Pumunta sa nilalaman

Dualismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.

Ang dualismo sa relihiyon ang paniniwala na ang uniberso ay binubuo ng dalawang pangunahin at magkatunggali at magkalabang mga prinsipyo o puwersa gaya ng Kabutihan laban Kasamaan, Kadiliman laban Kaliwanagan, Katotohan laban sa Kasinungalingan. Ang Zoroastrianismo ang isa sa pinakamatandang sinasanay na relihiyon batay sa mga katuruan ni Zoroaster.[1][2] Ito ay may dualistikong kosmolohiya ng labanan sa pagitanng kabutihan at kasamaan at isang eskatalohiya kung saan sa pagwawakas ng panahon ay mananaig ang kabutihan ni Ahura Mazda laban sa puwersa ng kasamaan ni Angra Mainyu.[3][4]

Zoroastrianismo at impluwensiya sa Hudaismo

Nang napailalim ang mga Hudyo sa mga Persiyano at naging bahagi nito bilang Yehud Medinata sa loob nang dalawang siglo, napakilala sa mga Hudyo ang mga paniniwalang Persiyano at Zoroastrianismo. Bago nito, ang paniniwala ng mga Hudyo ay sa isang Diyos na parehong mabuti at masama. (Aklat ni Isaias 45:7) Mapapansin ito sa mga kalaunang mga Aklat ng Tanakh gaya ng 1 Cronica 21:1 kung saan lumitaw ang katagang Satanas bilang isang angkop na pangngalan nang walang artikulo. Ayon sa 2 Samuel 24:1]], si Yahweh ang nagtulak kay David na bilangin ang Israel na nagpagalit kay Yahweh. Ito ay pinalitan sa mas huling isinulat na 1 Cronica 21:1 kung saan si Satanas ang nagtulak kay David na bilangin ang Israel.

Bago ang pagpapatapon sa Babilonya noong ika-6 siglo BCE ang satanas ay tumutukoy sa isang kalaban sa digmaan(1 Hari 5:18, 11:25), sa isang nag-aakusa sa hukuman(Awit 109: 6) at kalaban (1 Samuel 29:4). Ang salitang satanas ay isa ring tungkulin na inasagawa ng mga diyos o anak ng diyos na nagpapailalim kay Yahweh. Halimbawa, sa Aklat ng mga Bilang 22:22, si Yahweh bilang 'mal'ak Yahweh ay "isang satanas" para kay Balaam at kanyang asno.[5]

Mga sanggunian

  1. "Zarathustra – Iranian prophet". Nakuha noong 9 Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Welcome to Encyclopaedia Iranica". www.iranicaonline.org. Nakuha noong 2021-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Skjærvø, Prods Oktor (2005). "Introduction to Zoroastrianism" (PDF). Iranian Studies at Harvard University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-12-24. Nakuha noong 2022-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "AHURA MAZDĀ – Encyclopaedia Iranica". Encyclopædia Iranica. Nakuha noong 2019-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. G. von Rad, Theologisches Wörterbuch zum Neuen Testament, Vol. 2, p. 73.