Pumunta sa nilalaman

John Ambrose Fleming

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
Si John Ambrose Fleming.

Si Sir John Ambrose Fleming (29 Nobyembre 1849 – 18 Abril 1945) ay isang Ingles na inhinyerong elektrikal at pisiko. Nakikilala siya dahil sa pag-imbento ng unang balbulang termiyoniko o tubong bakyum, ng diode, na lumaong tinawag bilang kenotron noong 1904.[1] Tanyag din siya dahil sa patakaran na pangkaliwang kamay (para sa mga motor na elektriko).[2] Ipinanganak siya bilang panganay sa pitong mga anak ni James Fleming DD (na namatay noong 1879), isang ministrong Kongregasyunal, at ng asawa nitong si Mary Ann, sa Lancaster, Lancashire at bininyagan noong 11 Pebrero 1850.[3]

Isa siyang debotong Kristiyano at isang beses na nangaral sa St Martin-in-the-Fields sa London hinggil sa paksa ng ebidensiya para sa resureksiyon. Noong 1932, kasama sina Douglas Dewar at Bernard Acworth, tumulong siya sa pagtatatag ng Evolution Protest Movement. Dahil sa wala siyang anak, ipinamana niya ang karamihan ng mga kaniyang mga lupain at ari-arian sa mga kawanggawang Kristiyano, natatangi na ang sa mga tumutulong sa mga mahihirap. Isa siyang ganap na litratista at, bilang karagdagan, nagpinta siya ng mga larawan na gumagamit ng watercolor at nahilig din siya sa pag-akyat sa bulubunduking Alps.

Mga sanggunian

  1. Harr, Chris (23 Hunyo 2003). "Ambrose J. Fleming biography". Pioneers of Computing. The History of Computing Project. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-02. Nakuha noong 30 Abril 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Right and left hand rules". Tutorials, Magnet Lab U. National High Magnetic Field Laboratory. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Disyembre 2010. Nakuha noong 30 Abril 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. doi:10.1109/JPROC.2006.887329
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand