Playables sa YouTube

Ang Playables ay mga larong puwede mong direktang laruin sa YouTube sa lahat ng device.

Magsimula sa Playables

Makikita ang Playables sa shelf ng Playables sa page na YouTube Home o nang direkta sa destination page ng Playables, na mapupuntahan mula sa menu na Mag-explore. Mahahanap mo rin ang Playables gamit ang Search at sa tab na Page Ko pagkatapos mag-save ng laro para laruin sa ibang pagkakataon. Para i-share ang laro mula sa card o habang naglalaro, piliin ang tatlong tuldok na Higit pa at pagkatapos ay I-share.

Para simulang maglaro, mag-click sa alinman sa mga game card para pumunta sa gameplay. Sa ilang partikular na device lang, puwede kang maglaro at mag-enjoy sa panonood o pakikinig ng content sa YouTube sa background nang may ganap na kontrol sa pag-playback ng video sa pamamagitan ng miniplayer.

Palagi kaming nagdaragdag ng higit pang laro, kaya sumubaybay para sa mga bagong pamagat.

FAQ tungkol sa Playables

Mga sinusuportahang device at requirement

Hindi mo kailangan ng anumang karagdagang hardware, software, o pag-install para sa Playables. Kailangan mo lang ng pinakabagong bersyon ng YouTube, sinusuportahang device, at nakakonekta ka dapat sa Wi-Fi o sa isang data plan (posibleng may mga singil sa data).

Kasalukuyang sinusuportahan ang Playables sa mga sumusunod na device:

  • Android
    • Bersyon ng YouTube app: 18.33 at mas bago
    • Mga operating system sa mobile:
      • Android S at mas bago
      • Android O, P, Q, R (sa mga 64 bit o high memory 32 bit na device lang)
  • iOS
    • Bersyon ng YouTube app: 18.33 at mas bago
    • Mga operating system sa mobile: iOS 14 at mas bago
  • Desktop/Mobile web
    • Mga browser: Chrome, Safari, at Firefox

Availability ng Playables

Sa kasalukuyan, pang-eksperimentong feature ang Playables na inilunsad sa mga piling user sa mga kwalipikadong bansa/rehiyon. Bukod pa rito, posibleng hindi nahahanap ng ilang user sa mga lugar na ito ang Playables sa YouTube pero posible pa rin nilang ma-access ang mga ito sa pamamagitan ng mga nashe-share na link na natatangi sa bawat laro. Layunin naming palawakin ang availability sa hinaharap.

Kung gusto mong bawasan ang nakikita mong Playables, puwede mong i-demote ang shelf ng Playables o indibidwal na Playables sa pamamagitan ng pag-click sa “Hindi interesado” sa YouTube.

Pag-usad sa laro, mga pinakamataas na score, at naka-save na history

Awtomatikong mase-save at masi-sync ang pag-usad sa laro sa anumang sinusuportahang device kung saan ka naka-log in sa iyong YouTube account.

Naka-store ang iyong naka-save na pag-usad para sa bawat laro sa History sa YouTube > Mga Interaction. May isa lang na file ng pag-save para sa bawat laro at hindi gagamitin ang iyong pag-usad sa laro para sa mga rekomendasyon. Kung magde-delete ka ng file ng pag-save ng laro, mawawala ang lahat ng iyong pag-usad sa larong iyon sa lahat ng device.

Naka-store din ang iyong pinakamatataas na score para sa bawat laro sa History sa YouTube > Mga Interaction. Hiwalay itong sino-store sa pag-usad sa laro, kaya kung magde-delete ng naka-save na score, hindi made-delete ang pag-usad sa laro, at vice versa.

Kung wala kang nakikitang naka-save na pag-usad at/o mga score para sa isang partikular na laro sa History sa YouTube > Mga Interaction, ibig sabihin nito ay hindi sino-store ng laro ang data na ito sa History sa YouTube.

Sino-store sa History sa YouTube ang history ng Playables, kung saan madaling makikita ang mga nilaro mo kamakailan. Kapag naka-on ito, nagbibigay-daan sa amin ang history na makapagbigay ng mga nauugnay na rekomendasyon sa laro. Puwede mong kontrolin ang iyong history ng Playables sa pamamagitan ng pag-delete o pag-off ng history mo. Hindi lalabas sa History sa YouTube ang anumang nilalaro mo habang naka-off ang history.

Para baguhin ang iyong mga setting ng History sa YouTube

  1. Pumunta sa myactivity.google.com.
  2. I-click ang History sa YouTube at i-edit ito ayon sa gusto mo.

Form ng interes para sa Playables

Kung interesado kang ilagay ang iyong mga laro sa YouTube, pakisagutan ang form na ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8136364335834277909
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false