Hello Neighbor
By Aril Daine
5/5
()
About this ebook
College. A clean slate. Wala na ’yung drama nu’ng high school, ’di na ako makukumpara sa best friend kong perfect, at wala na ang heartbreaker na si Derek. Only me, my short hair, and my bright, beautiful future. But then, Engineer Gabriel Vaughn Rodriguez walks, barges into my life—literally! This annoying, noisy, super kulit, sometimes funny, and okay fine quite handsome young man moves in next door. And gusto niyang mag-dinner kami gabi-gabi. And he holds my hand. And tells me I’m beautiful. Nakakabaliw! Am I ready to open my heart again?
-Miru
Related to Hello Neighbor
Related ebooks
My Perfect View Snowfire Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIkinulong na Obsesyon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsIlusyon ng Puso Rating: 5 out of 5 stars5/5Inosenteng Kariktan Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBawal na Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPabili ng Aliw Rating: 5 out of 5 stars5/5Yuuki no Hana Rating: 5 out of 5 stars5/5Twenty-Four Seconds Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBilanggo ng Kahapon Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsTatlong Gabi ng Pag-ibig Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsRemembrance Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsMga Matang Nanrarahuyo Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsThe Jilted Bride Rating: 4 out of 5 stars4/5Shadows of the Heart Rating: 5 out of 5 stars5/5My Nordic God Rating: 3 out of 5 stars3/5Diyosa Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsCaged Heart Rating: 4 out of 5 stars4/5Babysitting the Billionaire Book 1 Rating: 4 out of 5 stars4/5Babysitting the Billionaire Book 3 Rating: 4 out of 5 stars4/5Itinakdang Pag-ibig Rating: 5 out of 5 stars5/5Tukso sa Puso Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBilanggo ng Karangyaan Rating: 5 out of 5 stars5/5Isang Sikretong Kasal Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBest Man Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsPanagutan Mo 'Ko Rating: 5 out of 5 stars5/5Angkas Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsUnbelievably in Love Rating: 4 out of 5 stars4/5Rush Rating: 0 out of 5 stars0 ratingsBabysitting the Billionaire Book 2 Rating: 4 out of 5 stars4/5Dating My Ex Rating: 0 out of 5 stars0 ratings
Reviews for Hello Neighbor
2 ratings0 reviews
Book preview
Hello Neighbor - Aril Daine
Introduction
I lang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang kanina pang kumakabog kong puso. Humawak din ako sa bracelet ko para kumuha ng lakas ng loob. Hawak ko rin ang liham na kagabi ko pa isinulat. Pinabanguhan ko pa nga ito para hindi nakakahiya kapag ibinigay ko na kay Derek.
This day is not like any other day. Today, magtatapat na ako sa kanya.
Hi,
nakangiting bati ko sa kanya. Pumasok na ako sa cafe na lagi naming tinatambayan at umupo sa kabila niya. Kinakabahan ako at mas lalo pa akong kinabahan nu’ng ngumiti siya sa akin.
Okay na ba sa’yo ’yan o gusto mo pa ng cake?
tanong niya.
Okay na ’to.
This is more than enough to be honest. Never kasi kaming lumalabas na kaming dalawa lang. Laging kaming tatlo kasi lagi ang magkakasama. Ako, si Derek, at si Gelene. Si Gelene—my sister from another mother, my best gal, my BFF. At si Derek—the love of my life.
Wala nang paligoy-ligoy pa. Dumeretso na ako. Inilabas ko ’yung sulat na ginawa ko kagabi, na agad namang dinapuan ng mga mata ni Derek.
Ano ’yan?
tanong niya. May pagbibigyan ka ba niyan?
Hindi ko alam anong isasagot.
Halos natatawa na rin siya nang idinugtong niya, May nagugustuhan ka na rin ba?
Mabilis kong napansin ang pagkakatanong niya sa akin. May gusto na ba siya? Ha?
Magpapatulong ka rin ba sa akin?
Napakunot ang noo ko. Magpapatulong kasi sana ako sa’yo kay Gelene.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Actually, hindi lang. Parang isang bucket ng nakakamanhid na yelo, tulad nu’ng sa Ice Bucket Challenge.
Para kanino ba ’to?
W-wala.
Dali-dali at nanginginig kong itatago na sana ang sulat ngunit mas mabilis ang kamay niya.
Sinong swerteng lalaki ang—
Hindi niya naituloy ang sinasabi niya nang mabasa kung para kanino ang sulat na iyon. Ito na ang best time para lamunin ako ng lupa, Lord! Please!
Matagal at awkward na katahimikan ang bumalot sa amin. Wala ring masyadong laman ang café kaya’t halos kaluskos lang ng mga pinggan at kubyertos na inaayos ng mga waiter ang maririnig. Hindi ko alam anong sasabihin. Hindi niya rin alam. Hindi pala kami si Ron at Hermione. Ganito ang awkwardness kung nagtapat si Ron kay Harry.
Sorry.
Pagkarinig ko nito ay siya namang pagpatak bigla ng mga luha ko. If you’re truly sorry, then don’t court her. Please, huwag.
Please, huwag.
Iyon ang huli kong sinabi kay Derek bago ako umuwi, walang hupa ang pagtulo ng mga luha kahit na makita ng lahat. Galit, sakit, pagkahiya—naghalo halo na ang mga emosyon na parang lumalamon sa puso ko. Bakit si Gelene pa? Bakit hindi na lang ako?
Pag-uwi at pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay nakita ko agad lahat ng bakas ng pagkakapareho namin ni Gelene. Almost the same but not quite. Kasi apparently, wala sa’kin ang nakita ni Derek kay Gelene.
Nagmamadali, lahat ng mga gamit na pareho kami ay inilagay ko sa isang kahon para itago. Parang bigla akong tinubuan ng insecurities dahil sa nalaman ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkainggit sa best friend ko. Alam ko naman na mali itong nararamdaman ko pero ang sakit pala. Ang sakit palang second best lang ako.
So, I cut my hair. I changed my bag, I changed my things. I changed everything that reminded me that I was just Gelene’s inferior copy. Halos walang natira kay Miru, best friend ni Gelene. I want to be Miru, my own person.
Lumipas ang mga araw at napansin ng lahat ang unti-unting paglayo ko kay Gelene. From the homemakers club kung saan clubmates kami ni Gelene, lumipat na rin ako sa volleyball club para mas maging limited ang oras ko sa pagsama sa kanila. Noong una ay sinubukan ko lang naman, hanggang sa naging routine ko na ang training tuwing natatapos ang klase.
But I can’t escape Gelene for too long. I still love her. She is my best friend, after all. Pero tuwing makikita ko sila ay maririnig ko ang boses ni Derek na sinasabing si Gelene ang pinili niya, at feeling ko mababaliw ako.
Miru, sa parehas na university pa rin naman tayo papasok, ’di ba?
tanong ni Gelene habang naglalakad kami papunta sa volleyball training ko. Lately kasi ay hindi na tayo nakakapag-usap dahil busy ka. Lumabas na kasi ’yung result ng entrance exam natin at pumasa ako.
Pumasa rin naman ako. It was our dream to go to that prestigious university. Pero now, everything’s changed. It’s my chance to finally be my own person—away from Gelene, away from Derek. Bagsak ako, eh. sa Cress University ako pumasa.
Cress?
hindi makapaniwalang tanong ni Gelene. Kailan ka nag-take ng exam? Bakit hindi mo sinabi sa’kin?
Noong last day ng entrance exam nila,
sagot ko sa kanya. Malapit lang naman ’yung mga papasukan natin. Makakapagkita pa rin naman tayo nu’n.
Ayoko na rin kasing naikukumpara tayong dalawa. Mas mabuti na rin siguro ’to.
Promise mo ’yan, ha? Magkikita pa rin tayo lagi?
Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya. Makikipagkita pa rin naman talaga ako. Siguro.
Nang grumaduate kami ay sinabi ko na rin kay Gelene na gusto ko si Derek. Alam kong selfish ang ginawa ko dahil gusto kong malaman ni Gelene ang nararamdaman ko para sa kaibigan namin. Pero I had to say it. She had to know.
Come college, natuloy sila Gelene at Derek sa UPL. Sa dream college namin. I tried going out of my way para makita pa rin sila kahit once a month, kahit for dinner lang. Pero pagpatak ng second year, nalaman ko sa iba na sila na pala. Tuwing kasama ko sila ay wala silang sinasabi sa akin. Akala ko ay wala na. Akala ko ay hindi na gumawa ng move si Derek. Akala ko rin na okay na ako. Ang sakit pala talaga na ’yung taong gusto ko ay sa iba napunta—at sa kaibigan kong matalik pa talaga.
’Di ko alam kung sino ang nagkamali. Sila ba ang masama dahil tinago nila sa best friend nila ang totoo? O ako ba ang tanga dahil hindi ko nakita? Thinking about it, baka ayos na lang rin sa’kin kung sinabi nila kaagad. Baka matatanggap ko, kahit masakit. Pero mahirap pala na pinaglilihiman ka ng mga taong pinakamamahal mo. ’Yung sa iba ko pa talaga nalaman, ang sakit. I felt betrayed. I felt like an outsider. Kaya kahit ayoko, tuluyan na akong umiwas. Ako na ang lumayo. Ako ang hindi nagparamdam. Ako ang nang-iwan dahil ayoko nang masaktan.
Sino ba naman kasi ang magpoprotekta sa akin kung hindi ang sarili ko?
Chapter 1
Kalalabas ko lang sa unit ko nang makita ko ang kapitbahay ko na dala ang kanyang maleta. She’s Ate Yvette at mas nauna siya sa akin dito sa building na ito tumira. Mabait siya at nakakausap ko siya minsan tuwing nagkakaabutan kami kagaya na lang ngayon.
Magbabakasyon ka?
tanong ko sa kanya.
Ah, hindi.
Nginitian pa niya ako at saka dinampot ang nahulog niyang envelope. Dapat kakatukin na nga kita para sabihin na aalis na ako. Hindi kasi tayo nagkakaabutan lately kaya hindi ko kaagad nasabi sa’yo na I’m leaving na.
Aalis ka na? Saan ka pupunta?
Natanggap na kasi ako du’n sa company sa New York. ’Yung kinuwento ko sa’yo dati. Simula bukas, ’yung kambal ko na ang titira rito. Don’t worry, hindi naman ’yun madalas makakauwi rito. Lagi lang siyang nasa site or malapit sa site nila. Busy kasi ’yun sa trabaho.
Tumingin siya sa wristwatch niya, halatang nagmamadali at may hinahabol na oras. Paano ba ’yan? Aalis na ako. Baka kasi ma-late ako sa flight ko.
Sige, ate. Chat na lang tayo. Upload ka ng maraming pictures, ha? Mami-miss kita,
nakangiti kong paalam sa kanya.
See you when I see you, okay?
sabi niya nang pareho kaming makababa sa building. Hinalikan niya ako sa pisngi bilang pagpapaalam na rin, pagkatapos ay sumakay na siya sa sasakyang nakaabang sa labas.
I really admired her. Sobrang ganda niya at talaga namang nakakainggit ang kulay abo niyang mga mata. Idagdag pa ang itim na itim at mahaba niyang buhok. Mabait din siya kaya sobrang suwerte rin ng boyfriend nito sa kanya.
Pagtingin ko sa relo ko ay nakita kong late na rin ako. Patay! Dumeretso na ako sa Cress para puntahan ang instructor namin sa thesis. Kailangan ko pa ulit ipakita iyon sa kanya para ipa-approve ang gawa ko. Ilang beses na rin kasing na-reject ang ibang ipinasa kong new input para sa paper ko. Sana naman ngayong pinagpuyatan ko talaga ng malala ang papel ko ay maawa na siya sa hardwork ko.
Ms. Miru Mariano, akala ko hindi ka na papasok,
ani Sir Garcia. Quarter to six na kasi nang makarating ako sa university, pero pasok pa naman sa consulting hours niya, eh!
Sir naman porket na-late lang ako, hindi na kaagad papasok? Galing po ako ng OJT kanina. Dumaan lang ako sa apartment para po kunin itong thesis paper ko kasi nalimutan kong dalhin,
paliwanag ko sa kanya kasi ’yun naman ang totoo. At para maawa na rin siya sa’kin, ano!
Mabait si Sir Garcia. Para na nga namin siyang barkada kung ituring pero kung sa mga school stuff ay talagang walang kai-kaibigan sa kanya. Masyado siyang mahigpit sa mga estudyante niya.
Eh, sir, sina Kevin po ba nagpasa na ng papers?
Pagsabihan mo nga ’yung kaibigan mong ’yun. Hindi na nakapagpasa ngayong araw.
Tuloy pa rin ang pagbabasa niya sa mga revision sa thesis ko. Palitan mo pa ito. Wala kasing support ang inilagay mong ’to.
Tinuro niya ang paragraph na tinutukoy niya. Saka puwedeng tanggalin na ’to.
Yes! Nakahabol pa ako!
Hingal na hingal si Kevin nang lumapit siya sa amin ni Sir Garcia. Sir, pinagbutihan ko ’tong thesis paper ko. Walang-wala ’yang kay Miru. Panis!
Inirapan ko ang kumag kong kaibigan. Ngayon pa talaga magga-grand entrance habang busy kami!
Talaga? Kaunting revision na lang ’yang kay Miru,
hindi nakatinging sabi ni sir kay Kevin na nagpupunas pa ng pawis.
Sir naman, nagbibiro lang siyempre. Mukhang uno na nga ’yang kay Miru, eh,
ani Kevin.
Kinuha ko ang thesis paper ko nang iabot ito sa akin.
Pero sir, ’di ba mas malayong maganda naman ’tong thesis topic ko?
Natawa na lang ako nang bahagya dahil sa tanong ni Kevin kay sir.
Akin na nga ’yan nang makita ko na.
Agad namang iniabot ni Kevin ang thesis paper niya. Mukhang kabado pa ang kaibigan ko kaya mas lalo akong natawa.
Sir, okay na po ’to? Para makauwi na ako,
tanong ko pa para maayos ko na ang mga pwedeng ayusin sana.
Uwi agad, Miru, ha? Marami pang kailangan ayusin diyan sa’yo,
bilin ni sir.
Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sir, naman! Akala ko ba kaunti na lang? Bakit biglang mali na naman?
Napansin ko rin ang mahinang pagtawa ni Kevin dahil sa reklamo ko kaya agad ko siyang tinitigan nang masama para mapatigil ko ang nakakaasar niyang tawa.
Joke lang.
Napangiti si Sir Garcia. ’Yung mga sinabi ko lang ’yung ayusin mo. Mas kaunti ang aayusin mo kumpara dito kay Kevin. Umuwi ka na at tapusin mo na ’yan saka mo i-send sa e-mail ko para makita ko agad.
Okay, sir. Thank you po! Mauna na ako, Kevin!
nang-iinis kong paalam sa kanya.
Sige. Ganyan ka naman, eh.
Padilim na nang lumabas ako sa building ng college namin. Kailangan ko na namang harapin ang nakakatakot na tawiran sa harap ng university para makauwi. Creepy man tingnan pero naghihintay talaga ako ng makakasamang tumawid. Medyo takot kasi akong tumawid sa kalsada. Iharap mo na ako sa kung anu-ano, pero pagdating sa pakikipagpatintero sa mga sasakyan, mahina talaga ako. Ba’t kasi ’di pa nila lagyan ng overpass ’tong tapat ng university? ’Di ba nila alam gaano karami ang namamatay araw-araw dahil nasasagasaan ng sasakyan?
Katulad ko ay may mga naghihintay rin para tumawid. Nang medyo umonti na ang mga sasakyan ay nag-umpisa na kaming tumawid. Mabilis kaming lahat maglakad pero bigla akong napahawak sa braso ng katabi ko nang biglang may malaking truck na dumaan nang nasa may gitna na kami. I swear to God! Pakiramdam ko nabawasan ng sampung taon ang ilalagi ko sa mundo dahil sa truck na ’yun!
Uhh, miss? Puwede mo na akong bitiwan. Unless gusto mong ihatid kita hanggang sa inyo?
Iyong pawis ko kanina sa pagtawid ay parang mas lalong lumamig dahil sa lalaking nagsalita. Agad kong binitiwan ang braso niya bago ko siya tiningnan. Nakakahiya! Nakahawak pa pala ako sa kanya!
Nakangiti pa siya ngayon sa akin kaya binilisan kong naglakad at nauna na sa kanya. Wala na akong nasagot kasi ano, accident naman kasi ’yun, eh! Baka student din siya sa Cress U? Kaso ’di siya naka-uniform. Naku, baka mandurukot pa ’yun! Wala na nga akong pera tapos dudukutan pa ako! No way!
Hello? Oh? Pauwi pa lang ako,
narinig kong sabi ng lalaki. Kaagad akong tumingin sa likuran ko at nakita kong nakabuntot pa siya sa’kin. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko sa kaba. Bakit niya ako sinusundan? Baka nga talaga mandurukot siya! Diyos ko po! Lord! ’Di ko pa time! Binilisan ko pa ng onti