Pumunta sa nilalaman

Prometeo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Prometheus habang nakagapos sa isang bato at sinasaktan ng isang agila.

Si Prometeo o Prometheus ay isang diyos na Titano sa mitolohiyang Griyego. Hindi siya katulad ng ibang Titano, sapagkat naging kakampi siya ni Zeus at labing-isa pang iba pang Olimpiyanong mga diyos. Kapatid niya si Epimetheus, na kumampi rin sa mga diyos ng Bundok Olimpo.[1]

Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "maagang pagmumuni-muni at paghahanda sa gagawin". Mas may karunungan siya kaysa kapatid na si Epimetheus.[1][2]

Kasama si Epimetheus, nabigyan sila ng katungkulang lumika sa mga lalaking tao ng mundo at ng mga hayop. Si Prometheus ang nagbigay sa tao ng wangis na kahawig ng mga diyos, sa pamamagitan ng paghubog sa putik, na nagkaroon ng kakayahang tumindig at may mga matang nakakatanaw sa kalangitan; hindi tulad ng sa mga hayop na nakatuon sa lupa. Siya rin ang nagbigay sa tao ng apoy na nagmula sa kalangitan. Dahil sa pagnanakaw niya ng apoy mula sa langit na ipinagkaloob niya sa tao, napananggalang ng tao ang kanyang sarili mula sa lamig. Nagamit rin ng tao ang apoy upang makagawa ng sari-saring mga bagay. Dahil rin sa apoy, naiangat ng tao ang kanyang sarili mula sa kaantasan ng mga hayop.[1]

Nang maipagkaloob ang apoy sa tao dahil sa ginawang pagnanakaw nito ng Titanong si Prometheus, nalaman at ikinagalit ito ni Zeus. Pinagawa ni Zeus si Hephaestus, ang diyos na panday, ng isang pangkat ng mga tanikala, na ginamit naman ni Zeus upang igapos si Prometheus sa isang malaking bato. Iniwan siya ni Zeus sa ganitong kalagayan, na sinasaktan ng isang agila (mas mukhang buwitre sa mga paglalarawan at dibuho). Araw-araw na kinakain ng agila ang atay ni Prometheus, na muli namang tutubo upang kainin lamang ng agila sa susunod na araw. Naging tagapagligtas niya mula sa paghihirap na ito ang bayaning si Herakles (Herkules).[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Prometheus, forethought". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 357.
  2. Gaboy, Luciano L. Forethought - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.