Hindi biro ang pinagdaanang hirap ni John Regala nang isugod siya sa ospital nitong Martes, August 4.
Namimilipit sa sakit ang 55-anyos na aktor kaya kinailangan siyang dalhin sa emergency room (ER), ayon sa kanyang celebrity friends.
Pero noong una ay tinanggihan daw siya ng private and public hospitals dahil sa dami ng COVID-19 patients.
“Walang hospital ang gustong tumanggap sa kanya dahil puno lahat ang mga ERs ng hospitals (both government and private hospitals) ng Covid-19 patients at walang available rooms,” kuwento ng entertainment columnist at talent manager na si Aster Amoyo sa kanyang Facebook post, Martes ng gabi.
“I even asked for help from my doctor friends pero pati sila ay walang magawa.
“Napakahirap magkasakit sa panahong ito ng pandemya. Walang kasiguraduhan ang lahat.”
Sa huli, may tumulong sa kanila para ma-admit si John sa ER ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
NO MEDICATIONS
Sumunod na nag-update ang dating child actor na si Chuckie Dreyfus.
Ayon sa kanya, hindi mabigyan ng gamot ang aktor dahil sa mga kumplikasyon ng kanyang karamdaman.
Kabilang sa mga karamdaman ng character aktor ay liver cirrhosis at gout.
Mensahe ni Chuckie sa Facebook kagabi rin, “John is still suffering from a lot of pain due to his complications. Medication cannot be administered freely because of the severe deterioration of his liver and kidneys.
“We need to wait until all his test results have come out before doctors can determine their next steps. He will undergo a series of necessary tests and treatments which are urgently needed.”
MAKESHIFT ER
Nitong madaling-araw ng Miyerkules, August 5, si FDCP Chairperson Liza Diño naman ang nagbigay ng update.
Aniya, idiniretso si John sa isang makeshift ER dahil punuan na rin sa loob ng NKTI.
“We are waiting for him to be given a room. Let's hope na mabigyan sya agad ng kwarto dahil makeshift ER lang yung kinalalagyan nya ngayon."
Ipinost din Liza ang mga larawan na nagpapakitang inaasikaso si John ng mga medical personnel na nakasuot ng protective personal equipment (PPE).
Sa pagtatapos ng post ni Liza, sinabi nitong nakakuha na raw ng hospital room.
“As soon as cleared na sya from the swab test, pwede na syang malipat ng kwarto,” aniya.
JOHN'S HEALTH CONDITION
Sa ulat ni Aster sa Journal Online nitong Martes, ibinahagi niya ang diagnosis ni Dra. Melissa Sinchonco kay John.
Inamin ng doktor na “very bad” ang ilang karamdaman ng aktor.
Quoted ang doktora: “Visited John because he was complaining of excruciating pain.
“John’s recent blood chem results have come out and shows that his creatinine levels and liver functions are very bad.
“The swelling of his feet is also caused by his liver’s lack of function. He was brought to the hospital but later came out.
“He is scheduled for more laboratory tests, as well as ultrasound. In addition, John was also checked for COVID-19 in the hospital via rapid test to ensure his safety and of those caring for him.
“Currently, John is being monitored closely and being given the necessary medical care he desperately needs.We will continue to update everyone on John’s condition and hopeful improvement.”
Naging laman ng mga balita si John matapos i-post ni Carlo Clariza, isang Grab food delivery driver, ang mga larawan ng aktor sa Facebook noong July 27.
Humingi ng tulong si John sa Grab driver dahil nahihilo at nagugutom daw ang aktor.
Naisipan ng driver na i-post ang mga larawan ni John para matulungan ito, na noon ay hinahanap ang kakilalang nurse.
Matapos mabalitaan ang insidente, kumilos agad ang mga artistang kaibigan ng aktor para tulungan si John.
Kasama sa mga tumulong kay John sina Aster, Chuckie, Liza, at Nadia Montenegro.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika