Pumunta sa nilalaman

DZEC-TV

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa DZEC-DTV)
DZEC-TV (NET 25)
New Era Television
Metro Manila
Philippines
Lungsod ng LisensiyaQuezon City
Mga tsanelAnalogo: 25 (UHF)
Dihital: 28 (UHF) (ISDB-T) (Test Broadcast)
Birtuwal: 28.01
TatakNet 25
Pagproprograma
Mga tagasalinSee list of subchannels
Kaanib ngNet 25
Pagmamay-ari
May-ariEagle Broadcasting Corporation
Mga kapatid na estasyon
DZEC Radyo Agila 1062
95.5 Eagle FM
Kasaysayan
Itinatag27 Hulyo 1999; 25 taon na'ng nakalipas (1999-07-27)
Dating mga tatak pantawag
DWMJ-TV (1999–2008)
(Mga) dating numero ng tsanel
Analog:
39 (UHF) (1999–2000)
Dating kaanib ng
ACWS-United Broadcasting Network (1999–2000)
Kahulugan ng call sign
DZ
Eagle Broadcasting
Corporation
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglilisensya
NTC
KuryenteAnalog: 50,000 watts
Digital: 10,000 watts
Lakas ng transmisorAnalog: 150,000 watts
Digital: 25,000 watts
Mga link
Websaytnet25.com

Ang DZEC-TV, tsanel 25 (analogo) at tsanel 28 (didyital), ay ang pangunahing istasyon ng telebisyon sa UHF ng himpilang pangtelebisyon sa Pilipinas na Net 25, na pag-aari ng Eagle Broadcasting Corporation . Ang mga studio nito, ang analogong at didyital na transmitter ng himpilan ay matatagpuan sa EBC Building, #25 Central Ave., New Era, Lungsod Quezon. Ang Net 25 ay sumasahimpapawid sa loob ng 19 na oras araw-araw mula 5:00 AM hanggang 12:00 MN sa analogo at didyital na telebisyon, habang ito ay sumasahimpapawid ng 24 na oras araw-araw sa cable at satellite at pati na rin sa mga live streaming provider at sa buong mundo.

Ito ay nasa Channel 25 sa analogong free TV, Channel 28 (LCN 28.1) sa didyital na free TV sa Metro Manila gamit ang ISDB-T format. Ang istasyong ito ay makikita rin sa mga pangunahing cable operator sa bansa na pinamumunuan ng SkyCable, Cablelink, Destiny Cable, G Sat, Cignal at SatLite.

Noong Oktubre 1, 2018, isinara na nito ang analogong signal ng istasyon, ngunit noong Abril 2022, muling sumahimpapawid ang himpilan sa analogong pantelebisyon.

Mga istatistika ng himpilan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Digital na telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga didyital na tsanel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang DZEC-TV ay sumasahimpapawid sa didyital sa UHF Channel 28 (557.143MHz) at ito ay multiplexed sa mga sumusunod na subchannel:

Tsanel Video Aspeto Maikling pangalan Palabas Tanda
28.1 1080i 16:9 NET25 HD Net 25 (Pangunahing palabas ng DZEC-TV)/ Eagle Broadcasting Corporation Test broadcast
28.2 480i NET25 SD
28.3 1080i INCTV HD INC TV (Pangunahing palabas ng DZCE-TV)
28.4 480i INCTV SD
28.5 1080i EBC RESERVED Net 25

Bilang karagdagan, pinapatakbo ng Eagle Broadcasting Corporation ang channel nito sa DZCE-TV UHF Channel 49 (683.143MHz)

Channel Video Aspeto Maikling pangalan Palabas Tandaan
01.1 1080i 16:9 INCTV HD INC TV (Pangunahing palabas ng DZCE-TV) Pagsubok sa broadcast
01.2 NET25 HD Net 25 (Pangunahing palabas ng DZEC-TV)
01.3 480i INCTV SD INC TV

Analog-to-digital conversion

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula Setyembre 7, 2017, kasabay ng ika-8 taon mula nang maging Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC si Eduardo Manalo, ang INCTV ay binigyan ng "espesyal na awtoridad" mula sa National Telecommunications Commission na ilipat ang analog feed nito mula sa UHF Channel 49 patungo sa UHF Channel 48 upang payagan ito na mag-simulcast nang digital sa buong araw, na nagsimula dalawang araw na mas maaga (Setyembre 5). Naging pansamantala lamang ang ayos nito hanggang sa ipahayag ng management nito ang intensyon nitong permanenteng isara ang mga analogong signal nito at sumahimpapawid na lamang sa digital na telebisyon.

Noong Oktubre 1, 2018, isinara ng Net 25 ang analog TV signal nito, hanggang Abril 7, 2022 kung saan sumahimpapawid muli ito.

Noong Oktubre 2021, sinimulan na ng NET 25 ang Digital Terrestrial TV (DTT) brodkast nito sa mga piling lugar ng Metro Manila sa pamamagitan ng UHF channel 28 (557.143 MHz). Noong Enero 29, 2022, muling pinalakas ang Digital Terrestrial TV ng NET 25 mula 500 watts patungong 5kW. Noong Abril 27, 2022, mas pinalakas pa ito patungo sa 10kW transmitter power.

Mga Lugar ng Saklaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]