Pumunta sa nilalaman

Philippine Collective Media Corporation: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nilalaman na inalis Nilalaman na idinagdag
Superastig (usapan | ambag)
Inilikha sa pagsalin ng pahinang "Philippine Collective Media Corporation"
(Walang pagkakaiba)

Pagbabago noong 01:00, 31 Oktubre 2024

Philippine Collective Media Corporation
UriPrivate
IndustriyaBroadcasting, digital media
Itinatag21 Mayo 2008 (2008-05-21)
Punong-tanggapan5/F The Ignacia Place, 155 Mother Ignacia corner, Sgt. Esguerra Ave, Brgy. South Triangle, Diliman, Quezon City, Metro Manila, Philippines
May-ariPrime Media Holdings, Inc. (indirect ownership)
MagulangGolden Peregrine Holdings, Inc.
Websitepcmc.com.ph

Ang Philippine Collective Media Corporation ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid.[1][2] Ang punong tanggapan nito ay matatagpuan sa Barangay South Triangle, Lungsod Quezon, at may mga opisina ito sa Makati at Tacloban. Nagpapatakbo ang kumpanyang ito ng mga himpilan sa FM sa buong bansa bilang FM Radio Philippines (Favourite Music Radio). May sarili din itong himpilan sa AM sa Maynila bilang Radyo 630, at mga himpilan sa telebisyon bilang Prime TV at PRTV.[3]

Kasaysayan

Itinatag ang PCMC noong Mayo 21, 2008 para magpatakbo ng mga himpilan sa Silangang Visayas ayon sa Republic Act 9773.[2] Noong Abril 25, 2011, naglunsad ang PCMC ng 3 himpilan sa Tacloban: DYBR sa AM, DYDR sa FM, at ang kauna-unahang lokal na sariling himpilan sa TV na PRTV.

Logo ng FMR mula 2020 hanggang 2023.

Nung inamyendahan ang prangkisa nito noong 2020 para magpatakbo ng mga himpilan sa buong bansa ayon sa Republic Act 11508,[4] inilunsad ng PCMC ang sarili nitong network sa FM na Favorite Music Radio (o FMR, batay sa inisyal ng may-ari), mula sa DYDR sa Tacloban hanggan sa pinalawig ito sa iba't ibang lungsod sa buong bansa.[5][6]


Sa pagpapalawak ng mga operasyon nito sa radyo at telebisyon, may balak maglulunsad ang PCMC ng sariling pambansang TV network na may mga planong makipagtulungan sa ilang mga kumpanyang gumagawa sa pantelebisyon (kabilang sa kanila ang ABS-CBN Corporation).[7]

Noong Setyembre 20, 2021, nagkaroon ng ZOE Broadcasting Network at PCMC ng kasunduan para maipalabas ang programa ng A2Z sa PRTV Tacloban.[8]

Sa Mayo 6, 2024, nagsimulang ipalabas ang TV Patrol sa lahat ng himpilan ng FM Radio sa buong bansa.

Noong Mayo 27, 2024, pormal na inilunsad ng PCMC at Prime Media ang sarili nitong pambansang TV network na Prime TV, na nagsisilbing pagpapalawak ng lokal nitong PRTV.[9][10][11]

Noong Oktubre 2024, binili ng PCMC ang mga himpilan sa FM na pinag-arian ng Nation Broadcasting Corporation (NBC), na may-ari ng mga talapihitan na ginagamit ng Radyo5 na pinamamahalaan ng kapatid g NBC na TV5. Bilang bahagi ng kasunduan nila habang nasa ilalim ng pag-apruba ng regulasyon sa paglipat ng mga ari-arian, kukuninng PCMC ang mga operasyon ng dalawang himpilan ng NBC: 92.3 FM sa Maynila at 101.9 FM sa Davao.[12][13]

Mga Himpilan

Telebisyon

Radyo

AM

FM

Pinagmulan:[14]

Mga kaanib
Mga Tala

Mga Dating Himpilan

Mga sanggunian

  1. "KBP Members". Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
  2. 2.0 2.1 "Republic Act No. 9773". Official Gazette (Philippines). Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "ra9773" na may iba't ibang nilalaman); $2
  3. Cruz, Maricel (Nobyembre 13, 2020). "First digital free TV in E. Visayas". Manila Standard.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Republic Act No. 11508". Official Gazette (Philippines).
  5. Pacpaco, Ryan Ponce (Mayo 1, 2021). "PCMC to put up 35 music stations nationwide". JournalNews.com.ph.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Jenina P. Ibañez (Hulyo 22, 2021). "PCMC targets 35 stations this year". BusinessWorld.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Rivas, Ralf (Agosto 9, 2021). "Tacloban-based broadcast company pitching to air ABS-CBN shows". Rappler.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Congratulations, Zoe Broadcasting Network and Philippine CollectiveMedia Corporation..." Facebook (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 20, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Prime Media, PCMC sign pact for broadcasting entry". Manila Standard. Mayo 27, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Cabuag, VG (Mayo 26, 2021). "Prime Media inks deal with broadcast firm". BusinessMirror.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Prime Media bares broadcast plans". Manila Bulletin. Agosto 10, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "From DZMM to Radyo5-DWFM: Prime Media scoops up radio assets of MVP Group". Bilyonaryo. Oktubre 27, 2024. Nakuha noong Oktubre 27, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Lipat bahay: MVP moves Radyo5-True FM to another station as PCMC takes over 92.3 frequency". Bilyonaryo. Oktubre 28, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "NTC FM Stations (as of June 2022) via FOI website" (PDF). foi.gov.ph. Pebrero 14, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)