ANg Klima NG Pilipinas
ANg Klima NG Pilipinas
ANg Klima NG Pilipinas
Ang Klima
Ang klima ay ang kabubuang kalagayan ng panahon na tumatagal sa isang bansa. May kinalaman sa klima ang uri ng ating kasuotan at mga bahay na itinayo natin. Ang dalawang uri ng klima sa bansa ay ang tag-araw at tag-ulan.
Ang Panahon
Ang panahon ay ang kalagayan ng papawirin at kalagayan ng hangin sa alinmang lugar sa bansa sa maikling panahon
Ang Temperatura
Ito ang nagsasabi kung gaano kainit o kalamig ang isang lugar.
4 na Uri ng Klima
Unang Uri ng Klima Tuyo Ikalawang Uri ng Klima Ikatlong Uri ng Klima Ikaapat na Uri ng Klima Walang panahong tuyo Hindi tiyak ang panahon Halos pantay ng distribusyon ng ulan
Unang uri- Luzon, Negros, Palawan, Minadanao at Mindoro. Ikalawang uri- Catanduanes, Albay, Camarines Norte, Samar, Leyte, Quezon, Sorsogon, Camarines Sur, at Silangang Mindanao. Ikatlong uri- Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Silangang Lalawigang Bulubundukin, Masbate, Romblon, Timog Quezon, Palawan, Cebu, Negros, at Hilagang Mindanao. Ikaapat na uri- Batanes,Mindoro, Bohol, Marinduque, Kanlurang bahagi ng Camarines Sur, Albay at sa ilang bahagi ng Mindanao
3 Uri ng Hangin
Ang hangin ng Pilipinas ay nagmumula sa ibat ibang direksyon at pabagu-bago. May tatlong uri ng hangin sa bansa. Ang hanging balaklaot o hanging hilaga (tradewinds) ay nanggagaling sa hilagang kanluran ng bansa. Ang hanging habagat ay nagmumula sa timog-kanluran. Ang hanging amihan o sabalas ay nagmumula sa hilagang-silangan. Ang tatlong uri ng hangin a bansa ay may epekto sa temperatura, distribusyon ng ulan at kahalumigmigan ng isang lugar
Ang PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration) ay nagpapalabas ng apat na uri ng babala kapag panahon ng bagyo. Ipinalabas din ng PAG-ASA ang bagong paraan ng pagbibigaybabala sa bagyo na tinatawag nilang Modified Public Storm Warning System (MPSWS).
Kalagayang Meteorolohikal Ang lugar ay maaapektuhan ng bagyo na may hanging umiihip ng 30 hanggang 60 kph sa loob ng 36 na oras.May manakanakang pag-ulan. Lakas ng Hangin Ang maliliit na puno ay mababali ang mga sanga. Ang mga bahay na yari sa hindi matibay na materyales ay ililipad ng hangin.Hindi gaano ang pinsalang mararanasan. Pinapayuhan ang mga tao na subaybayan ang taya ng panahon sa loob ng anim na oras.
Kalagayang Meteorolohikal Maapektuhan ng napakalakas na bagyo ang lugar. Makararanas ng napakalakas na hangin mula 185 kph. At higit pa sa loob ng 12 oras. Lakas ng hangin Malaki ang kapinsalaang hatid sa mga pananim. Mabubunot ang mga ugat ng maraming puno at babagsak ang mga ito. Ang mga gusali at mga bahay na yari sa ibat ibang materyales ay masisira. Higit na malaking pinsala ang hatid sa mga lugar na apektado.
Nagkakaroon ng pagbaha kung tagulan, nagkakabuhul-buhol ang trapiko at nasususpinde ang mga klase dahil sa pagbaha lalo na sa mga pook urban at sa Kamaynilaan. Madalas din ang bagyo tuwing tagulan na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pananim at bahay. Ang mga tao ay hindi nakapagtatrabaho at hindi nakalalabas ng bahay.
Sa panahon naman ng tag-araw ay lubhang maalinsangan at napakainit ng paligid. Kadalasan ding nagkakaroon ng kakulangan sa tubig. Ang mga magsasaka ay hindi makapagtanim dahil nagkakaroon ng sobrang pagkatuyo ng mga lupang sakahan. Ang mga pananim ay namamatay. Nararanasan din ang madalas na sunog ng mga kabahayan at mga kagubatan tuwing tag-araw.