Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

From $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Cosmo von Werhstahl
Cosmo von Werhstahl
Cosmo von Werhstahl
Ebook42 pages36 minutes

Cosmo von Werhstahl

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

"Si Cosmo ay may isang salamin na may magandang binibini sa loob nito..."
Ang librong ito ay isang salin sa Filipino ng isang istorya sa Kabanata trese ng "Phantastes" ni George MacDonald, ang manunulat na siyang tumulong sa paghubog sa imahinasyon ng iba pang sikat na manunulat katulad nila G.K. Chesterton, C.S. Lewis, at J.R.R. Tolkien.

LanguageTagalog
PublisherJ. Deytiquez
Release dateJun 19, 2022
ISBN9781005926144
Cosmo von Werhstahl
Author

J. Deytiquez

I grew up in a sleepy town in the midst of the vast expanse of rice fields in Luzon, Philippines. Though inspired mainly by the simplicity of nature of my hometown, to read and to write, I am also inspired by my experiences in the cold and rainy mountain city of Baguio.

Read more from J. Deytiquez

Related to Cosmo von Werhstahl

Related ebooks

Related categories

Reviews for Cosmo von Werhstahl

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Cosmo von Werhstahl - J. Deytiquez

    Kay tagal na noong una kong subukang isalin ang kuwento na ito na mula sa kabanata trese ng Phantastes ni George MacDonald. Noon yatang taong 2017 pa, at ito ay isinulat ko noong panahon na iyon upang ibigay bilang regalo sa aking sinisinta, sa pag-asang magkikita pa kaming muli at naaalala pa niya ang mga salitang Filipino na tinuro ko sa kanya, kahit na napakaraming taon na ang lumipas noong huli kaming nagkita. Pero hindi na niya natanggap ito. Naaalala ko pa kung paano ko inabala noong panahon na iyon ang aking kaibigan na si Binibining Florineil Fondevilla na gumuhit ng isang larawan para dito (maraming salamat Rori!). Ngunit sa tingin ko naman ay hindi ito nasayang, dahil ngayon ay maibabahagi ko na ito sa iyo, aking mambabasa. Salamat sa pagbibigay ng iyong panahon at atensyon para sa mumunting salin na ito, ng isang maikling kuwento na isinulat pa ng orihinal na awtor noong 1858. Sana ay, mula sa malawak at patuloy na umaagos na ilog ng espasyo at panahon, ay may mabuting bagay akong naitawid upang maibigay sa iyo.

    JCD, July 2021

    Ang Istorya

    Si Cosmo von Wehrstahl ay isang estudyante sa Unibersidad ng Prague. Kahit na kabilang sa isang maharlikang pamilya, siya ay mahirap, at pinagmamalaki ang kanyang kalayaan na binibigay ng kahirapan. Dahil bakit hindi ipagmamalaki ng isang lalaki ang isang bagay, kung hindi niya maalis ito? Isang paborito sa kanyang mga kapwa mag-aaral, ngunit wala siyang maituturing na tunay kasamahan, at wala sa kanila kailanman ang nakatapak sa bungad ng kanyang tinutuluyan sa taas ng isa sa mga pinakamataas na mga bahay sa matandang bayan. Siya nga, ang sikreto sa halos lahat ng paggalang sa kanya ng kanyang mga kapwa estudyante, ay ang kanyang madalas na tendesiyang mapag-isa lalo na sa kanyang bahay, at sa gabi siya ay kayang pilitin ang kanyang sarili at magpakasawa nang mag-isa sa kanyang pag-aaral at pag-iisip na mapangarap. Ang mga pag-aaral na ito, bukod pa sa mga asignaturang kailangan sa kanyang kurso sa Unibersidad, ay sinasaklaw ang iba pang mga hindi masyadong kilala at aprobado, dahil sa kanyang sikretong kahon ay nakahimlay ang mga gawa ni Albertus Magnus at Cornelius Agrippa, kasama ng mga hindi gaanong binabasa at mas mga mahihirap pang intindihin na iba. At, gayon pa man, sinusundan lamang niya ang mga pananaliksik na ito dahil sa kuryusidad, at hindi kinukunsulta ang mga ito sa mga praktikal na layunin.

    Ang kanyang tinutuluyan ay binubuo ng isang malaking kuwarto na mababa ang kisame, na pambihirang halos walang mga muwebles. Dahil bukod sa isang pares ng upuang gawa sa kahoy, isang sopa kung saan siya nangangarap sa araw man o sa gabi, at isang malaking aparador na gawa sa itim na owk, mayroon lamang napakakaunti sa kuwarto na matatawag bilang mga kasangkapan sa bahay.

    Ngunit may kakatwang mga instrumento ang nakabunton sa mga sulok. At sa isa ay nakatayo ang isang kalansay, kalahating nakahilig sa pader, kalahating sinusuportahan ng tali sa leeg nito. Ang isa sa mga kamay nito, ang lahat ng mga daliri ay

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1