Pumunta sa nilalaman

Dalahikan ng Panama

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 08:56, 11 Oktubre 2015 ni Namayan (usapan | ambag)

Ang Dalahikan ng Panama, na dating tinawag na Dalahikan ng Darien, ay ang makitid na kalupaan na nasa pagitan ng Dagat Caribbean at Karagatang Pasipiko na nagdurugtong sa Hilaga at Timog Amerika. Nasasakupan ito ng bansang Panama at ng Kanal ng Panama. Gaya ng maraming dalahikan, napakahalaga ng lokasyon nito.

Sinasabing nabuo ang dalahikan ng Panama mga 12 hanggang 15 milyong taon na ang nakararaan.[1] Ang pangunahing kaganapang heolohikal ay naghiwalay sa Karagatang Atlantiko at Pasipiko at naging sanhi ng pagkakaroon ng Gulf Stream. Sa buong mundo, tanging sa dalahikan ng Panama lamang makikita ang pagsikat ng araw sa Pasipiko at paglubog nito sa Atlantiko dahil sa natural na pagliko ng dalahikan.

Talasanggunian

  1. Oskin, Becky (Abril 10, 2015). "Land Bridge Linking Americas Rose Earlier Than Thought" (sa wikang Ingles). LiveScience.com. Nakuha noong Oktubre 11, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)