PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lee Je-hoon gets more Filipino fans because of Taxi Driver

Lee Je-hoon, nakatrabaho nina Ejay Falcon at Lauren Young sa Where Stars Land.
by Jojo Gabinete
Published Jan 26, 2022
lee je-hoon pep
South Korean actor Lee Je-hoon stars in two hit Netflix series: Taxi Driver (left) and Move To Heaven (right).

Ang Taxi Driver at Move To Heaven ang dalawa sa mga Korean drama series na kasali sa listahan ng 11 Best K-Dramas of 2021 ng Teen Vogue.

Pareho itong pinagbibidahan ng Korean actor na si Lee Je-hoon.

Umere ang Taxi Driver sa SBS TV Korea mula April 2021 hanggang May 29, 2021.

Nagsimula namang mapanood sa Netflix ang Move To Heaven noong May 14, 2021.

Buhat nang ipalabas sa Netflix ang Taxi Driver, hindi ito nawawala sa listahan ng Top 10 most popular shows sa Netflix Philippines. Nagustuhan ng mga Pilipino ang kuwento at mga eksena ng sikat na Korean action drama series.

Malaki rin ang kinalaman ng Taxi Driver kaya nadagdagan ang Filipino fans ni Lee Je-hoon dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Taxi Driver at Move To Heaven.

Nakilala nang husto ng mga Pilipino si Lee Je-hoon dahil sa mga nabanggit na show niyang napapanood sa Netflix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EJAY AND LAUREN

Pero personal siyang kilala ng Filipino stars na sina Ejay Falcon at Lauren Young.

Si Lee Je-hoon ang lead actor ng Where Stars Land, ang South Korean drama series na napanood din sa SBS TV mula October 1, 2018 hanggang November 26, 2018.

Nakatrabaho ni Lee Je-hoon sina Ejay at Lauren nang magkaroon ng special participation ang dalawang Pinoy actors sa Episode 7 at Episode 8 ng Where Stars Land.

lauren ejay where stars land

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpunta sina Ejay at Lauren sa South Korea noong September 14, 2018 para sa guesting sa Where Stars Land. Mag-asawa ang mga karakter na ginampanan nina Ejay at Lauren, na kapwa isang linggo na nanatili sa Seoul para sa taping ng drama series na tinatampukan ni Lee Je-hoon.

Read: Ejay Falcon, Lauren Young get praised for dramatic scenes in Korean show Where Stars Land

Pinuri ni Ejay ang mabilis, maayos na sistema, at malapelikulang kalidad ng taping nila ni Lauren para sa Where Stars Land.

Sa isang interbyu, sinabi ni Ejay na niyakap siya ni Lee Je-hoon at pinuri nito ang kanyang acting ability nang matapos kunan ang kanilang mga eksena.

lauren young ejay falcon lee je-hoon

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang direktor ng Where Stars Land ay si Shin Woo-chul, na siya ring nagdirek ng Lovers In Paris (2004).

Ang Lovers in Paris ang isa sa mga K-drama series na sinubaybayan ng mga Pilipino.

Ayon kay Ejay, gulat na gulat si Shin Woo-chul nang ikuwento niya ang popularidad ng naturang programa sa mga Pilipino.

Ipinalabas sa GMA News TV ang Where Stars Land noong December 2020, pero hindi ito masyadong napag-usapan dahil nakatutok noon ang atensiyon ng karamihan sa mga nangyayari sa unang taon ng coronavirus pandemic.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean actor Lee Je-hoon stars in two hit Netflix series: Taxi Driver (left) and Move To Heaven (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results