Academia.eduAcademia.edu

BALAGTASAN

BALAGTASAN ... ALING WIKA ANG DAPAT NA MAS PAHALAGAHAN AT GAMITIN SA PAARALAN: WIKANG FILIPINO O WIKANG ENGLISH? ni Joel Costa Malabanan Lakandiwa: Magandang hapon po ang aming pagbati Okasyon pong ito’y sadyang natatangi Isang balagtasang kakaibang uri Dito sa Perpetual, ngayo’y mangyayari It will be the first time in our history Two people will debate with rhymes and poetry And the main objective, for each of us to see The power of language and its hidden beauty Kung kaya ang paksa na pag-uusapan Ay matagal na ring pinagtatalunan Aling wika ba ang dapat pahalagahan Ang wikang hiram ba o ang kinagisnan? I ‘m Jonathan Calda, designated as judge I’m tasked to supervise, and later to decide And since, I wish not to prolong your agony Listen and contemplate, debate through poetry! Makata 1: Azl Cedric Lopez, ang aking pangalan Tagapagtanggol po ng wikang kinagisnan Sa debate ako’y walang aatrasan Knocked out ang sinumang sa aki’y lalaban Makata 2: I am Reggie Ucang, a third year student My crusade is to prove that English is the best No one can stop me, nor intimidate me Anytime, anywhere, I am always ready! Makata 1: Bayaan n’yong ako na ang siyang mauna Ang tanong ko sa ‘yo’y Pilipino ka ba? Sayang ang tulad mong matalino sana Subalit sa malas, ay utak banyaga Sapagkat kung ika’y isang Pilipino Di sana, kung gayon, ika’y kakampi ko Hindi tulad ngayong dala mong anino Ay asal at diwang maka-Amerikano! Makata 2: By heart and by thoughts, I’m a Filipino And I love this country just like the way you do But nationalism, is not language alone We should be practical, for our life to go on As we enter the stage of globalization English will be our tool for communication We need not study, our own native language Schools should choose English, in the search for knowledge! Makata 1: Isang kahibangan ang iyong tinuran Mismong wika natin ay kalilimutan? Kung lahat ng Pinoy ang utak ay ganyan Mas lalong kawawa itong ating bayan! Ang hindi magmahal sa kanyang salita Dapat na igisa sa kanyang mantika Kung Pilipino ka sa isip at gawa Patunayan mo rin maging sa salita! Makata 2: In Chemistry, Physics, Bilogy and Math Filipino language is surely not enough For comprehension and to avoid confusion English will only be the only solution! Modern technologies are printed in English Translations will take time for us to accomplish And if in deed, you’d like this country to prosper Educators should try to teach English better! Makata 1: Sa Matematika at kahit sa Agham Terminolohiya’y maaring tumbasan Lahat nang salita’y pwedeng matapatan Kung pagsisikapang ngayo’y masimulan Itong Komisyon sa Wikang Filipino Dapat magsimula nitong pagbabago Pwedeng mag-imbento ng mga salita Gagamitin hanggang makasanayan na! Makata 2: Your idea is good, but it may not be sound And to tell you frankly, I find it so absurd Ask an Ilonggo, or a Cebuano They do not understand, “Wikang Filipino” We can’t rely on the Filipino language Confusing dialects is our disadvantage For practicality and to achieve unity English langage should be our first priority! Makata 1: Wikang Filipino ang tanging pag-asa Upang tayong lahat ngayo’y magkaisa Makamtan ng bansa, tunay na paglaya At di sa dayuha’y palaging umasa Nagkawatak-watak tayong Pilipino English ang ginamit at siyang instrumento Ang diwang kolonyal, tanim ng dayuhan Inaani natin ngayo’y kahirapan! Makata 2: If our people were poor, then blame the government For they have done nothing for our improvement But the English language, cannot be the culprit In fact, it is a must, people should master it Our avenue to progress is the English language Unlike other Asians, it is our advantage Fluency in English of our migrant workers Is fully appreciated by foreign employers! Makata 1: Baluktot na naman ang iyong katwiran Na magpaalipin sa mga dayuhan Sa tono ng iyong pangungusap ngayon Nais mong matulad kay Flor Contemplacion Aanhin ang English kung ika’y alipin Sa araw-araw ay may among susundin Pagka-Pilipino’y wag mong pababain Lahing kayumanggi ay iangat natin! Makata 2: I am not downgrading the race where I belong You can’t just understand what I’ve said all along No country will move on with the tide of progress Mastery of English should really be stressed! Makata 1: E di tulad natin ay ang asong ulol Nais ay ngumiyaw sa halip na tumahol Huwag nating payagang lalo pang masakal Nitong kinagisnang isipang kolonyal! Makata 2: Of course I’m not a dog, also, I am not a cat A false analogy, is what you’re driving at Makata 1: Bakit mapapalso, gayong tama naman Abnormal ang ating naging kalagayan! Makata 2: Everything is normal, and the problem is you You’re trying to deviate from the real issue! Lakandiwa: Hintay, saglit lamang, aking puputulin Lagbalab ng apoy nitong paksa natin Ngayon silang dalawa ay pagpapalitin Si Azl naman ang ating pag-Inglesin But then the two of them will carry the same stand Reggie will still try to support her demand The irony of all, is that they will argue Using the language that they intend to outdo. Pakinggan nga muna, natin si Reggie Kahit Tagalog na, sa English pa rin siya How about giving her, another loud applause As she tries to unfold, the main part of our show! Makata 2: Di naman kolonyal ang maging praktikal Bagkos ay pag-iawas sa pagiging hangal English ay kailangan ng kahit sinuman Katotohanan iyang di kayang tanggihan Ang English ay isang wikang universal Siyang sandigan ng mga pag-aaral Walang bansang kayang umunlad mag-isa Kung sa wikang English ay hindi aasa! Makata 1: I dare to disagree, that is a fallacy For those who would listen, please hear now my plea The Japanese proved to us with its economy Using their own language, achieved prosperity And then we have China, Thailand and Malaysia Using their native tongue, they dominate Asia We Filipinos, should appreciate our own To liberate our souls from any subversion! Makata 2: Kasinungalingan ang iyong tinuran Nang dahil sa US, umunlad ang Japan Kahit gamit nila ang sariling wika Sila’y tinulungan din ng Amerika At kahit ang China’y ‘wag mong ipagyabang Komunismo’y kanilang tinatalikuran Mga Intsik ngayon ay nais mag-Ingles At kapitalismo ang siyang ninanais! Makata 1: Capitalism is the root cause of evil Countries are exploited even against their will And the English language that I am using now Discriminates people who do not know how Fluency in English is not a measurement Of person’s intellect or country’s achievement For us, Filipinos, it is a manifest Of how we glorify colonial interest I accept that we need to learn more of English But we should be master of our own language first Cause there is no reason, for our race to exist Kung ang wika natin nama’y maaalis! Makata 2: Aminin na kasi, na sadyang talunan Ang lahat sa mundo, English ang kailangan Kahit sa internet, sining at musika Sa English ay walang higit pang dakila But then I must admit, we need not to forget Yes, we should also use, the language we know best Kung ang Wikang English ay pag-aaralan Wikang Filipino ay huwag kaligtaan! Lakandiwa: Narinig n’yo naman ang huling tinuran Wikang Filipino’y huwag kalilimutan Itaguyod lagi ang sariling atin Pag-ibig sa bayan, laging paniagin Thus, we should be master of our language first At the same time we try to learn more of English And perhaps in the end, our country will prosper Through unity and hard work, our life will be better At sa hapong ito ay napatunayan Na ang wika’y sadyang makapangyarihan Kapwa, Perpetualite, aming kahilingan Na kami pong tatlo ay mapalakpakan! Linggo ng Wika Tumalon sa: paglilibot, paghahanap [[Imahen:Filipinolanguagemonth.png.jpg|200px|thumb|Poster ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Linggo ng Wika]] Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino. Mga nilalaman 1 Kahalagahan ng Wika 2 Kasaysayan 3 Selebrasyon 4 Sanggunian 5 Pagkilala Kahalagahan ng Wika "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa. Kasaysayan Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito. Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon. Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997. Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa. Selebrasyon Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba’t ibang munisipalidad. Facebook logo Top of Form Email or Phone Password Keep me logged in Forgot your password? Bottom of Form Sign Up English (US) · Privacy · Terms · Cookies · More Facebook © 2014   News Feed Caloocan National Science and Technology High School August 20, 2012 · Kasaysayan ng Wikang Pambansa Malayo-Polinesyo • angkang kinabibilangan ng mga wikang Indonesian (Tagalog, Visayan, Ilocano, Pampango, Samar-Leyte, Bicol at iba pa sa Pilipinas) at Malay • sumunod ang laki sa wikang sakop ng angkang Indo-European (pinakamalaki) na kinabibilangan ng Espanyol at Ingles Saligang Batas ng Biak na Bato • ang wikang opisyal ng Katipunan ay Tagalog na naging midyum sa mga pahatid-sulat at dokumento ng kilusan Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3 • “Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi ipinag-utos ng batas, mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika.” Batas Komonwelt Blg. 184 • naglalayong bumuo ng samahang pangwikang (Surian ng Wikang Pambansa o SWP) tutupad sa hinihingi ng konstitusyon, ang naging unang pinuno nito ay si Jaime C. De Veyra Batas Komonwelt Blg.333 • nagpatibay sa pagkakaroon ng SWP Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 • matapos ang sampung buwang pag-aaral, ipinalabas ng SWP ang resolusyong nagsasabing Tagalog ang lubos na nakatugon sa ginawa nilang pag-aaral, ang Tagalog ay batayan ng wikang pambansa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 • nabuong ganap ni Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Tagalog) ang talatinigang may pamagat na “A Tagalog-English Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa” Kautusang Pangkagawaran Blg.1 • iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksyon, Jorge Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941 Order Militar Blg. 13 • ibinaba noong panahon ng pananakop ng Hapon, ginawang opisyal na mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog Batas ng Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 4, 1946) • Ang wikang pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa nang wikang opisyal ng Pilipinas. Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954) • Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2 na kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa. Proklama Blg. 186 ( Set. 23, 1955) • Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, "Ama ng Wikang Pambansa“. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) • Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwelt Blg. 570. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (Nob. 14, 1962) • Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Okt. 24, 1967) • Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968) • Ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Nilagdaan ito ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas. Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3 • Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Hanggat hindi nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974) • Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-75. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya, intermedya at sekundarya. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 • “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7 • "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.“ Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 8 • “Ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.” Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 9 • “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.” Kautusang Pangkagawaran Blg.52, (1987) • Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilinggwal nang ganito…”Ang patakarang Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.” Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987) • Nilagdaan ng Pangulong Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) • Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP. Proklamasyon Blg. 1041 (1997) • Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Ramos. Kagawaran ng Edukasyon- Ordinansa Blg. 74 (2009) • Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya o Multilingual Language Education (MLE). (Nauna rito, may inilahad nang bersyon ang ikalabing-apat na Kongreso ng Mababang Kapulungan na House Bill No. 3719- An Act Establishing a Multi-Lingual Education and Literacy Program and for other Purposes sa pamamagitan ni Hon. Magtanggol T. Gunigundo.) Wikang Filipino • Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto,1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon ng Filipino ay… “…ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas- bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang salitang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.” • Sa panayam na ibinigay ni Komisyuner Ricardo Ma. Duran Nolasco ( ng KWF, 2007) sa Mariano Marcos State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay dating wika ng Katagalugan na naging wikang pambansa bunga ng kombinasyon ng mga pangyayaring historikal, ekonomikal at sosyopolitikal kayat naging pambansang lingua franca ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo sa bansa. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 • nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, kasabay ng tuwirang pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987 sa wikang pambansa Alpabetong Filipino (1987) • Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawag-Ingles maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila (ey, bi, si, di, i, ef, dzi, eyts, ay, dzey, key, el, em, en, enye, endzi, o, pi, kyu, ar, es, ti, yu, vi, dobol yu, eks, way, zi). Kautusang Pangkagawaran blg. 45, s. 2001 (2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino) • may 28 letra pa rin sa 2001 alfabeto, walang idinagdag, walang ibinawas at gumaganap bilang pagpapatuloy ng 1987 Patnubay…. Ang binago ay mga tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976. Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 • pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Itinagubilin pa ang pansamantalang paggamit at pagsangguni sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling habang ang KWF ay nagsasagawa ng mga konsultasyon Mayo, 2008 • ipinalabas ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa, nakabatay ito sa 1987 Patnubay…, tinapos na ang pagkalito sa maluwag na paggamit ng 2001 Revisyon…. Top of Form Bottom of Form