Pumunta sa nilalaman

Osea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hoshea)
Oseas
Guhit ni Hoshea ni "Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum
Kaharian ng Israel (Samaria)
Sinundan Pekah
Sumunod Nawasak ang Kaharian ng Israel
Ama Elah

Si Hoshea (Hebreo: הוֹשֵׁעַ‎, Hōšē‘a,"kaligtasan"; Acadio: 𒀀𒌑𒋛𒀪 Aúsiʾa [a-ú-si-ʾ]; Latin: Osee) ay huling hari ng Kaharian ng Israel (Samaria). Siya ay anak ni Elah na hindi haring Elah ng Kaharian ng Israel. Ayon kay William F. Albright siya ay naghari noong 732–721 BKP, samantalang ayon kay E. R. Thiele ay naghari mula 732–723 BCE.[1] Sa ilalim ni Ahaz, ang Kaharian ng Juda ay naging basalyo ni Tiglath-Pileser III ng Imperyong Neo-Asirya nang ang haring Pekah kasama ni Rezin ng Aram-Damasco ay nakipagalyansa upang pilitin si Ahaz na lumaban sa Asirya. Si Hoshea na kapitan ng hukbo ni Pekah ay naglagay sa kanyang sarili ng pinuno ng partidong maka-Asirya sa Samaria. Pinatay ni Hoshea si Pekah at ginantimpalaani Tiglath-Pileser si Hoshea sa paggawa sa kanyang hari ng Tribo ng Ephraim(pangalang ginamit para sa buong Kaharian ng Israel (Samaria)) na lumiit ang sakop.[2] Si Hoshea ay naging basalyo ng Imperyong Neo-Asirya ngunit hindi isinaad sa Bibliya ang halaga ng tributo na ibinigay niya sa Asriya. Ang nakaraang haring si Menahem ay nagb igay ng 1,000 talento ng pilak kay Tiglath Pileser upang palakasin ang kanyang hawak sa kaharian ng Israel (2 Hari 15:19) laban sa katunggalini Menahem na si Pekah. Nang humalili si Shalmaneser V sa trono ng Imperyong Neo-Asirya, si Hoshea ay nagtangkang kumalas sa pamumuno ng Asirya at nakipag-alyansa sa Ehipto. Dahil dito, tumigil si Hoshea sa pagbibigay ng tributo sa Asirya. Dahil dito, nagpadala ng mga hukbo si Shalmaneser V sa Samaria. Ayon sa Kronikang Babilonyo, winasak ni Shalmaneser V ang lungsod ng Sha-ma-ra. Ang ebidensiya ay nagpapakitang si Shalamaneser at hindi si Sargon II ang naunang bumihag sa Samaria sa kabila ng pag-aangkin ng huli.[3] Noong ca. 720 BCE, winasak ni Sargon ang Kaharian ng Israel at ipinatapon ang mga mamamayan nito ng lagpas sa Ilog Eufrates. Ayon sa 2 Hari 17:7-24, ang pagkawasak ng Kaharian ng Israel (Samaria) ay dahil ang mga anak ni Israel ay nagkasala laban kay Yahweh.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (1st ed.; New York: Macmillan, 1951; 2d ed.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; 3rd ed.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 978-0825438257, 134, 217.
  2. "Hoshea", Jewish Encyclopedia
  3. Hayim Tadmor, "The Campaigns of Sargon II of Assur: A Chronological-Historical Study," Journal of Cuneiform Studies 12 (1958) 39, cited in Thiele, Mysterious Numbers 165, n. 4.