Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kaaway kong Mahal
Kaaway kong Mahal
Kaaway kong Mahal
Ebook270 pages3 hours

Kaaway kong Mahal

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Pinagkalooban si Damelan ng imortalidad ni Amang Panahon kapalit ng paglalagay ng limitasyon sa kapangyarihan ng kanyang angkan.

 

Ngunit walang naging pagbabago sa lakas ng kapangyarihang taglay ni Damelan na mula kay Inang Kalikasan.

 

Gamit ang kapangyarihang ito ay lalabanan niya si Miguel Salcedo na sumumpa ng paghihiganti sa kanya at sa kanyang angkan.

 

Ganoon na lamang ang pagkagulat at galit na naramdaman niya nang matuklasan niyang ang kanyang descendant na si Dixon ay umiibig sa reincarnation ni Miguel Salcedo na si Theron Gabriel!

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateNov 8, 2022
ISBN9798215532836
Kaaway kong Mahal

Read more from Arielle Alia

Related authors

Related to Kaaway kong Mahal

Related ebooks

Reviews for Kaaway kong Mahal

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kaaway kong Mahal - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com/

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, especially my mother, Mrs. Josefina L. Alia who helped me edit this novel.

    To my friends, Magdalena Mangulabnan, Donnalyn Bodollo and Raquel Robles who helped me proofread this novel.

    To my friend, Emlyn Serdiña who helped me review this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continued to give me support as I embark on a new stage in my life as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR'S NOTE

    Ito ang book 2 ng Witch’s Curse na La Bruja pero dahil ayaw tanggapin ang title na ito as an e-book, kinailangan kong palitan at gawing Kaaway Kong Mahal.

    Nagpapatuloy dito ang kuwento nina Theron at Dixon. Dito rin muling maghaharap si Theron at si Damelan, ang babaeng minahal niya noon ngunit siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

    Arielle Alia

    CHAPTER 1

    1616

    Islas de Luconia

    Tatlong araw nang nakaaalis ang mga puting banyaga. Bagama’t ang pakay ng mga ito lamang sa kanilang mga isla ay pakikipagkalakal, hindi pa rin maalis ni Damelan ang pangamba sa kanyang dibdib. Maayos ang naging pakikitungo sa kanila ng mga banyaga liban sa mga kasama nitong prayle na tinawag na bruja ang kanyang Inay Melona.

    Bagama't binaliwala lamang ng ina ang akusasyong iyon, nananatili kay Damelan ang pangamba sa kanyang dibdib lalo na kapag naaalaala niya ang malalaking sasakyang pandagat ng mga banyaga na tinatawag na galleon. Hindi niya kayang ipaliwanag ngunit animo sumisimbulo ang mga galleon sa paparating na panganib at kamatayan sa kanilang tribu.

    Ayon sa Inay Melona, baka naipagkakamali lamang niya ang kutob na iyon sa kapangyarihang nagsisimula nang magising sa kanyang katawan.

    Sa pagsapit ng isang babae sa kanilang pamilya sa edad na labinlimang taon, dumarating ang senyales ng paglitaw ng kapangyarihang ipinagkaloob ni Inang Kalikasan. Ngunit oras na lumagpas sa edad na iyon ang isang babae at nananatiling hindi nagigising ang kapangyarihan, malinaw na hindi siya ang napili ni Inang Kalikasan na pahiramin ng kapangyarihan nito. Sa pagdating ng isang babae sa pamilya nila sa edad na labing-anim at walang anumang kapangyarihang lumitaw sa kanya, isang normal na buhay ang kanyang tatahakin. Hindi malalagay sa kanya ang responsibilidad sa kaligtasan ng mga isla sa karagatang ito.

    Ang buhay na naghihintay kay Damelan sa paggising ng kapangyarihan sa kanyang katawan ay bilang tagapagtanggol ng mga tribu sa isla.

    Sa tingin mo, Damelan, babalikan ka talaga ni Miguel? usisa ng pitong taong gulang na kapatid niyang si Antara. Kasalukuyan silang sakay ng maliit na bangka at sumasagwan patungo sa isla ng Dara.

    Manganganak na si Kelaha, ang asawa ni Galermo na siyang panganay na anak ni Datu Gusong. Ayon sa tradisyon, si Galermo ang susunod na datu ng isla ng Dara sa pagpanaw ni Datu Gusong. Bago sila nagtungo sa isla, nagkaroon ng pangitain ang kanilang Inay Melona. Kambal ang magiging anak ni Kelaha kaya’t hindi maaaring isang normal na hilot lamang ang tutulong dito sa panganganak. Dapat ay si Inay Melona ang magpapaanak kay Kelaha, ngunit ilang araw nang may sakit ito at nahihirapang bumangon.

    Hindi ito ang unang beses na tumulong si Damelan sa pagpapaanak. Pero ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ito nang mag-isa. Sa kabila noon, hindi siya kinakabahan. Nasisigurado niyang matutulungan niya si Kelaha na madala sa mundong ito ang mga anak nito.

    Saglit niyang nilingon ang kapatid. Tulad ng mga kababaihan sa isla ng Mair, labis ding nabighani ito sa mga lalaking banyaga. Sa kabila ng pagiging maputla kasi ng mga balat ng mga banyaga, magagandang lalaki ang mga ito. At labis na nagbigay rin ng pang-akit ang mga bughaw na mata ng mga ito. Hindi siya magtataka kung pagkaraan ng siyam na buwan ay ilan sa mga kababaihan nila ang magsisilang ng mga sanggol na kahawig ng mga banyaga.

    Hindi ko alam, Antara. Ngunit kung sakali mang magbalik siya, tiyak na matagal pa iyon. Magkakaroon ka ng sapat na panahon para maging isang ganap na dalaga. Sa pagbabalik ni Miguel, nasisigurado kong mapapansin ka na niya, panunukso niya.

    Namula ang pisngi ng kapatid.

    Ikaw ang babalikan niya. Hindi ba’t sinabi niya na mahal ka niya? Ibinigay pa niya sa iyo ang kuwintas na suot mo.

    Kung gusto mo ang kuwintas na ito, ibibigay ko sa iyo.

    Umingos ito.

    Ayoko nga niyan. Ang gusto ko ay ‘yung siya mismo ang magbibigay sa akin!

    Natawa si Damelan. Masyadong halata ang pagkakagusto ng kapatid sa binatilyong banyaga.

    Pagbabalik niya ay siguraduhin mong ikaw na ang mapapansin niya.

    Ayaw mo ba talaga sa kanya? paninigurado ng kapatid.

    Wala akong anumang nararamdaman para sa kanya. Isa pa, mas bagay kayong dalawa. At oras na magising na nang husto ang aking kapangyarihan, ang atensyon ko ay mauukol lamang sa ating mga kababayan. Wala akong panahon sa pag-ibig.

    Mali na gamitin mong dahilan ang pagdating ng iyong kapangyarihan sa pag-iwas sa pag-aasawa. Kita mo naman si Inay, sa kabila ng tungkulin niya sa lahat, nagawa pa rin niyang mag-asawa at magkaroon ng dalawang anak.

    Dahil natagpuan niya si Itay Robago. Bata pa sila ay batid na niyang sila ni Itay ang magkakatuluyan. Ako? Hindi ko makita sa anumang pangitain ang sinumang lalaki na karapat-dapat kong pakasalan. At dahil nandiyan ka naman, ikaw na ang magpapatuloy sa pagdami ng ating lahi. Nasisiguro kong higit pa sa dalawa ang maibibigay mong anak sa sinumang lalaki na pipiliin mo.

    Kahit si Miguel?

    Gusto man niyang pigilan ang damdamin ng kapatid sa banyagang lalaki ay hindi niya ginawa. Bata pa ito at ang anumang damdamin nito kay Miguel ay mababaling sa iba lalo pa’t walang katiyakan ang muling pagbabalik ng huli.

    Kahit na sinong lalaki ang magustuhan mo, Antara, ay mahihirapang makatanggi sa iyo, paninigurado niya.

    Napuno ng kasiyahan ang mukha ng kapatid. Ipinagpatuloy ni Damelan ang pagsagwan. Malapit na sila sa isla ng Dara. Tanaw na niya si Galermo, ang asawa ni Kelaha, sa pampang na hinihintay sila. Lumusong ito sa tubig para salubungin ang kanilang bangka.

    Batid ng lahat na siya ang papalit kay Inay Melona. Na siya ang susunod na Inama. Kaya’t kahit saan siya magtungo sa mga isla ay magalang at masaya siyang tinatanggap. Pinapaniwalaan ng marami na nagdudulot ng magandang ani at huli sa dagat ang bawat pagdalaw ng isang Inama.

    Sigurado ka ba talagang hindi mo gusto si Miguel, Damelan? Ayokong agawan ka, paniniyak ni Antara.

    Hindi mo ako aagawan, Antara. Iyong-iyo siya kung babalik siya. Trinato ko lamang siya nang maayos dahil bisita natin sila sa isla.

    Batid ni Damelan na totoo ang pag-ibig na iniuukol ni Miguel sa kanya. Nakita at naramdaman niya iyon. Ngunit hindi niya iyon masusuklian. Hindi si Miguel ang lalaking magagawa siyang paibigin. Kung babalik man ito, agad niyang bibiguin ang pag-ibig nito para mabaling ang damdamin nito kay Antara.

    CHAPTER 2

    Malulusog ang dalawang sanggol na lalaki na isinilang ni Kelaha. At dahil mahilig sa mga kasiyahan ang mga taga-Dara, inabot ng pitong araw ang pagsasaya ng mga ito bilang pagsalubong sa mga apo ni Datu Gusong.

    Para rin masigurado ni Damelan ang ganap na pagkabawi ng lakas ng katawan ni Kelaha sa panganganak ay patuloy niya itong binantayan at inalagaan hanggang sa pagsapit ng bilog na buwan.

    Nang masigurado ni Damelan na maayos na ang kalagayan ni Kelaha at kaya na nito ang sarili at nananatiling malusog ang mga sanggol ay saka siya nagpasyang magbalik sa sariling isla nila ng Mair. Sa paglisan nila sa Isla Dara ay baon nila ang maraming pasalubong kay Inay Melona. Katakot-takot na handog ang ipinadala ni Galermo at Datu Gusong. Kahit ang ibang mga taga-Dara ay nagpadala rin ng kung ano-ano.

    Pagdaong nila sa pampang ng isla ng Mair ay napuno ng pagtataka sina Damelan at Antara. Isang nakabibinging katahimikan kasi ang sumalubong sa kanila. Dati-rati kapag nanggagaling sila mula sa ibang isla ay nagkakaingay ang lahat sa pagsalubong sa kanila. Nangunguna na rito ang mga batang laging naglalaro sa buhanginan. Pero ngayon, wala ni isa mang bata ang naglalaro sa dalampasigan.

    Maging ang mga mangingisda na laging abala sa pag-aayos ng kanilang mga bangka at lambat ay hindi nila makita.

    Nasaan sila? usisa ni Antara.

    Naramdaman ni Damelan ang panganib.

    Bumalik ka sa bangka, Antara! Huwag kang aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi! Mabilis niyang inilabas ang kanyang patalim na laging nakatali sa baywang niya. Hindi lamang nagsisilbing palamuti ang patalim na iyon, bata pa siya ay natutunan na niya kung paano gamitin iyon para ipagtanggol ang sarili sa anumang mababangis na hayop. Pero hindi hayop ang nagbibigay ng panganib sa isla ng Mair ngayon.

    Inilabas din ni Antara ang kanyang patalim ngunit sinunod nito ang kanyang utos.

    Maingat na naglakad si Damelan patungo sa mga kabahayan. Bagama't payapa at tahimik na namumuhay ang bawat tribu sa limang isla, bawat isa sa kanila ay sinasanay sa paggamit ng armas at pakikipaglaban mula pa pagkabata.

    May mga pagkakataon kasing may mga banyagang dumarating para nakawin ang kanilang mga pagkain at mga babae. Ito ay mga tribung nanggagaling sa malaking kalupaan na matatagpuan sa silangan. Malayo ang kalupaang iyon ngunit ang mga nakatira roong mga singkit at may dilaw na balat ay mababagsik. Paminsan-minsan din ay inaatake sila ng mga pirata.

    Pero dahil sa tibay ng loob at galing nila sa pakikipaglaban ay mukhang natuto na ng leksyon ang mga ito. Maraming taon nang walang nagtatangkang manggulo sa kanilang mga isla.

    Ang mga puting banyaga na kinabibilangan ni Miguel na dumating, sa kabila ng kakaiba at makapangyarihan nilang mga sandata, ay mararanasan din ang kanilang lakas at kakayahan sa pakikipaglaban kung tinangka ng mga itong guluhin sila at nakawin ang kanilang mga pag-aari. Nabuhay lamang ang mga ito dahil maayos ang naging pakikitungo ng mga ito sa kanila at nagpakita ng paggalang sa kanilang kultura at pamumuhay.

    Pinatunayan din ng mga puting banyaga na pangangalakal lamang ang tanging pakay at walang balak ang mga itong sakupin sila at alipinin.

    Humihip ang hangin. Napatakip si Damelan ng ilong! Amoy iyon ng nabubulok na karne! At nagmumula ang mga iyon sa mga kubol!

    Pinasok niya ang isang bahay. Doon nakatira ang pamilya nina Kintara. Nabigla siya sa kanyang nakita. Ang buong pamilya nina Kintara ay patay na! Bawat katawan ng mga ito ay puno ng sugat at mabibilog na butlig!

    Nang pasukin niya ang ibang bahay ay ganoon din ang mga eksenang tumambad sa kanya!

    Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Sumibad na siya ng takbo patungo sa kanilang sariling kubol. Umaasam siyang matatagpuan niyang buhay pa ang kanyang Inay Melona!

    Isang lalaking may suot na itim na balabal ang nakita niyang nakatayo sa harapan ng pintuan ng kubol nila.

    Natigilan siya. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang lalaki. Lumingon ito sa kanya. Tumutok sa kanya ang itim nitong mga mata. Una niyang nakita ang lalaki noong bata pa siya, nang mamatay ang Lola Sabela niya. Isang puting bagay rin ang lumabas sa katawan ni Lola Sabela at hinawakan iyon ng lalaking nakaitim at dinala sa kung saan!

    Nasaan si Inay Melona! malakas niyang sigaw sa lalaking nakaitim.

    Melona, tahimik nitong tawag sa ina niya, dumating na ang hinihintay mo.

    Mula sa kubol nila ay nakita niya ang kanyang Inay Melona na lumabas. Ngunit iba na ang itsura nito. Maputla ito. Maging ang tapis nito ay puting-puti!

    Malungkot ang naging ngiti ni Inay Melona nang lapitan siya. Ang kamay na humaplos sa pisngi niya ay hindi niya maramdaman. Tanging malamig na hangin lamang ang naramdaman niya sa kanyang pisngi.

    Inay Melona? Naiintindihan na ni Damelan ang nangyari. Patay na ang ina niya! Nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

    Nakiusap lamang ako kay Thanatos na payagan pa akong manatili sa mundong ito para makapagpaalam nang maayos sa iyo, Damelan. Gusto ko ring sabihin sa iyo ang mga dapat mong gawin para ang salot na nangyari sa islang ito ay hindi na kumalat sa ibang isla. Dapat mong iligtas sila sa salot na ito na dala ng mga puting banyaga!

    Sina Miguel ang may kagagawan ng lahat ng ito?! bulalas ni Damelan.

    Idinantay ni Inay Melona sa noo niya ang isa nitong daliri.

    Ito ang huli kong pangitain na nakita bago tuluyang sumuko ang aking katawang lupa sa salot na ito.

    Lumarawan sa isipan ni Damelan ang apoy. Katakot-takot na apoy ang nakikita niya sa bawat sulok ng isang madilim na siyudad. Isa iyong siyudad ng mga puting banyaga. At sa bawat apoy, naroroon ang mga bangkay ng tao na sinusunog. Ang mga taong patay ay taglay rin ang mga sugat sa balat at malalaking butlig na nakita niya sa kaniyang mga katribu!

    Isang batang lalaki ang karga-karga ng isang lalaki na tumatakas sa siyudad. Ang kislap sa dibdib ng batang lalaki ay agad na nakuha ang pansin ni Damelan. Suot nito ang isang kuwintas na may palamuting pilak. Iyon ang kuwintas na bigay ni Miguel sa kanya! Naging malinaw kay Damelan na ang bata ay walang iba kung hindi si Miguel!

    Nakaligtas si Miguel sa isang salot na naganap sa bayan nito. Ngunit ang salot ay nanatili sa katawan nito. Nang dumating ang binatilyo sa isla nila ay kumawala ang salot sa katawan nito at kumapit sa katawan ng bawat taga-isla! Isang malagim na kamatayan ang naghihintay ngayon sa bawat naninirahan sa mga isla!

    Tumiim ang bagang ni Damelan. Si Miguel Salcedo ang dahilan ng kamatayan ni Inay Melona at ang pagka-ubos ng kanilang buong tribu! At dahil sa dala nitong salot, lahat sila ay mamamatay!

    Damelan! malakas na tawag sa kanya ng boses ni Inay Melona.

    Nawala ang mga pangitain. Ngunit nanatili ang masidhing galit sa dibdib ni Damelan. Ang paghahangad niya ng paghihiganti. Tahimik siyang sumumpa na pagbabayarin si Miguel sa pagdadala nito ng salot sa kanilang tribu!

    Kailangan mong sunugin ang lahat ng patay sa tribu natin. Maging ang mga bahay rito para mapuksa ang salot na dala ng mga banyaga. Pero bago mo iyon gawin, sumisid ka sa dagat. Hanapin mo roon ang halamang sendawa. Kainin ninyo ito ni Antara para hindi kayo magkasakit. Papatayin ng dagta ng halamang ito ang anumang salot na kumapit sa katawan ninyo. Sabihin mo ito sa lahat ng mga pinuno ng ibang isla upang mailigtas nila ang kanilang tribu sa salot.

    Kung alam ninyo ang gamot sa salot, bakit hindi ninyo ginamit ito, Inay? tangis niya.

    Malungkot ang naging ngiti ng kaluluwa ng ina.

    Huli na nang matukoy ko ang tamang gamot para sa salot na ito. Wala nang sinuman na may sapat na lakas para sisirin ang halamang dagat. At ang ilang piraso ng sendawa na hawak ko ay hindi na rin makatutulong. Kailangan kasing kainin ang halaman bago pa man lumitaw ang mga butlig sa katawan. Hindi man nakaligtas ang tribu natin, makaliligtas ang mga nasa ibang isla.

    Napansin niya ang paglapit ng nakaitim na lalaki sa ina niya.

    Oras na para umalis tayo, Melona.

    Nanatiling nakatitig sa kanya ang mga mata ng ina.

    Ikaw na ngayon ang Inama, Damelan! Iligtas mo at protektahan ang mga tribu sa mga isla rito. Dalhin mo sa kanila ang halamang sendawa bago sumulpot ang salot sa kanilang mga isla. Huwag mo nang payagan pang maulit ang kamatayang nangyari sa tribu natin!

    Lumuluhang tumango siya. Sinundan niya ng tingin ang paglutang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1