Intef II
Intef II | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Inyotef II, Antef II | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pharaoh | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Paghahari | 2112–2063 BCE (11th dynasty) | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hinalinhan | Intef I | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahalili | Intef III | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Anak | Intef III Iah | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ama | Mentuhotep I | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ina | Neferu I | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Namatay | 2063 BC[2] |
Si Intef II ang paraon ng Ikalabingisang Dinastiya ng Ehipto noong Unang Pagitang Panahon. Siya ay naghari ng halos 50 taon mula 2112 BCE hanggang 2063 BCE.[2] Ang kanyang kabisera ay sa Thebes, Ehipto. Sa kanyang panahon, ang Ehipto ay nahahati sa ilang mga lokal na dinastiya. Pagkatapos mamatay ng nomarkong si Ankhtifi, nagawa ni Intef na pag-isahin ang lahat ng katimugang mga nomes hanggan sa Unang Katata. Pagkatapos nito, nakipag-alitan siya sa kanyang mga pangunahing katunggali na mga nomarko ng Herakleopolis Magna para sa pag-aangkin ng Abydos, Ehipto. Ang siyudad ay nagpalit ng mga pinuno ng ilang mga abeses ngunit si Intef ang kalaunang nanalo na nagpalawig ng kanyang pamumuno sa hilaga ng ikalabingtatlong nome. Pagkatapos ng mga digmaang ito, ang mas magkaibigang mga relasyon ay naitatag at ang natitira ng paghahari ay mapayapa. Ang pagkakatuklas ng estatwa ni Intef II na nakabalot sa balabal na pampistang sed sa sanktuwaryo ng Heqaib sa Elephantine ay nagmumungkahing ang autoridad ng hari ay sumaklaw hanggang sa Unang Katarata at marahil ay sa bahagi ng Mababang Nubia sa kanyang ika-30 taon.[3] Nang mamatay si Intef II, siya ay nag-iwan ng isang malakas na pamahalaan sa Thebes kumontrol sa Itaas na Ehipto at nagpanatili ng isang hangganan sa timog ng Asyut.[3] Ang pinakamaagang pinatutunayang pagpepetsa ng diyos na si Amun sa Karnak ay nangyari sa kanyang paghahari. Ayon sa Kanon na Turin, siya ay naghari ng 49 taon.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. Thames & Hudson. p72. 2006. ISBN 0-500-28628-0
- ↑ 2.0 2.1 Ian Shaw, The Oxford history of ancient Egypt p.125
- ↑ 3.0 3.1 Nicholas Grimal, A History of Ancient Egypt (Oxford: Blackwell Books, 1992), p. 145
- ↑ The Ancient Egypt Web Site, Antef II, (accessed September 7, 2007)