Mag-set up ng plan ng pamilya sa YouTube para maging manager ng pamilya. Bilang manager ng pamilya, puwede mong ibahagi ang iyong membership sa YouTube Premium o YouTube Music Premium. Puwede mong i-share ang iyong membership sa hanggang 5 pang miyembro ng pamilya sa sambahayan mo. Kung isa kang miyembro ng pamilya, puwede kang sumali sa grupo ng pamilya para magbahagi ng plan ng pamilya sa YouTube.
Tandaan: Kung miyembro ka ng isang kasalukuyang grupo ng pamilya sa Google, hindi ka makakabili ng plan ng pamilya sa YouTube. Ang manager ng iyong grupo ng pamilya lang ang makakabili.
Mga bagay na dapat malaman bago magsimula
- Nakatira dapat sa bahay ng manager ng pamilya ang mga miyembro ng pamilya na naghahati sa isang plan ng pamilya sa YouTube. Matuto pa tungkol sa mga kinakailangan ng grupo ng pamilya at kung ano ang dapat gawin kung makaranas ka ng mga error habang sine-set up ang iyong plan ng pamilya.
- Isang beses kada 12 buwan ka lang puwedeng lumipat ng grupo ng pamilya.
- Ibabahagi sa grupo ang pangalan, larawan, at email address ng bawat miyembro ng pamilya.
- Kung kailangan mo ng tulong sa iyong plan ng pamilya sa YouTube TV, puwede kang makipag-ugnayan sa suporta anumang oras.
Paano Gumawa ng Mga Grupo ng Pamilya sa YouTube at YouTube TV
Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.
Mga manager ng pamilya: Mag-sign up at gumawa ng grupo ng pamilya
Mga bagong miyembro ng YouTube Premium o Music Premium
Para magsimula, pumili ng manager ng pamilya na 18 taong gulang pataas. Ang manager ng pamilya lang ang puwedeng bumili ng plan ng pamilya o magdesisyon hinggil sa membership. Matuto pa tungkol sa pag-sign up para sa may bayad na membership sa YouTube.
Para mag-sign up para sa membership sa YouTube Premium o Music Premium at gumawa ng grupo ng pamilya:
- Sa YouTube app, mag-tap sa iyong larawan sa profile Mga pagbili at membership.
- Makikita mo ang mga opsyon sa may bayad na membership para sa YouTube Music Premium at YouTube Premium. I-click ang Matuto Pa para sa subscription na gusto mong bilhin.
- I-click ang O makatipid sa family o student plan.
- I-click ang Kumuha ng plan ng pamilya.
- Kung ikaw ang manager ng pamilya ng kasalukuyang grupo ng pamilya sa Google, makakakita ka ng dialog na nagkukumpirma sa iyong grupo ng pamilya. Piliin ang Magpatuloy para magpatuloy sa pagbili at ma-share ang iyong plan ng pamilya sa mga miyembro ng kasalukuyan mong grupo ng pamilya. Kung hindi naaangkop sa iyo ang hakbang 5, lumaktaw sa hakbang 6.
- Kung wala ka pang grupo ng pamilya sa Google, sundin ang mga hakbang para bilhin muna ang iyong subscription. Pagkatapos ay gagabayan ka sa proseso ng paggawa ng grupo ng pamilya.
Mga kasalukuyang miyembro ng YouTube Premium o Music Premium
- Sa YouTube app, mag-tap sa iyong larawan sa profile Mga pagbili at membership.
- I-tap ang Kumuha ng plan ng pamilya.
- I-tap ulit ang Kumuha ng plan ng pamilya.
- I-tap ang Bilhin.
- I-set up ang iyong grupo ng pamilya sa Google.
- Ikaw ba ang manager ng pamilya ng kasalukuyang grupo ng pamilya sa Google? Piliin ang Magpatuloy para magpatuloy at ma-share ang YouTube Premium sa mga miyembro ng iyong kasalukuyang grupo ng pamilya.
- Gumagawa ka ba ng grupo ng pamilya sa Google? Para mag-set up ng grupo ng pamilya:
- Mag-imbita ng hanggang limang miyembro ng pamilya na sumali sa iyong grupo ng pamilya, at magpadala sa kanila ng mga imbitasyon sa pamamagitan ng email o text.
- Piliin ang Ipadala.
- Makakatanggap ng imbitasyon ang mga miyembro ng pamilya, at puwede nilang piliin ang Magsimula at kumpirmahin ang kanilang account.
- Makakasali sa grupo ng pamilya at magkakaroon ng access sa YouTube Premium ang mga miyembro ng pamilya na tatanggap sa iyong imbitasyon.
- Isa ka bang miyembro ng pamilya ng isang kasalukuyang grupo ng pamilya sa Google? Hindi ka makakabili ng YouTube Premium, pero puwede mong hilingin sa iyong manager ng pamilya na bumili nito.
- Hindi naililipat sa mga plan ng pamilya sa YouTube ang mga espesyal na alok. Kung mag-a-upgrade ka sa plan ng pamilya habang nasa trial na mas mahaba sa 1 buwan, papaikliin ang iyong trial sa 1 buwan. Kung kakanselahin mo ang iyong plan ng pamilya sa ibang pagkakataon, hindi ka na makakabalik sa trial mo. Matuto pa tungkol sa pag-update ng iyong may bayad na membership sa YouTube.
- Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign up para sa isang plan ng pamilya, posibleng ito ay dahil may ilan kang profile sa mga pagbabayad sa Google Play. Kung ganoon nga, alamin kung paano i-update o palitan ang iyong profile ng bansa/rehiyon.
- Kung mayroon kang taunang plano, kakailanganin mong maghintay hanggang sa mag-expire ang iyong plan bago mag-upgrade sa plan ng pamilya.
Mga manager ng pamilya: Magdagdag o mag-alis ng mga miyembro ng pamilya
Magdagdag ng mga miyembro ng pamilya
- Mag-sign in sa Google Account na nauugnay sa iyong may bayad na membership sa YouTube.
- Sa YouTube app, mag-tap sa iyong larawan sa profile Mga pagbili at membership.
- I-tap ang I-edit sa tabi ng mga setting ng Pag-share sa pamilya.
- I-tap ang Mag-imbita ng mga miyembro ng pamilya.
- Ilagay ang email address o numero ng telepono ng taong gusto mong imbitahan.
- Piliin ang Ipadala. Makakatanggap ka ng notification sa email kapag may sumali sa iyong pamilya.
Mag-alis ng mga miyembro ng pamilya
- Mag-sign in sa Google Account na nauugnay sa iyong may bayad na membership sa YouTube.
- Sa YouTube app, mag-tap sa iyong larawan sa profile Mga pagbili at membership.
- I-tap ang iyong membership.
- I-tap ang I-edit sa tabi ng mga setting ng Pag-share sa pamilya.
- Piliin ang pangalan ng taong gusto mong alisin.
- I-click ang Alisin ang miyembro.
Mga manager ng pamilya: Iba pang gawain ng manager ng pamilya
Baguhin ang iyong paraan ng pagbabayad
Kanselahin ang iyong may bayad na membership
Mga miyembro ng pamilya: Sumali o umalis sa isang grupo ng pamilya
Sumali sa isang grupo ng pamilya
Umalis sa isang grupo ng pamilya o kumuha ng indibidwal na may bayad na membership sa YouTube
- Sundin ang mga tagubilin para umalis sa iyong grupo ng pamilya.
- Mag-sign up para sa sarili mong may bayad na membership sa YouTube.
Mga requirement sa lokasyon para sa mga plan ng pamilya
Mga requirement sa lokasyon para sa plan ng pamilyaPara maging kwalipikadong mag-share ng family membership sa YouTube, nakatira dapat ang bawat miyembro ng pamilya sa residensyal na address kung saan nakatira ang manager ng pamilya. Kada 30 araw, may electronic na pag-check in na magkukumpirma sa requirement na ito.
Nagkakaproblema ka ba sa pag-set up ng iyong plan ng pamilya? Kung nagakakaroon ka ng mensahe ng error na:
- "Hindi sinusuportahan ang pamilya"
O
- "Hindi sinusuportahan ang bansa"
Posibleng hindi tumutugma sa kasalukuyan mong lokasyon ang bansa/rehiyong nakalista sa iyong Google Pay account.
I-update ang iyong profile sa Google Pay para tumugma sa kasalukuyang lokasyon mo, at ipagpatuloy ang pag-set up ng iyong plan ng pamilya.
Kung hindi tumutugma sa iyong lokasyon ang lokasyon ng bansa/rehiyon ng isang miyembro ng pamilya, hindi siya makakasali sa grupo ng pamilya.
Makipag-ugnayan sa suporta anumang oras kung kailangan mo ng tulong sa iyong plan ng pamilya sa YouTube.
Makipag-ugnayan sa suporta anumang oras kung kailangan mo ng tulong sa iyong plan ng pamilya sa YouTube.