May tanong tungkol sa iyong membership sa YouTube Premium o YouTube Premium Music? Magbasa sa ibaba para sa mga detalye tungkol sa kung paano suriin ang mga detalye ng iyong membership, gaya ng paraan ng pagbabayad, petsa ng pagsingil, at mga resibo ng transaksyon.
Suriin ang uri at status ng iyong membership
Tingnan ang uri ng iyong membership
Para matingnan kung ano ang uri ng membership kung saan ka kasalukuyang naka-subscribe (trial, indibidwal, pamilya, mag-aaral):
- Pumunta sa youtube.com/paid_memberships.
- Ililista ang iyong mga membership at subscription sa YouTube sa ilalim ng seksyong “Mga Membership.”
- Sa ilalim ng pangalan ng bawat membership, ililista ang uri at presyo ng iyong membership.
Kung nag-sign up ka para sa isang membership sa Premium sa pamamagitan ng Apple, makikita mo ang “Sinisingil ng Apple” sa ilalim ng mga detalye ng iyong membership. Kakailanganin mong pamahalaan ang iyong membership sa pamamagitan ng Apple.
Suriin ang status ng iyong membership
Para kumpirmahin ang status ng iyong membership (aktibo o naka-pause):
- Pumunta sa youtube.com/paid_memberships.
- I-click ang Pamahalaan ang membership.
- Makikita mo ang petsa ng iyong susunod na yugto ng pagsingil kung naka-subscribe ka sa isang buwanang membership, ang petsa kung kailan matatapos ang trial mo (kung kasalukuyan kang nasa isang panahon ng trial), o ang opsyong i-unpause ang iyong membership (kung naka-pause ito).
Suriin ang mga detalye ng iyong pagsingil
Tingnan o palitan ang iyong aktibong paraan ng pagbabayad
- Pumunta sa youtube.com/paid_memberships.
- I-click ang arrow sa tabi ng Pamahalaan ang membership para palawakin ang mga detalye ng iyong membership.
- Makikita mo ang iyong aktibong paraan ng pagbabayad na nakalista at ang anumang backup na paraan ng pagbabayad na idinagdag mo.
- Puwede mong i-click ang I-edit sa tabi ng “Backup na paraan ng pagbabayad” para magdagdag ng isa pang paraan ng pagbabayad. Tinitiyak ng backup na paraan ng pagbabayad na magpapatuloy ang iyong membership at mga benepisyo kahit na hindi masingil ang una mong paraan ng pagbabayad para sa anumang kadahilanan.
Tingnan ang iyong susunod na petsa at halaga ng pagsingil
- Pumunta sa youtube.com/paid_memberships.
- I-click ang arrow sa tabi ng Pamahalaan ang membership para palawakin ang mga detalye ng iyong membership.
- Makikita mo ang iyong “Petsa ng susunod na pagsingil” na nakalista, at ang presyo ng membership mo.
Para kanselahin o i-pause ang iyong membership, sundin ang mga hakbang dito. Kapag kinansela mo ang iyong membership, hindi ka na sisingilin ulit maliban na lang kung magsu-subscribe ka ulit. Patuloy mong matatanggap ang iyong mga benepisyo sa may bayad na membership sa YouTube hanggang sa katapusan ng sinasakupang panahon ng pagsingil.
Tingnan ang iyong mga resibo
Para matingnan ang mga resibo para sa iyong membership sa YouTube Premium o YouTube Music Premium, bumisita sa payments.google.com Aktibidad.
Makakakita ka ng listahan ng lahat ng iyong transaksyon, kabilang ang mga singil sa membership mo sa YouTube. I-click ang anumang transaksyon para makita ang mga detalye tungkol sa singil na iyon, kabilang:
- Ang kabuuang halagang siningil
- Ang petsa at oras ng pagsingil
- Ang status ng transaksyon
- Kung aling paraan ng pagbabayad ang siningil
Kung may singil na hindi mo nakikilala o na mukhang mas malaki kaysa sa nararapat na singilin, tingnan ang listahan ng mga karaniwang dahilan para sa mga hindi inaasahang singil. Kung sa palagay mo ay ibang tao ang gumawa ng pagsingil, puwede kang mag-ulat ng hindi awtorisadong bayarin.
Kung nakatira ka sa European Economic Area, may sisingilin sa iyong Value-Added Tax (VAT) sa ilang pagbili mula sa Google. Para sa mga pagbiling ito, puwede kang humiling ng invoice ng VAT.
Depende sa kung anong serbisyo ng Google ang ginagamit mo para bumili, ang currency na sinisingil sa iyo ay maaaring hindi ang currency ng bansang pinagmulan mo. Matuto pa tungkol sa mga conversion ng currency.
Mga umuulit na singil sa India
Mag-troubleshoot ng singil sa YouTube
I-click ang button sa ibaba para mag-troubleshoot o malaman ang tungkol sa iyong pagsingil sa YouTube.