Ibibigay mo nang direkta ang impormasyong ito sa ibang serbisyo sa ilalim ng patakaran sa privacy at mga tuntunin ng serbisyo ng serbisyong iyon.
Sa ilang sitwasyon, hindi kailangang ipahayag ng mga developer ang data na inililipat sa iba bilang "ibinabahagi" sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data. Kabilang dito ang:
- Kapag inililipat sa third party ang data batay sa partikular na pagkilos na ginawa mo, kung saan makatuwiran mong maaasahang ibabahagi ang data. Halimbawa, kapag nagpadala ka ng email o nagbahagi ka ng dokumento sa ibang tao.
- Kapag malinaw na ipinahayag sa app ang paglilipat ng data sa third party, at hiniling ng app ang iyong pahintulot sa paraang nakakatugon sa mga kinakailangan ng patakaran sa Data ng User ng Google Play.
- Kapag inililipat ang data sa service provider para maiproseso ito sa ngalan ng developer. Halimbawa, puwedeng gumamit ng provider ang developer para mag-host ng data sa ngalan nito at alinsunod sa mga tagubilin, tuntunin sa kontrata, patakaran sa privacy, at pamantayan sa seguridad ng developer.
- Kapag inililipat ang data para sa mga partikular na layunin ayon sa batas, gaya ng pagtugon sa kahilingan ng pamahalaan.
- Kapag inililipat ang data sa ganap na naka-anonymize na paraan para hindi na ito maiuugnay sa sinumang indibidwal.
Iba pang impormasyon sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data
Mga kagawian sa seguridadPuwedeng ilarawan ng mga developer ang ilang partikular na kagawian sa seguridad na ginagamit nila. Halimbawa, kung ang kanilang app ay:
- Nag-e-encrypt ng data na kinokolekta o ibinabahagi nito habang ipinapadala ito.
- Idinisenyo ang ilang app para bigyang-daan kang ilipat ang iyong data sa ibang site o serbisyo. Posibleng ipahayag ng mga app na ito sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data ng mga ito na inililipat ang iyong data sa pamamagitan ng secure na koneksyon hangga't ginagamit nila ang pinakamahuhusay na pamantayan sa industriya para ligtas na i-encrypt ang data mo habang inililipat ito sa pagitan ng iyong device at mga server ng app. Posibleng iba-iba ang mga kagawian sa privacy at seguridad ng mga site o serbisyong pinipili mong paglipatan ng iyong data. Hiwalay na suriin ang mga kagawiang iyon para matiyak na inililipat mo ang iyong data sa mga secure na destinasyon. Halimbawa, posibleng may app sa pagmemensahe na nagpapahayag na ine-encrypt nito ang data mo habang ipinapadala, na nagbibigay ng opsyong magpadala ng SMS message sa pamamagitan ng iyong service provider sa mobile. Dapat mong suriin ang mga kagawian sa pangangasiwa ng data ng iyong service provider sa mobile, dahil posibleng hindi ito gumagamit ng pag-encrypt habang nagpapadala para ligtas na maipadala ang mga SMS message sa pamamagitan ng mobile network nito.
- Hiwalay na sinuri alinsunod sa pandaigdigang pamantayan sa seguridad. Vina-validate ng hiwalay na pagsusuring ito ang mga kagawian sa seguridad ng app alinsunod sa pandaigdigang pamantayan. Nagsasagawa ng pagsusuri ang mga third-party na organisasyon sa ngalan ng developer. Hindi vine-verify ng pagsusuring ito ang pagiging tumpak at kumpleto ng paghahayag ng developer sa seksyon ng Kaligtasan ng data.
- Nag-aalok ng mga pagbabayad sa pamamagitan ng Unified Payments Interface (UPI). Ang UPI ay isang system ng instant na pag-transfer ng pera. Na-develop ito ng National Payments Corporation of India (NPCI), isang RBI-regulated na entity. Isinasaad ng mga developer na na-verify at na-validate ng NPCI ang pagpapatupad ng UPI ng app na ito. Available lang ang kasanayang panseguridad na ito para sa paggamit ng app sa India.
Magagamit ng mga developer ang seksyong Pag-delete ng data para ilarawan ang mga ibinibigay nilang paraan para maalis mo ang iyong data sa app.
Puwedeng mag-alok sa iyo ng paraan para gumawa ng account ang ilang app. Dapat gawin ng mga app na nag-aalok ng paggawa ng account ang mga sumusunod:
- Magbigay sa mga user ng path sa pag-delete ng kanilang account sa app at nauugnay na data sa mismong app.
- Magbigay ng link sa web para sa resource kung saan mahihiling ng mga user na i-delete ang kanilang account sa app at nauugnay na data.
Puwede ka ring bigyan ng ilang app na nag-aalok ng paggawa ng account ng opsyong mag-delete ng partikular na data ng app nang hindi dine-delete ang buong account mo.
Sa ibang app, posibleng hindi nag-aalok ng paggawa ng account pero may paraan para ma-delete mo ang iyong nauugnay na data. Para alamin kung paano hilinging i-delete ang iyong data at kung paano tinutugunan at pinapangasiwaan ng developer ang mga request sa pag-delete ng data:
Matuto pa tungkol sa requirement sa pag-delete ng account ng Google Play para sa mga app.Matuto pa tungkol sa mga paghahayag para sa data ng pamamahala sa account at mga serbisyo sa system.
Pamamahala sa account
Binibigyang-daan ka ng ilang app na gumawa ng account o magdagdag ng impormasyon sa isang account na ginagamit ng developer sa mga serbisyo nito. Posibleng gamitin ng developer ang data na kinokolekta sa pamamagitan ng app para sa mga karagdagang layunin sa mga serbisyo nito na hindi partikular sa app, gaya ng pag-iwas sa panloloko o pag-advertise. Puwedeng ihayag ng mga developer ang ganitong pangongolekta at paggamit ng data ng account sa kanilang mga serbisyo bilang "Pamamahala sa account." Dapat pa ring ipahayag ng mga developer ang lahat ng layunin kung para saan ginagamit ng mismong app ang data. Suriin ang impormasyon ng app, gaya ng patakaran sa privacy nito, para maunawaan kung paano ginagamit ng developer ang data ng iyong account sa mga serbisyo nito.
Mga serbisyo sa system
Ang mga serbisyo sa system ay mga naka-pre install at hindi maa-uninstall na software sa ilang device. Sinusuportahan ng mga ito ang mga feature o function na partikular sa device. Hindi kinakailangang kumumpleto ng mga developer ng mga kwalipikadong serbisyo sa system ng Seksyon ng Kaligtasan ng Data. Puwede mong suriin ang site at patakaran sa privacy ng developer para matuto pa tungkol sa mga kagawian sa kaligtasan ng data nito.
Mga uri ng data at layunin ng pangongolekta na sinasaklaw sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data
Ipinapaliwanag ng Seksyon ng Kaligtasan ng Data ang layunin para sa pangongolekta at pagbabahagi ng mga partikular na uri ng data. Dapat gamitin ng mga developer ang mga parehong kategorya para ipaliwanag ang mga layuning ito para maihambing mo sa maaasahang paraan ang maraming app. Dapat ilarawan ng impormasyon ang lahat ng bersyon at variation ng app.
Matuto pa tungkol sa mga uri at layunin ng data na kasama sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data.
Kategorya | Uri ng data | Paglalarawan |
---|---|---|
Lokasyon | Tinatayang lokasyon |
Aktwal na lokasyon mo o ng iyong device sa loob ng area na mas malaki sa o katumbas ng 3 square kilometer, gaya ng lungsod kung nasaan ka. |
Eksaktong lokasyon | Aktwal na lokasyon mo o ng iyong device sa loob ng area na mas maliit sa 3 square kilometer. | |
Personal na impormasyon | Pangalan |
Ang tawag mo sa sarili mo, gaya ng iyong pangalan, apelyido, o nickname. |
Email address | Ang iyong email address | |
Mga User ID | Mga identifier na nauugnay sa makikilalang tao. Halimbawa, account ID, account number, o pangalan ng account. | |
Address |
Ang iyong address, gaya ng mailing address o address ng tahanan. |
|
Numero ng telepono | Ang numero ng iyong telepono. | |
Lahi at etnisidad |
Impormasyon tungkol sa iyong lahi o etnisidad. |
|
Mga paniniwala sa pulitika o relihiyon |
Impormasyon tungkol sa iyong mga paniniwala sa pulitika o relihiyon. |
|
Sekswal na oryentasyon |
Impormasyon tungkol sa iyong sekswal na oryentasyon. |
|
Iba pang impormasyon |
Anupamang personal na impormasyon, gaya ng petsa ng kapanganakan, kinikilalang kasarian, status bilang beterano, atbp. |
|
Pinansyal na impormasyon | Impormasyon sa pagbabayad ng user |
Impormasyon tungkol sa iyong mga pinansyal na account, gaya ng numero ng credit card. |
History ng pagbili |
Impormasyon tungkol sa mga pagbili o transkasyong ginawa mo. |
|
Credit score |
Impormasyon tungkol sa iyong credit. Halimbawa, ang iyong history ng credit o credit score. |
|
Iba pang pinansyal na impormasyon |
Anupamang pinansyal na impormasyon gaya ng suweldo o mga utang mo. |
|
Kalusugan at fitness | Impormasyon sa kalusugan |
Impormasyon tungkol sa iyong kaligtasan, gaya ng mga medical record o sintomas. |
Impormasyon sa fitness |
Impormasyon tungkol sa iyong fitness, gaya ng pag-eehersisyo o iba pang pisikal na aktibidad. |
|
Mga Mensahe | Mga Email |
Ang iyong mga email, kabilang ang linya ng paksa ng email, tagapadala, mga tatanggap, at ang nilalaman ng email. |
SMS o MMS |
Ang iyong mga text message, kabilang ang tagapadala, mga tatanggap, at ang nilalaman ng mensahe. |
|
Iba pang in-app na mensahe |
Anupamang uri ng mga mensahe. Halimbawa, mga instant message o nilalaman ng chat. |
|
Mga larawan at video | Mga Larawan | Ang iyong mga larawan |
Mga Video | Ang iyong mga video. | |
Mga audio file | Mga recording ng boses o tunog |
Ang iyong boses, gaya ng voicemail o recording ng tunog. |
Mga music file |
Ang iyong mga music file. |
|
Iba pang audio file |
Anupamang audio file na ginawa o ibinigay mo. |
|
Mga file at doc | Mga file at doc |
Ang iyong mga file o dokumento, o impormasyon tungkol sa mga file o dokumento mo, gaya ng mga pangalan ng file. |
Kalendaryo | Mga event sa kalendaryo |
Impormasyon mula sa iyong kalendaryo, gaya ng mga event, tala sa event, at attendee. |
Mga Contact | Mga Contact |
Impormasyon tungkol sa iyong mga contact, gaya ng mga pangalan ng contact, history ng mensahe, at impormasyon ng social graph gaya ng mga username, recency ng pakikipag-ugnayan, dalas ng pakikipag-ugnayan, tagal ng pakikipag-ugnayan, at history ng tawag. |
Aktibidad sa app | Mga pakikipag-ugnayan sa app |
Impormasyon tungkol sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa app. Halimbawa, ang dami ng beses ng pagbisita mo sa isang page o mga seksyong na-tap mo. |
In-app na history ng paghahanap | Impormasyon tungkol sa mga hinahanap mo sa app. | |
Mga naka-install na app | Impormasyon tungkol sa mga app na naka-install sa iyong device. | |
Iba pang content na binuo ng user |
Anupamang content na binuo mo na hindi nakalista rito, o sa anupamang seksyon. Halimbawa, mga bio, tala, o open-ended na sagot. |
|
Iba pang pagkilos |
Anupamang aktibidad o pagkilos sa app na hindi nakalista rito, gaya ng gameplay, mga like, at mga opsyon sa dialog. |
|
Pag-browse sa web | History ng pag-browse sa web |
Impormasyon tungkol sa mga website na binisita mo. |
Impormasyon at performance ng app | Mga log ng pag-crash |
Data ng pag-crash mula sa app. Halimbawa, ang bilang ng pagkakataong nag-crash ang app sa device o iba pang impormasyong direktang nauugnay sa pag-crash. |
Diagnostics |
Impormasyon tungkol sa performance ng app sa device. Halimbawa, tagal ng baterya, oras ng pag-load, latency, o anumang teknikal na diagnostics. |
|
Iba pang data ng performance ng app |
Anupamang data ng performance ng app na hindi nakalista rito. |
|
Device ID o iba pang ID | Device ID o iba pang ID |
Mga identifier na nauugnay sa isang indibidwal na device, browser, o app. Halimbawa, numero ng IMEI, MAC address, Widevine Device ID, Firebase installation ID, o advertising identifier. |
Mga layunin ng data | Paglalarawan | Halimbawa |
---|---|---|
Pamamahala sa account | Ginagamit para sa pag-set up o pamamahala ng iyong account sa developer. |
Halimbawa, para mabigyang-daan kang:
|
Pag-advertise o marketing | Ginagamit para magpakita o mag-target ng mga ad o komunikasyong pang-marketing, o para sukatin ang performance ng ad. | Halimbawa, pagpapakita ng mga ad sa iyong app, pagpapadala ng mga push notification para mag-promote ng iba pang produkto o serbisyo, o pagbabahagi ng data sa mga partner sa pag-advertise. |
Functionality ng app | Ginagamit para sa mga feature na available sa app. | Halimbawa, para i-enable ang mga feature sa app, o i-authenticate ka. |
Analytics | Ginagamit para mangolekta ng data tungkol sa kung paano mo ginagamit ang app o tungkol sa performance nito. | Halimbawa, para makita kung ilang user ang gumagamit ng isang partikular na feature, para subaybayan ang kalagayan ng app, para mag-diagnose at mag-ayos ng mga bug o crash, o para gumawa ng mga pagpapahusay ng performance sa hinaharap. |
Mga komunikasyon ng developer |
Ginagamit para magpadala ng balita o mga notification tungkol sa app o developer. |
Halimbawa, pagpapadala ng push notification para abisuhan ka tungkol sa mga bagong feature ng app o mahalagang update sa seguridad. |
Pagpigil sa panloloko, seguridad, at pagsunod |
Ginagamit para sa pagpigil sa panloloko, seguridad, o pagsunod sa mga batas. |
Halimbawa, pagsubaybay sa mga hindi nagtagumpay na pagsubok na mag-log in para matukoy ang posibleng mapanlokong aktibidad. |
Pag-personalize |
Ginagamit para i-customize ang iyong app, gaya ng pagpapakita ng mga inirerekomendang content o suhestyon. |
Halimbawa, pagmumungkahi ng mga playlist batay sa iyong mga gawi sa pakikinig o paghahatid ng lokal na balita batay sa iyong lokasyon. |
Kontrolin ang mga pahintulot sa app at pangongolekta ng data
Maunawaan ang mga pahintulot sa appIpinapakita ng listahan ng mga pahintulot sa app kung anong partikular na data o mga feature ang puwedeng i-access o hilinging i-access ng isang app. Kabilang sa listahang ito ang:
- Data o mga feature na nire-require para gumana ang app, gaya ng access sa mobile network
- Data na hinihiling ng app habang ginagamit mo ito, gaya ng access sa iyong camera
Nakabatay ang listahang ito sa teknikal na impormasyong naglalarawan kung paano gumagana ang app ng developer. Naiiba ito sa seksyon na Kaligtasan ng data, na nakabatay sa impormasyong ipinahayag ng mga developer ng app tungkol sa kung paano nila kinokolekta, ibinabahagi, at pinapangasiwaan ang iyong data.
Kung minsan, posibleng naiiba ang impormasyong nasa listahan ng mga pahintulot sa app kumpara sa seksyon na Kaligtasan ng data. Kabilang sa ilan sa mga posibleng dahilan nito ang:
- Nag-a-access ng data ang app para iproseso ito sa device, pero hindi nito kinokolekta o ibinabahagi ang data.
- Nangongolekta ng data ang app sa paraang hindi pinapamahalaan ng mga pahintulot.
- Hindi saklaw ng seksyon na Kaligtasan ng data ang uri ng serbisyo o data sa listahan ng mga pahintulot.
Pagkatapos mong mag-download ng app, dapat humingi ang app ng pahintulot na mag-access ng partikular na data. Kung nangongolekta ang app ng data na ayaw mong ibahagi, magagawa mong:
- Baguhin ang iyong mga pahintulot sa app para sa isang app o ayon sa uri ng pahintulot sa mga setting ng telepono mo.
- Payagan ang iyong telepono na awtomatikong alisin ang mga pahintulot para sa mga hindi ginagamit na app.
- Mag-delete ng mga app para ihinto ang pangongolekta ng data sa hinaharap.
Tip: Kung hindi mo mahiling na i-delete ang data mula sa mismong app, puwede kang makipag-ugnayan sa developer para ipa-delete ang anumang data na kinolekta ng app. Alamin kung paano makipag-ugnayan sa developer ng Android app.