Pumunta sa nilalaman

Halo: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nilalaman na inalis Nilalaman na idinagdag
MerlIwBot (usapan | ambag)
m robot dinagdag: an:Mezcla
m r2.7.1) (robot dinagdag: eu:Ore (nahastura)
Linya 48: Linya 48:
[[es:Mezcla]]
[[es:Mezcla]]
[[et:Segu]]
[[et:Segu]]
[[eu:Ore (nahastura)]]
[[fa:مخلوط]]
[[fa:مخلوط]]
[[fi:Seos]]
[[fi:Seos]]

Pagbabago noong 11:02, 24 Agosto 2012

Para sa ibang gamit, tingnan ang halu-halo (paglilinaw).

Sa kimika, ang isang halu-halo(Ingles, Mixture) ay bunga ng mekanikong pagsasama o paghahalo ng mga sustansyang kimikal tulad ng mga elemento at kompuwesto nang walang kawing kimikal sa isa’t-isa o walang pagbabagong kimikal na kung saan nananatili ang mga katangian at lahok kimikal ng bawat sustansyang sangkap nito. Ngayo’t walong pagbabagong kimikal sa isang halo-halo, ang katangiang pisikal ng isang halo-halo, tulad ng temperatura ng pagkatunaw ay maaring iba sa bawat lahok nito. Maaring mapaghiwalay-hiwalay ang mga halo-halo sa pamamagitan ng mekanikong paraan.

Mga Uri ng Halo-halo

Maraming uri ng halo-halo: mga halo-halong homogeneous (tinatawag ding solusyon), halo-halong heterogeneous, at halo-halong colloidal.

Halo-halong homogeneous

Ang mga halo-halong homogeneous ay mga halo-halong mayroong tiyak na komposisyon at katangian. Halimbawa, gaano man kalaki ang isang halo-halo mayroon itong iisang komposisyon at katangian tulad ng mga solusyon at ilang mga alloys (hindi lahat). Ang mga halo-halong homogenous ay matatawag ding mga “sustansyang di-dalisay”. Ang isang halo-halong homogeneous ay may isang unipormeng halo na binubuo ng isang pase lang.

Mga Solusyon

Ang solusyon ay isang uri ng isang halo-halong homogeneous. Ang isang solusyon ay isang halong homogeneous ng dalawa o higit pang sustansya (ang solute o tutunawin) na tinunaw sa isang sustansya (ang solvent o panunaw). Ang karaniwang halimbawa nito ang isang solid na sustansya na tutunawin sa isang likidong sustansya tulad ng asin o asukal na tinutunaw sa tubig (o kaya’y ginto sa asoge (mercury)). Tinutunaw ang mga likido sa isa’t-isa at kung minsan ang likido ay tinutunaw sa isang gas tulad ng singaw ng tubig sa himpapawid. Ang karaniwang halimbawa ay ang mga inuming soda (tulad ng Coca-Cola at Sarsi) kung saan ang dioksido ng carbon (carbon dioxide) ay tinunaw sa soda sa pamamagitan ng carbonasyon.

Halo-halong heterogeneous

Ang mga halo-halong heterogeneous ay mga halong walang tiyak na komposisyon tulad ng granate (granite). Ang pizza ay isang halimbawa rin ng halo-halong ito. Sinasabing may iba’t-ibang pases ang halo-halong heterogeneous (huwag ikalito sa mga pase ng materya). Ang isang halimbawa na may kompososisyong heterogeneous na mekanikong mapaghihiwalay-hiwalay ay ang ensalada o halo-halong ng mga nuts.

Halo-halong colloidal

Sa karaniwan, ang isang colloid o halo-halong colloidal ay isang sustansyang may sangkap na nasa isa o dalawang pase na kung saan ang halo ay nasa pagitan ng halo-halong homogeneous at halo-halong hetergeneous na may katangiang nasa pagitan ng dalawang ito. Ang isang colloid ay hindi maghihiwalay kapag hinayaan ito. Gulaman, halaya, pandikit o gatas ay mga halimbawa ng halo-halong colloidal.

Talahulugan sa Ingles

Di-dalisay – not pure
Halo-halo – mixture
Kawing kimikal – chemical bond
Kompuwesto - compound
Lahok – component
Pase – phase
Sangkap – ingredients
Sustansya - substance
Temperatura ng pagkatunaw – melting point
Tiyak – definite, specific