PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Do's and don’ts sa paggamit ng bagong PHP1,000 polymer banknote

Naglabas ng guidelines ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
by KC Cordero
Published Jul 12, 2022
The new PHP1,000 polymer banknote.
Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng mga panuntunan sa tamang paggamit ng bagong PHP1,000 polymer banknote.

Hindi na nga ba tatanggapin ang bagong PHP1,000 polymer banknote kapag tinupi?

Nag-ugat ang katanungan matapos mag-post ang isang netizen sa social media na hindi tinanggap sa isang mall ang ibinabayad niyang PHP1,000 polymer banknote na may tupi.

Wala na ngayon ang original post ng netizen.

Pinabulaanan na rin ng binanggit nitong mall, ang SM Supermalls, na naglabas rin ng official statement kahapon, July 12, 2022.

Samut-sari naman ang mga katanungan ng netizens, na karamihan ay nagsabi na kung ganito pala kaselan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa tamang paggamit ng publiko sa bagong PHP1,000, hindi na dapat nag-imprenta ng ganitong klase.

Inilabas ang PHP1,000 polymer banknotes nitong April 2022.

Yari kasi ito sa plastic, at ayon sa BSP ay mas matibay kaysa paper banknotes.

Yun nga lang, ang impression ng public ay masyadong mabusisi ang pangangalaga at paggamit nito kung pagbabasehan ang guidelines na inilabas ng BSP.

Narito ang wastong paraan ng paggamit sa PHP1,000 polymer banknotes:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
  1. Kailangan manatili itong flat. Ilagay ang polymer banknotes sa wallet na eksakto sa sukat ng pera para hindi matupi o malukot.
  2. Panatilihing malinis. Linisin ang maruming PHP1,000 polymer banknotes sa pamamagitan ng basang tela. Ang ibabaw nito ay maaari ring linisin gamit ang alcohol-based sanitizers, pero kailangang punasan kaagad ng tuyong tela.
  3. Gamitin ang PHP1,000 polymer banknotes sa pagbili ng mga kailangan at sa pagbabayad ng bills o serbisyo. Huwag itatago. Bawal ding ibenta ito sa mas mataas na halaga.

Naririto naman ang mga hindi dapat gawin sa PHP1,000 polymer banknotes:

  1. Huwag pupunitin, susulatan, o mamarkahan.
  2. Huwag sosobrahan ang pagtutupi o paglukot dahil hindi na matatanggal ang magiging bakat ng pinagtupian.
  3. Huwag pupunitin, puputulin, o lalagyan ng butas.
  4. Huwag gagamitan ng stapler o rubber bands kapag pagsasama-samahin, at sa hallip ay gumamit ng paper bands.
  5. Huwag sisirain ang clear windows, metallic features, at iba pang security features.
  6. Huwag paplantsahin.
  7. Huwag hahayaang madarang sa init o ilalapit sa apoy.
  8. Huwag hahayaang mabasa ng matatapang na kemikal gaya ng muriatic acid o bleach.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa Presidential Decree No. 247, labag sa batas ang anumang pagsira sa mga perang papel at barya na inilalabas ng BSP.

Ang sinumang mapapatunayang lumabag sa PD 247 ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo na hindi lalampas ng limang taon at multang PHP20,000.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng mga panuntunan sa tamang paggamit ng bagong PHP1,000 polymer banknote.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results