Pumunta sa nilalaman

Paraprasis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.

Ang paraprasis o paraphrase (Ingles: paraphrase, Kastila: paráfrasis) ay ang muling paghahayag ng kahulugan ng isang teksto o talata na gumagamit ng ibang mga salita. Sa madaling sabi, ito ang pagpapakahulugan sa pamamagitan ng ibang pangungusap o ibang mga salita. Ang terminong ito ay hinango mula sa salitang Latin na paraphrasis, na nagmula naman sa Griyegong παράφρασις na nangangahulugang "karagdagang paraan ng paghahayag". Ang isang paraprasis ay tipikal na nagpapaliwanag o nagbibigay ng "liwanag" sa teksto ipinapahayag sa pamamagitan ng ibang pananalita. Halimbawa, ang pahayag na "Ang hudyat ay pula" ay maaaring iparaprasis bilang "Ang tren ay hindi pinapayagang dumaan dahil ang hudyat ay pula". Ang isang paraprasis ay karaniwang ipinakikilala ng isang verbum dicendi — na isang ekspresyon ng paghahayag o pagpapahayag upang ihudyat ang transisyon o pagpapalit na papunta sa pagpaparaprasis. Halimbawa, "Ang hudyat ay pula kung kaya't ang tren ay hindi pinayagang magpatuloy sa pagdaan".

Wika Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.