George Michael
George Michael | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Georgios Kyriacos Panayiotou |
Kapanganakan | 25 Hunyo 1963 East Finchley, London, England |
Kamatayan | 25 Disyembre 2016 (edad 53) Goring-on-Thames, Oxfordshire, England |
Genre | |
Trabaho |
|
Instrumento | Vocals |
Taong aktibo | 1981–2016 |
Label | |
Website | Opisyal na website |
Si Georgios Kyriacos Panayiotou (25 Hunyo 1963 – 25 Disyembre 2016), na mas kilala bilang George Michael, ay isang Ingles na mang-aawit, manunulat ng awit, at record producer na naging tanyag bilang miyembro ng duo na Wham! Mas nakilala siya sa kanyang mga obra noong dekada 1980 at 1990, kabilang ang hit singles tulad ng "Last Christmas" at "Wake Me Up Before You Go-Go", at mga album tulad ng Faith (1987) at Listen Without Prejudice Vol. 1 (1990).
Nakabeta si Michael ng mahigit 100 milyong record sa buong mundo. Ang kanyang pasinayang solo album, Faith (1987), na nakabenta ng mahigit 20 milyong kopya sa buong mundo. Si Michael ay nakatamo ng pitong number one single sa UK at walong number one hits sa Billboard Hot 100 sa US, kabilang ang "Careless Whisper" at "Freedom! '90". Isa siya sa best-selling British acts of all time, na niranggo magasing Billboard bilang pang-40 pinaka-matagumpay na artist kailanman. Si Michael nanalo ng iba' t-ibang mga parangal pangmusika sa kanyang 30-taong karera, kabilang ang tatlong Brit Awards—nanalo siya ng Best British Male nang dalawang beses, apat na MTV Video Music Awards, apat na Ivor Novello Awards, tatlong American Music Awards at dalawang Grammy Awards mula sa walong nominasyon. Si Michael, na isang homoseksuwal, ay isang aktibong tagakampyan ng karapatang LGBT at HIV/AIDS charity fundraiser.[2][3][4]
Noong 2004, pinangalanan ng Radio Academy si Michael na artist na may pinakamaraming pagpapatugtog sa radyo sa United Kingdom sa panahong 1984-2004. Tinalakay ng dokumentaryong A Different Story (inilabas noong 2005) ang kanyang karera at personal na buhay. Ang unang tour ni Michael15 taon, ang panaigdigang 25 Live tour, ay umabot ng tatlong taon (2006, 2007 at 2008). Noong madaling araw ng 25 Disyembre 2016, si Michael, sa edad na 53, ay natagpuang patay sa kanyang kama sa kanyang tahanan sa Oxfordshire tahanan.
Discography
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Faith (1987)
- Listen Without Prejudice Vol. 1 (1990)
- Older (1996)
- Songs from the Last Century (1999)
- Patience (2004)
- Symphonica (2014)
Tours
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Faith World Tour (1988–89)
- Cover to Cover (1991)
- 25 Live (2006–08)
- George Michael Live in Australia (2010)
- Symphonica Tour (2011–12)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "George Michael". Desert Island Discs. 5 Oktubre 2007. BBC Radio 4. Nakuha noong 18 Enero 2014.
{{cite episode}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jones, Owen (26 Disyembre 2016). "George Michael was a defiant gay icon. His memory must not be sanitised". The Guardian. Nakuha noong 26 Disyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Royes, Luke (26 Disyembre 2016). "George Michael remembered as gay trailblazer who pushed pop boundaries". ABC. Nakuha noong 26 Disyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hooper, Ryan (26 Disyembre 2016). "How George Michael became one of the world's most important LGBT rights campaigners". The Independent. Nakuha noong 26 Disyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)