JERRY OLEA
Nitong Marso 19, Biyernes, ay nagpalabas ng advisory ang NET 25 na replay muna ang entertainment shows nila na Happy Time, Eat’s Singing Time, at Kesayasaya mula Marso 20 hanggang 27.
Nitong Marso 21, Linggo ng 5:10 p.m., naglabas ang ABS-CBN ng official statement kaugnay sa It's Showtime:
“To ensure the safety of our hosts and production team because of the surging COVID-19 cases in the country, ABS-CBN is suspending temporarily the live staging of ‘It’s Showtime.’
“Thank you for your support and understanding.”
Ang Facebook post ng Brightlight Productions nitong Linggo ng 5:00 p.m.:
“Sasabayan ng mga hirit ang init ng tanghali! Puno nanaman ng surprises ang araw-araw kasama ang tropang LOL!
“LUNCH OUT LOUD! 12NN sa TV5!”
Dahil sa pag-surge ng COVID-19 nitong mga nakaraang araw, isinailalim ni Pangulong Duterte sa GCQ na may karagdagang restrictions ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan na Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal mula Marso 22, Lunes hanggang Abril 4, Easter Sunday.
NOEL FERRER
Meron ding mga produksiyong nag-urong na ng taping skeds tulad ng Dreamscape at CleverMinds series na The Boy Foretold By The Stars, at iba pang iniisip mag-resume na lang after Holy Week.
Delikado kasi ang nangyayaring pagkalat ng COVID virus.
Kakatapos lang ng presscon ng may COVID ding SI Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sinabi niyang hindi naman daw ipinagbabawal ang taping pero maaapektuhan dito ang mga biyahe papunta sa provincial location simula bukas. At dapat daw, observe talaga strict protocols.
GORGY RULA
Tuloy namang live ang Eat Bulaga! at may mga episodes na nai-tape na.
Hindi naman sila magla-live dahil taun-taong may Lenten special tuwing Holy Week.