Pumunta sa nilalaman

Papa Melquíades

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Melquíades)
Saint Miltiades
Nagsimula ang pagka-Papa2 July 311
Nagtapos ang pagka-Papa10 January 314
HinalinhanEusebio
KahaliliSylvester I
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanMiltiades (or Melchiades)
Kapanganakan(date unknown)
northern Africa
Yumao10 January 314
Rome, Western Roman Empire
Pampapang styles ni
Papa Melquíades
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawSaint

Si Papa Melquíades o Miltiades o Melchiades (Μελχιάδης ὁ Ἀφρικανός sa Griyego) ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 2 Hulyo 311 CE hanggang 10 Enero 314 CE.[1] Ayon sa Liber Pontificalis, si Miltiades ay isang Aprikano. Ang kanyang pagkahalal ay nagmamarka ng pagwawakas ng isang panahong sede vacante na tumagal mula sa kamatayan ni Papa Eusebio noong 17 Agosto 310 CE o ayon sa iba ay 309 CE sa sandaling pagkatapos ipatapon ni Emperador Maxentius si Eusebi sa Sicily. Sa kanyang pagkapapa noong Oktubre 312 CE, tinalo ni Dakilang Constantino si Maxentius at nakuha ang kontrol ng Roma. Prinisinta ni Constantino sa papa ang Palasyong Laterno na naging tirahan na pang-papa at upuan ng pamahalaang Kristiyano. Sa simula 313 CE, si Emperador Constantino at Emperador Licinius ay umabot sa Kautusan ng Milan na nagbibgay ng kalayaan sa relihiyon sa mga Krisityano at iba pang mga relihiyon at nagbalik ng mga pag-aari ng simbahang Kristiyano. Kalaunan noong 313 CE, nangasiwa si Miltiades sa Synod na Laterano sa Roma na nagpawalang sala kay Caecilian ng Carthage at kumondena kay Donatus bilang sismatiko. Pagkatapos ay inanyayahan siya sa Konseho ng Arles ngunit namatay bago ito idaos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Annuario Pontificio 2012 (Libreria Editrice Vaticana ISBN 978-88-209-8722-0), p. 8*