PABULA
PABULA
Ang Pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na
kumikilos at nag-aasal na parang tao. Ito ay nagbibigay ng moral na aral sa mga
batang mambabasa. Patuk na patok sa mga bata ang ganitong uri ng kwento sapagkat
napupukaw ang kanilang atensyon sa mga karakter na bumubuo sa istorya.
Noong unang panahon ginamit na tauhan ang mga hayop upang makaiwas sa
pagkakaroon ng alitan ng mga tao nang dahil sa maling akala na ang kanilang lahi o lipi
ang tinatalakay o pinupuna sa kwento.
Ito ay kadalasang naglalaman ng mga aral tungkol sa kabutihang asal ng isang tao na
madalas na ding gamitin sa panahon ngayon upang turuan hindi lang ang mga bata
kundi pati ang mga matatanda.
*Limang Halimbawa ng Pabula*
Ang Daga at ang Leon
Isang magandang araw ang bumungad sa masiyahing daga. Nasa kalagitnaan siya ng
pamamasyal at paglalaro nang makita niyang himbing na natutulog ang isang malaking
leon. Natuwa siya sa malawak na likuran nito na animoy isang malaking padausdusan
kayat naisip niyang umakyat doon at magpadausdos paibaba. Hindi niya naman
namalayan na nagising ang natutulog na Leon. Sa pagkagising ng Leon ay agad niyang
dinakma sa buntot ang kawawang daga at umaktong isusubo ito, nang malapit na sa
bibig ng Leon ay nagsalita ang Daga at humingi ng paumanhin.
Kaibigang Leon, ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan, hindi ko sinasadyang
gisingin ka sa gitna ng iyong pagtulog, labis lang akong natuwa kung kayat naisipan
kong maglaro sa iyong likuran. Naway patawarin mo ako at hayaan akong mabuhay
pa. Huwag mo kong kainin sapagkat akoy malansa at hindi ka mabubusog sa
kakarampot kong katawan. Anang Daga.
Naawa naman ang Leon sa Daga kung kayat pinakawalan niya ito.
Sa susunod ay wag mo nang gagambalain ang pagtulog ko. Makakalaya ka na. Sabi
ng Leon.
Salamat Kaibigan, baling araw ay masusuklian ko din ang kabutihang loob mo. Sabi
ng daga.
Ang isang maliit na dagang gaya mo? Ano naman kayang pabor ang magagawa mo
para sa isang malakig hayop na gaya ko. Nagpapatawa ka Kaibigan.
Balang araw Kaibigan, matutulungan din kita. Hanggang sa muli, Paalam!
Lumipas ang mga araw na masayang namumuhay ang Daga hanggang sa minsan
sumagi sa isip niya kung kamusta na kaya ang kalagayan ng kaibigan niyang Leon.
Naisipan niyang dalawin ang Leon sa tahanan nito pero laking gulat niya nang makitang
nasa loob ng lambat na nakasabit sa isang puno ang malaking Leon. Agad agad
namang nginatngat ng Daga ang lubid na lambat at matapos ang ilang minuto ay
naputol ang lubid at nakawala ang Leon.
Maraming Salamat Kaibigang Daga. Minaliit ko ang kakayahan mo, di ko inakala na
ikaw pa ang makapagliligtas sa akin. Utang ko sayo ang aking kalayaan at ang aking
buhay. Maraming Salamat Kaibigan!
Walang anuman Kaibigan, hindi bat sinabi ko sayo? Matutulungan din kita baling
araw. Maliit man ako, maabilidad naman ako!
Aral: Huwag maliitin ang kakayahan ng isang tao batay sa kanyang anyo o laki, maliit
ka man hindi ibig sabihin nito na limitado lang ang maari mong gawin.
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa
lupa. Agad niya itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang
nakatusok sa lupa. Dali-dali niya itong hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang
naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig. Sa kanyang paglalakad ay napadaan
siya sa isang tulay upang makauwi ng mas mabilis, sa ilalim ng tulay ay ang ilog,
habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at nagulat siya sa repleksyong
nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang kanyang nakita, sa
pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito ng tinahulan, upang itoy matakot at
ibigay sa kanya ang buto. Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag pa
siya sa ilog. Umuwi siyang basang-basa at ang buto namang dapat ay dala niya ay
naanod sa ilog.
Aral: Huwag maging ganid bagkus ay makuntento ka sa kung anong meron ka.
Ang Madaldal na Pagong
Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita ang magkakaibigan sa sapa,
Sina Inang gansa, Amang gansa at Madaldal na pagong. Silay nagkwentuhan ng kung
anu-anong bagay hanggang sa magpaalam ang dalawang gansa na silay uuwi na.
Naisipan ng Pagong na nais niyang sumama sa tahanan ng mga gansa. Bakit hindi
ninyo ako isama sa inyong tahanan? Nais kong sumama!
Ngunit wala kang pakpak Pagong. Paano ka makakalipad papunta sa aming tahanan?
sabi ni Inang Gansa.
Nag-isip ang tatlo ng paraan kung paano makakasama si Madaldal na Pagong.
Alam ko na! sabi ni Amang Pagong. Kukuha tayo ng kahoy na maari nating kagating
tatlo. Kakagatin namin ni Inang gansa ang magkabilang dulo at ikaw ay kakagat sa
bandang gitna at sabay kaming lilipad. Sa ganoong paraan ay makapupunta ka sa
aming tahanan. Ngunit lagi mong tatandaan, huwag na huwag kang magsasalita kundi
ikay mahuhulog sa lupa.
Pangako, tatandaan ko! anang Pagong.
Napangiti si Pagong sa ideya at dali-daling humanap ng kahoy. Maya-maya pa ay
lumipad na ang dalawang gansa bitbit ang madaldal na Pagong.
Labis na natuwa ang Pagong dahil sa bagong tanawin na kanyang nakikita.. Maya-maya
ay nagtumpukan ang mga bata sa ibaba at sinisigaw ang kanilang pagkamangha sa
nakikita.
Ang galing ng Pagong! Siyay lumilipad! Ang galing! sigaw ng mga bata.
Labis na natuwa ang Pagong at naisipan niyang magyabang sa mga bata.
Ako ang Dakilang Pago
Hindi na naituloy ng pagong ang kanyang sasabihin dahil nahulog siya mula sa
pagkakakagat sa kahoy. Lumagpak siya sa lupa at sising-sisi,dahil sa pagmamayabang
ay nahulog siya at di nakasama sa mag-asawang gansa.
Aral: Ang Pangako ay dapat tinutupad. Kahit na anong tagumpay mo, kung paiiralin
mo ang kayabangan ay wala kang mararating.
Ang Agila at Ang Maya
Isang araw ay nakasalubong ni Maya ang mayabang na Agila habang ipinagmamalaki
nito ang bilis di umano nito sa paglipad, dahil nayabangan si Maya, naisip niyang
yayaing makipagdwelo sa Agila.
Makulimlim ang kalangitan at tiyak niyang uulan mamaya-maya kung kayat nakaisip ng
magandang ideya ang Maya. Agila, akin kitang hinahamon sa pabilisang lumipad.
Niloloko mo ba munting Maya? Ako? Ang Agila? Ay hinahamon sa isang dwelo? anang
Agila na sinundan ng mapanglait na tawa.
Oo, magaling na Agila. Tama ka. Hinahamon kita. Paunahang makarating sa bundok
na iyon! Ngunit lilipad tayong may bitbit, mamili ka, asin o bulak?
May bitbit? Napaisip ang Agila, kung ang bulak ang dadalhin niya ay tiyak na
mananalo siya dahil itoy magaan hindi gaya ng asin na ubod ng bigat. Akin ang
bulak!bulalas ng Agila.
Lihim na napangiti ang Maya sa desisyon ng Agila. Magaling, Bulak ang iyo, Asin ang
akin. Tayo nang mag-umpisa!
Sa pag-uumpisa ng karera ay talaga namang hirap na hirap ang munting Maya sa
paglipad lalo na at kay bigat nang dala niyang asin. Tuwang-tuwa naman ang Agila
dahil alam nyang siya na ang mananalo.
Ano ba naman kasi ang nasa isip ng Maya na iyon? Nagawa pa kong hamunin e alam
naman ng lahat na mabilis talaga akong lumipad. Kaawa-awang Maya. Ako na naman
ang mananalo!
Sa kalagitnaan ng karera ay nag-umpisa nang bumuhos ang ulan, sa pagpatak nito ay
siya namang tuwa ng Maya. Unti-unting gumaan ang dalahin ng Maya dahil unti-unting
natunaw ang Asin na dala-dala niya. Kabaligtaran naman nang kay Agila na mas
bumigat ang dalahing bulak dahil nabasa ito ng tubig. Dahil sa paggaan ng dala ni Maya
ay unti-unti siyang nakabawi sa karera at kalaunan ay nanguna sa dwelo. Lumong-lumo
ang Agila ng makarating sa bundok, mabigat man sa loob ay tinanggap niya ang
kanyang pagkatalo
Aral: Huwag maging mayabang sa ating kapwa bagkus ay maging mapagkumbaba.
Huwag mangmaliit ng kakayahan ng iyong kapwa.
Ang Alitaptap at ang Paru-paro
Isang araw habang naghahanap ng nectar ang Paru-paro ay may batang nanghuli sa
kanya at siyay pinaglaruan. Iniwan siya nitong nakabaligtad at panay ang kawag sa
lupa.
Sumigaw si Paru-paro upang humingi ng tulong, narinig siya ng kaibigang Langgam
ngunit dahil madami itong gawain ay iniwan siya nito. Makalipas ang ilang oras ay
dumating ang kaibigan niyang gagamba ngunit hindi rin siya nito tinulungan sapagkat
ayon dito ay aayusin pa nito ang bahay nito.
Malapit nang gumabi ngunit nanatili pa ding nakabaligtad ang Paru-paro. Pagod at
gutom ang nararamdaman nang Paru-paro. Pinanghihinaan siyang may mga kapwa
insekto pang makakita sa kanya lalo nat magdidilim na. Hanggang sa maya-maya ay
may naaninag siyang munting ilaw na papalapit sa kanya.
Anong nangyari sayo Paru-paro? tanong ng Alitaptap.
Ikaw pala Alitaptap, kaninang umaga ay nangunguha ako ng nectar ng may batang
lumapit at pinaglaruan ako.
Ganun ba? Hayaan mo at tutulungan kita. Sabi ng Alitaptap.
Maraming Salamat , Alitaptap.
Tinulungan nga ng Alitaptap ang Paru-paro at dahil doon ay nakalipad na ang Paru-paro
at umuwi sa kanyang tahanang bulaklak.
Aral: Sa oras ng kagipitan ay nakikilala natin kung sino ang ating mga tunay na
kaibigan.
Ipinasa ni:
Cedrick D. Panganiban
V Aries
Ipinasa kay:
T. Gemma