Pumunta sa nilalaman

Pietro Andrea Mattioli

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
Pietro Andrea Mattioli
Kapanganakan23 Marso 1501
Kamatayan1577
Karera sa agham
Author abbrev. (botanika)Mattioli

Si Pietro Andrea Gregorio Mattioli (Italyano: [ˈpjɛːtro anˈdrɛːa ɡreˈɡɔːrjo matˈtjɔːli]; 23 Marso 1501 – 1577), na nakikilala rin bilang Matthiolus, ay isang manggagamot at naturalista na ipinanganak sa Siena, Italya.

Talambuhay

Natanggap ni Mattioli ang kaniyang edukasyon sa pagkamanggagamot mula sa Pamantasan ng Padua noong 1523, at lumaong gumanap bilang duktor ng medisina sa Siena, Roma,Trento at Gorizia, at naging personal na manggagamot ni Ferdinand II, Arsoduke ng Mas Malayong Austria sa Praga at Kastilyo ng Ambras, at ni Maximiliano II, Banal na Emperador ng Roma sa Vienna.

Si Mattioli ang naglarawan ng unang kaso ng alerhiya sa mga pusa. Ang kaniyang pasyenteng ay naging napakasensitibo sa mga puso na kapag ipinadala siya sa isang silid na mayroong isang puso, ang pasyenteng ito ay tumutugon na mayroong agitasyon (pagkabalisa), pagpapawis, at pamumutla.[kailangan ng sanggunian]

Bilang isang maingat na estudyante ng botanika, naglarawan siya ng 100 bagong mga halaman at pinagtugma-tugma niya ang botanikang medikal ng kaniyang kapanahunan sa kaniyang Discorsi ("Mga Komentaryo") hinggil sa Materia Medica ni Dioscorides. Ang unang edisyon ng akda ni Mattioli ay lumitaw noong 1544 na nasa wikang Italyano. Nagkaroon ng ilang mga sumunod na iba pang mga edisyong nasa Italyano at mga salinwikang nasa Latin (Venice, 1554), Tseko, (Praga, 1562), Aleman (Praga, 1563) at Pranses (Lyon, 1572).

Bilang dagdag sa pagkilala sa mga halamang orihinal na nilarawan ni Dioscorides, nagdagdag si Mattioli ng mga paglalarawan ng ilang mga halaman na wala sa akda ni Dioscorides at mga halamang hindi nalalaman ang gamit sa panggagamot, kung kaya's nagkaroon ng pagbabago mula sa pag-aaral ng mga halaman bilang isang larangan ng medisina papunta sa isang pag-aaral na mapagtutuunan talaga ng pansin bilang isang larangang sarili nito. Bilang karagdagan pa, ang mga ukit sa kahoy na nasa akda ni Mattioli ay mayroong isang mataas na uri, na nagpapahintulot ng pagkakakilala sa halaman kahit na ang teksto ay malabo o hindi malinaw. Ang isang kapansin-pansing pagsasali ay ang isang maagang sari ng kamatis, ang unang pagdodokumento o pagtatala ng gulay na ito habang pinalalaki at kinakain sa Europa.[1]

Ang genus o sari ng halamang Matthiola ay ipinangalan ni Robert Brown bilang parangal kay Mattioli.[2]

Tinutulan ni Mattioli ang mga teoriya ni w:Girolamo Fracastoro hinggil sa mga fossil. Tinutulan din niya ang sarili niyang mga paglalagom.[3]

Mga akda

  • 1533, Morbi Gallici Novum ac Utilissimum Opusculum
  • 1535, Liber de Morbo Gallico, handog kay Bernardo Clesio
  • 1536, De Morbi Gallici Curandi Ratione
  • 1539, Il Magno Palazzo del Cardinale di Trento
  • 1544, Di Pedacio Dioscoride Anazarbeo Libri cinque Della historia, et materia medicinale tradotti in lingua volgare italiana da M. Pietro Andrea Matthiolo Sanese Medico, con amplissimi discorsi, et comenti, et dottissime annotationi, et censure del medesimo interprete, also known as Discorsi
  • 1548, Salinwika sa Italyano ng Geografia di Tolomeo
  • 1554, Petri Andreae Matthioli Medici Senensis Commentarii, in Libros sex Pedacii Dioscoridis Anazarbei, de Materia Medica, Adjectis quàm plurimis plantarum & animalium imaginibus, eodem authore, na nakikilala rin bilang Commentarii. Ang akdang ito ng Materia Medica ay mayroong mga pagpapaliwanag ni Michael Servetus (hindi nagpapakilala sa aklat), at nakikilala sa Ingles bilang “Lyon printers tribute to Michael de Villanueva.”[4]
  • 1558, Apologia Adversus Amatum Lusitanum
  • 1561, Epistolarum Medicinalium Libri Quinque
  • 1569, Opusculum de Simplicium Medicamentorum Facultatibus
  • 1571, Compendium de Plantis Omnibus una cum Earum Iconibus

Mga sanggunian

Mga talababa

  1. McCue, George Allen. "The History of the Use of the Tomato: An Annotated Bibliography." Annals of the Missouri Botanical Garden (Missouri Botanical Garden Press) 39, blg. 4 (Nobyembre 1952): 291.
  2. Genaust, Helmut (1976). Etymologisches Wörterbuch der botanischen Pflanzennamen ISBN 3-7643-0755-2
  3. Charles Lyell, Principles of Geology, 1832, p.29
  4. Websayt ng pananaliksik ni Michael Servetus Naka-arkibo 2012-11-13 sa Wayback Machine. na mayroong grapikal na pag-aaral ukol sa Materia Medica ng 1554 ni Mattioli at Michael "Servetus".

Talaaklatan

  • Duane Isely, One hundred and one botanists (Iowa State University Press, 1994), pp. 26–28

Mga kawing na panlabas