Anna Mae Yu Lamentillo: Pagkakaiba sa mga binago
Banksyfuture (usapan | ambag) Bagong pahina: {{Short description|Philippine Undersecretary for Foreign Relations and Public Affairs (born 1991}} {{About|Anna Mae Yu Lamentillo|other uses of the term|Anna Mae (disambiguation)}} {{Philippine name|Yu|Lamentillo}} {{Use mdy dates|date=June 2022}} {{Infobox officeholder | honorific-prefix = Kagalang-galang | honorific_suffix = | name = Anna Mae Yu Lamentillo | image = Philippine Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo.jpg | caption... |
(Walang pagkakaiba)
|
Pagbabago noong 04:57, 1 Disyembre 2023
Anna Mae Yu Lamentillo | |
---|---|
Undersecretary for Foreign Relations and Public Affairs, Department of Information and Communications Technology | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan November 11, 2022 | |
Pangulo | Bongbong Marcos |
Assistant Secretary for Public Affairs, Department of Information and Communications Technology | |
Nasa puwesto August 26, 2022 – November 11, 2022 | |
Pangulo | Bongbong Marcos |
Chairperson, Build Build Build Committee, Department of Public Works and Highways | |
Nasa puwesto December 19, 2016 – October 8, 2021 | |
Pangulo | Rodrigo Duterte |
Personal na detalye | |
Isinilang | Anna Mae Yu Lamentillo 7 Pebrero 1991 Philippines |
Pagkamamamayan | Filipino |
Magulang |
|
Tahanan | Manila, Iloilo |
Alma mater | |
Trabaho |
|
Websitio | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Philippines |
Sangay/Serbisyo | Philippine Coast Guard |
Ranggo | Commodore |
Si Anna Mae Yu Lamentillo (ipinanganak noong 7 Pebrero 1991) ay isang opisyal ng gobyerno, kolumnista, at may-akda na nagsilbi bilang Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations ng Department of Information and Communications Technology (DICT) mula noong Nobyembre 2022. Bago ito, siya ay Assistant Secretary ng Departamento.
Si Lamentillo ang tagapangulo ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Infrastructure Cluster Communications Committee noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Mula 2013-2015, bago siya naging lingkod bayan, nagtrabaho siya bilang communications consultant ng United Nations Development Programme (UNDP) at Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) sa panahon ng kanilang Haiyan Emergency Response and Rehabilitation Program.
Si Lamentillo ay may bachelor's degree sa Development Communications mula sa University of the Philippines-Los Banos (UPLB) kung saan siya nagtapos ng cum laude at binigyan ng isang pagkilala, ang Faculty Medal for Academic Excellence, para sa pagkuha ng pinakamataas na General Weighted Average para sa Development Journalism Majors ng kanyang batch. Mayroon din siyang Juris Doctor degree mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Siya ay isang opisyal ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) na may ranggong Auxiliary Commodore (one-star general), isang reservist sa Philippine Army Reserve Force na may ranggong First Lieutenant, at isang adopted member ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2006, Bagsay Lahi. Bahagi rin siya ng Presidential Security Group (PSG) matapos makumpleto ang VIP Protection Executive Training (VIPPET) nito noong 2023.
Si Lamentillo ay mayroong bi-weekly column sa Op-Ed section ng Manila Bulletin and Balita.
Talambuhay
Isinilang si Lamentillo noong 7 Pebrero 1991 sa mga magulang na Ilonggo—sina Manuel Lamentillo at Elnora Yu. Siya ay isang student leader noong siya ay nasa kolehiyo sa UPLB. Bahagi siya ng university student council kung saan sinuportahan niya ang mga organisasyon ng kultura at sining sa unibersidad at nagkaroon ng mga adbokasiya sa kapaligiran at kulturang popular. Isa siya sa 2012 The Outstanding Students of the Philippines (TOSP) – Calabarzon na kinilala sa kanilang serbisyo sa kanilang mga paaralan at komunidad sa kabila ng mga responsibilidad nila bilang mga estudyante.
Noong 2011, nagtapos siya sa UPLB bilang cum laude at tumanggap ng Faculty Medal for Academic Excellence para sa pagkuha ng pinakamataas na General Weighted Average sa mga nagtapos ng Development Journalism ng kanyang batch. Nag-aral siya ng abogasiya habang nagtatrabaho. Natanggap niya ang kaniyang Juris Doctor degree mula sa UP Diliman College of Law noong 2020. Sa pagitan ng law school at pagtatrabaho sa DPWH, natapos niya ang kanyang Executive Education in Economic Development sa Harvard Kennedy School noong 2018. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy siya sa pag-aaral ng Executive MsC in Cities program sa London School of Economics.
Karera
Nagsimula si Lamentillo bilang isang reporter sa edad na 18 habang tinatapos pa ang kaniyang bachelor’s degree. Bilang bahagi ng GMA-7 News and Public Affairs, naatasan siyang magkalap ng mga balita para sa buong Rehiyon IV-Laguna.
Noong 2012, naging bahagi siya ng mga kawani ng Senado ni Senador Loren Legarda bilang legislative and communications staff bago niya tinanggap ang pagkakataong maging bahagi ng United Nations sa pamamagitan ng UNDP at FAO.
Naging bahagi siya ng UNDP at FAO sa panahon ng pagpapatupad nito ng Haiyan Emergency Response and Rehabilitation Program. Nagpunta siya sa mga komunidad na benepisyaryo ng UN upang maunawaan ang kanilang mga pakikibaka at kung paano nasuportahan ng tulong ng Ahensya ang kanilang pagbangon. Idinukomento ni Lamentillo ang mga kuwento ng mga nakaligtas sa Haiyan, tulad ng kuwento ni Margarette Sosing, na ang pagmamahal sa football ay nagbigay sa kanya ng lakas upang makabangon muli; at ni Trinidad Bato-balono, na tumulong na muling itayo ang tahanan ng kaniyang pamilya at ang kanilang bayan sa Santa Fe sa pamamagitan ng Cash-for-Work Program ng UNDP.
Noong 2015, naging bahagi siya ng mga kawani sa Kongreso ni noo’y Las Pinas Representative Mark Villar bilang legislative and communications chief. Sumama siya kay Villar nang ang huli ay hinirang na Kalihim ng DPWH.
Night Owl
Ang Night Owl: A Nationbuilder’s Manual ay isang talang-gunita na isinulat ni LamentilloUnite, Betheena. "Former Build, Build, Build committee chair now a DICT undersecretary". Manila Bulletin Publishing Corporation., na nagbibigay ng komprehensibong pagsiyasat ng patakaran sa imprastraktura ng Pilipinas sa ilalim ng Build Build Build program ni dating Pangulong Rodrigo DutertePatawaran, AA. "Night Owl: A Nationbuilder's Manual". Manila Bulletin Publishing Corporation.. In-edit ni Manila Bulletin Lifestyle Editor AA PatawaranPadilla, Bianca (Disyembre 17, 2023). "Nightowl: A Detailed Look On The Build Build Build Program". One Mega.{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), at inilathala noong Disyembre 10, 2021 ng Manila Bulletin Publishing Corporation, ang aklat ay maaring makuha ng hardbound, paperback, eBook, at audio version.Legaspi, John (Enero 28, 2022). "You can now listen to Anna Mae Yu Lamentillo's 'Night Owl'". Manila Bulletin Publishing Corporation.{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Inilatag sa libro ang mahahalagang impormasyon tungkol sa tinutukoy ng administrasyong Duterte bilang Golden Age of Infrastructure ng Pilipinas, kabilang ang mga pangunahing proyekto nito tulad ng EDSA Decongestion Program, Luzon Spine Expressway Project, Mega Bridge Masterplan, Metro Manila Logistics Network, at ang Mindanao Road Development Network.
Kasama sa ikalawang edisyon ng aklat ang bagong kabanata tungkol sa isinusulong na Build Better More ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Wika | Titulo | May-akda | Editor | Translator(s) | Tagapaglathala | Petsa ng Publikasyon | eBook | |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
English [1] | Night Owl | Anna Mae Yu Lamentillo | AA Patawaran | NA | Manila Bulletin | December 10, 2021 |
|
|
Tagalog [2] | Night Owl | Anna Mae Yu Lamentillo | AA Patawaran |
|
Manila Bulletin | November 17, 2020 |
|
|
Ilokano [3] | Night Owl | Anna Mae Yu Lamentillo | AA Patawaran |
|
Manila Bulletin | September 18, 2023 |
|
|
Bisaya [4] | Night Owl | Anna Mae Yu Lamentillo | AA Patawaran |
|
Manila Bulletin | September 18, 2023 |
|
|
- ↑ Patawaran, AA (Disyembre 10, 2021). "Night Owl: A Nationbuilder's Manual". Manila Bulletin Publishing Corporation.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gutierrez, Dennis (Marso 6, 2023). "Lamentillo to launch Night Owl Filipino Edition". News Article. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Nobyembre 11, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Night Owl' to be launched in Ilokano, Visayan dialects". The Philippine Star. Setyembre 18, 2023. Nakuha noong Nobyembre 11, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lamentillo to launch 'Night Owl' in Ilokano, Bisaya, Hiligaynon". Business Mirror. Setyembre 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)