Ulat Sa Pagsalaysay Sa Report Card
Ulat Sa Pagsalaysay Sa Report Card
Ulat Sa Pagsalaysay Sa Report Card
POSITIVE COMMENTS 1. Nagpamalas ng maganda at kasiya-siyang panimula. Ipagpatuloy kung hindi man mapaunlad pa ito. 2. Masiglang nakikibahagi at nakikilahok sa mga pagtalakayan sa klase. 3. Kasiya-siya ang pinakitang pag-unlad sa pag-aaral. 4. Kapuri-puri ang pinamalas na kahusayan / kakayahan sa asignatura. 5. Nagpamalas ng pagpupunyagi upang mapaunlad ang kakayahan. 6. Mainam ang pag-unlad niya sa aralin. 7. Masigasig sa paggawa at pagtulong sa mga Gawain sa silid-aralan at paaralan. 8. Ipagpatuloy ang pagiging laging handa sa mga takdang aralin sa araw-araw. 9. May magandang gawi sa pag-aaral kung kayat laging handa sa mga talakayan sa klase. 10. Laging nagpupunyaging paunlarin ang kakayahan. Panatilihin ito. 11. Kalugod-lugod and pinamalas na ugali at disiplina sa paaralan. 12. Mahusay at marunong makibagay sa kapwa-bata sa loob at labas ng silid aralan. 13. Ipagpatuloy ang pagsasanay sa mga aralin sa pagbasa, sa pagsulat at kahit na sa bahay. 14. May sariling kusa sa paggawa sa mga gawain sa paaralan. 15. Ipagpatuloy ang ipinamalas na kasiglahan sa paaralan. 16. Kapansin-pansin ang angking kakayahan sa pamumuno. 17. Mapapagkatiwalaan sa mga inaatas na gawaing pampaaralan. 18. May angking interes at tiyaga sa pag-aaral, ipagpatuloy ito. 19. Kinapansinan ng angking talino sa larangan ng __________. ENDING COMMENTS 1. Isang malugod na pagbati sa magandang ugaling ipinamalas sa buong taon ng pag-aaral. 2. Pag-ibayuhin ang pagpupunyagi sa pag-aaral sa susunod na baitang. 3. Sikaping higit na maihanda ang sarili sa lalong mabigat na gawain sa pag-aaral sa susunod na baitang. COMMENTS THAT CALL FOR IMPROVEMENTS 1. Higit na mapapaunlad o mapapataas ang mga marka kung iiwasan ang mga di makabuluhang pakikipag-usap sa katabi sa oras ng klase. 2. Sikaping bigyan ng higit na pagpapahala ang pag-aaral. 3. Magkaroon ng higit na pagnanais na mapaunlad ang mga marka. 4. Bigyan ng higit na pansin at pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga asignaturang may mababang marka. 5. Iwasan ang mga bagay na nakakahadlang sa mabuting pag-aaral/ pagkatuto. 6. Sikaping makibahagi sa mga talakayan sa klase sa tuwi-tuwina. 7. Ugaliing making sa guro habang ngtuturo sa klase. 8. Pag-ukulan ng higit na pansin ang mga gawaing pagbabasa at pagsusulat. 9. Pagtuunan ng higit na pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga bilang matimatika. 10. Magkaroon ng wastong paraan / pamamaraan sa pag-aaral upang umunlad. 11. Iwasan ang mga bagay na nakakahadlang / sagabal sa ika-uunawa ng mga aralin. 12. Sikaping mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa lalo sa wikang ingles. 13. Ugaliing laging maging handa sa mga takdang aralin araw-araw. 14. Dagdagan ng higit na interes at pagpapahalaga ang mga gawaing nauukol sa asignaturang kinahihirapan. 15. Pag-ukullan ng wastong pansin ang mga araling kinahihirapan. 16. Sikaping higit na mapaunlad at mapataas ang mga marka. 17. Sikaping maihanda ang mga gawaing bahay o takdang aralin sa pagsisimula ng klase. 18. Iwasan ang pagiging malilibangin sa oras ng klase. 19. Sikaping makilahot sa mga gawaing pampaaralan. 20. Magkaroon ng kanais-nais na gawi sa pag-aaral upang umunlad ang mga marka. 21. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang mga gawain sa pag-aaral. 22. Nangangailangan ng higit na pagsubaybay sa pag-aaral.