100% found this document useful (3 votes)
2K views

Parabula

Ang dokumento ay tungkol sa parabula at nagbibigay ng mga halimbawa nito tulad ng Mabuting Samaritano, Alibughang Anak at Nawalang Tupa. Ito ay maikling kuwentong may aral na karaniwang nanggaling sa Bibliya at nagpapakita ng moral o relihiyosong leksyon. Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang ipaliwanag ang kahulugan nito.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (3 votes)
2K views

Parabula

Ang dokumento ay tungkol sa parabula at nagbibigay ng mga halimbawa nito tulad ng Mabuting Samaritano, Alibughang Anak at Nawalang Tupa. Ito ay maikling kuwentong may aral na karaniwang nanggaling sa Bibliya at nagpapakita ng moral o relihiyosong leksyon. Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang ipaliwanag ang kahulugan nito.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 2

Rosales, Alexa Trixi L.

June 19, 2014


IV Year Goethe

Filipino IV

Ano ang Parabula?
Ang Parabula o Talinhaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa
na malimit nangangaral at nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Ito ay nanggaling sa salitang Ingles na parable na nanggaling naman sa salitang Griyego
na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o
nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging
gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili at magdesisyon.
Taliwas sa pabula, ang Parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman,
bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian
nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang
bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong
sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos. Ito ay
gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng din ang kahulugan. Madalas itong
hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang tanging
binibigyang diin ay ang aral ng kuwento.

Halimbawa ng mga Popular na Parabula:
Ang Mabuting Samaritano (Lukas 10:30-35)
May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga
tulisan, kinuha pati ang damit sa kanyang katawan, binugbog, at iniwang halos patay na.
Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay,
lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang
makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Ngunit may
isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siyay naawa.
Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, ang
lalaki ay isinakay ng Samaritano sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang
maalagaan doon. Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang may-ari ng bahay-
panuluyan, at sinabi, Heto, alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos,
babayaran ko sa aking pagbalik.
Ang Alibughang Anak (Lukas 15:11-3)
Ang isang mayamang amay may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng batang anak
ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha na nang
bunso ang kanyang mana ay tumungo sa malayong bayan at nilustay ang kabuhayang
ipinagkaloob ng ama. Naubos na lahat ang kanyang salapi. Namumulubi siya at nang wala nang
makain ay inisip nang bumalik sa dating tahanan upang makain man lamang niya ang kinakain
ng aIiIa ng kanyang ama. Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama, sinalubong ng yakap at
halik ang bumalik na anak. Inutusan ang isang aIiIa na bigyan ang anak ng pinakamagarang
kasuotan, ipinasuot sa daliri ang isang mamahaling singsing at ipinagpatay ng isang matabang
baka.
Namangha ang matandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Nang malaman
niya ang sanhi ng kasayahan ay nagalit nang gayon na lamang at sinumbatan ang ama. "Akong
masunurin ninyong anak na buong karapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo naipagpatay
kahit isang guya man lamang. Nganyong dumating ang alibughang anak ninyo ay gugugol kayo
nang malaki at magdiriwang. Sumagot nang marahan ang ama. "Anak ko, ikaw ang lagi kong
kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo. Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong
namatay ay muling nabuhay, nakita nating muli ang nawala.

Ang Nawalang Tupa (Lukas 15:1-7)
Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay Hesus
upang making. Nagbubulungan naman ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan. Sabi
nila, ang taong ito ay nakikisama sa mga makasalanan at nakikisalo sa mga ito. Dahil dito
sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito: Kung ang sinuman sa inyo ay may isangdaang
tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba iiwanan niya ang siyamnaput siyam sa
pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito ay matagpuan? 5Kapag nakita na niya ang
tupa ay Masaya niya itong papasanin. Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga
kaibigan at mga kapitbahay, at sasabihin sa kanila, Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na
ang tupang kong nawawala! Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan dahil sa
isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnaput siyam na matuwid na di
nangangailangang magsisi.

You might also like