Silangang Timor
Demokratikong Republikang ng Silangang Timor Democratic Republic of Timor Leste República Democrática de Timor Leste | |
---|---|
Salawikain: Unidade, Acção, Progresso (Portuguese|: "Unity, Action, Progress") | |
Awiting Pambansa: Pátria | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Dili |
Wikang opisyal | Tetum at Portuguese[1] |
Katawagan | East Timorese |
Pamahalaan | Republika ng Parliamentaro |
• Pangulo | José Ramos-Horta |
Xanana Gusmão | |
Kalayaan | |
• Ipinahayag | Nobyembre 28, 1975 |
• Kinilala | Mayo 20, 2002 |
Lawak | |
• Kabuuan | 15,410 km2 (5,950 mi kuw) (ika-158) |
• Katubigan (%) | walang gaano |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Hulyo 2005 | 1,115,000[kailangan ng sanggunian] (ika-155) |
• Densidad | 64/km2 (165.8/mi kuw) (ika-132) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2005 |
• Kabuuan | $2.18 billion (206) |
• Bawat kapita | $800 (188) |
TKP (2007) | 0.514 mababa · ika-150 |
Salapi | U.S. Dollar[3] (USD) |
Sona ng oras | UTC+9 |
Kodigong pantelepono | 670 |
Kodigo sa ISO 3166 | TL |
Internet TLD | .tl[4] |
- Para sa lathalaing ukol kay Tamerlane, tingnan ang Timur.
Ang Demokratikong Republika ng Timor-Leste (bigkas /chi·mór lésh·chi/), o Silangang Timor, ay isang bansang pulo sa Asya, binubuo ng silangang hati ng isla ng Timor, mga kalapit pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso-Ambeno, isang enclave ng Kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng isla, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.
Hawak dati ng karatig-bansang Indonesia, na isinanib bilang lalawigan nito noong taong 1975, ang Silangang Timor ay humiwalay noong 1999 at nakamit nito ang ganap na kalayaan noong Mayo 20, 2002. Nang sumali ang East Timor sa United Nations noong 2002, napagdesisyunan nilang gamiting opisyal ang pangalan nitong Portuges na Timor-Leste, at hindi ang pangalan nito sa Ingles na “East Timor”.
Ito ang isa sa dadalawang bansang Katoliko sa buong Asya, at ang isa pa ay ang Pilipinas.
Talababa
- ↑ Kinikilala ng Saligang Batas ang Indonesian at English bilang "working languages" (wika sa hanapbuhay).
- ↑ Sinakop ng Indonesia ang East Timor noong Disyembre 7, 1975 at umalis noong 1999.
- ↑ Ginagamit din ang baryang Centavo.
- ↑ Nasa ilalim na ng phased outing ang .tp.