Pagpapalalim Sa Kuwentong Ang Ama

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ARALIN 1

Haligi ng Tahanan, Gabay sa kinabukasan


ANG AMA
(Kuwentong Singaporean)

I. Mga Layunin
A. Nakasusuri ng panitikan ng Singapore batay sa naisaling akda;
B. Nabibigyang- katangian ang ibat ibang uri ng maikling kuwento; at
C. Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa akdang tinalakay.

II. Halagang Pangkultura: Pagpapahalaga sa Panitikan ng Singapore

III. ALAMIN NATIN


Ang Panitikan ng Singapore ay binubuo ng mga
koleksyon ng pampanitikang akda ng mga
natatanging manunulat ng Singapore mula sa
apat na pangunahing wika ng bansa: Ingles,
Chinese, Malay, at Tamil.
Ang literatura ng Singapore ay maaring gamitan
ng lente bilang panitikang produkto o bunga ng
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa
kanilang lipunang ginagalawan kung saan
salamin ng kanilang malayang kultura ang
kadalasang nagiging paksa. Nagtangka ang mga
manunulat tulad nina Swie Hian at Kuo Pao na
sumulat sa ibang wika ngunit dahil sa kaalaman
at kahusayan nila sa kanilang wikang ginagamit
ay napanatili nila ang tibay at tatag ng kanilang
panitikan.

Pakilagay ng mga Taong


Singaporean na naglalakad sa gitna
ng kalsada ng Singapore

MAHALAGANG TANONG?
Bakit matibay ang kanilang paniniwala sa
kanilang paggamit ng wika sa kanilang
pagsusulat? Pag-aralan ang edukasyong pangwika sa Singapore.

Ngayong alam mo na ang panitikan ng Singapore, maaari mo ba itong ihambing


sa sarili nating panitikan? Paano mo masasabing may pagkakatulad ang panitikang

Pilipino sa Panitikang Singaporean? Tuklasin natin ang konsepto ng Maikling Kuwento


bago basahin ang maikling kuwento ng Singapore.
Ang Maikling Kuwento ay sangay ng panitikan na unang nakilala bilang mga
pabula, parabula, mito, kuwentong-bayan, at alamat ng ating mga ninuno. Ayon sa U.P
Diksyonaryong Filipino (2001), ang kuwento buhat sa salitang kastila na cuento ay
anumang salaysay, nakalimbag man o hindi.
Ang Maikling kuwento, bukod sa pagiging uri ng katha, ay umiinog sa iisang
tema, tinatalakay ang piling mga tauhan, at bihira ang kilos o aksiyon.Isa ito sa
pinakamatanda at pinakamaunlad na anyong pampanitikan, ayon sa pagtaya ng mga
kritiko at historyador (Dalisay, 2006).
Uri ng Maikling Kuwento Batay sa Pamamaraan ng Pagsulat

(1) Kuwento ng Katutubong Kulay- na tinatalakay ang tagpo, kultura, at paniniwala ng


isang lunan o pook na nagpapakita ng mga eksenang agrikultural kung kaya ang
matamang obserbasyon at pananaliksik sa isang lugar ay kailangang-kailangan. (2)
Kuwentong Makabanghay- na kilala ring plot-oriented na katha, na nilikha batay sa
mga kilos, sa mga aksyon at mga reaksyon ng bawat tauhan at sa magiging epekto nito
sa ugnayan ng mga tauhan. (3) Kuwentong Pangkaisipan- isang uri ng pilosopikal na
akda, higit na pinalalawig ang konsepto at pinatatalim ang pagkamatulain ng teskto
kaya sumasailalim sa masuyong pagmumuni ang kuwentista bago isulat ang mga
ganitong uri ng katha. (4) Kuwentong Pangkatauhan- isang kuwento na nakatuon sa
kasaysayan, pag-unlad, trahedya, tagumpay, emosyon, at katauhan ng isa o higit pang
tauhan sa akda. Nakasalalay ang kuwento sa mithiin ng tauhan at ang mga paraan nito
upang makamit ang ninanais sa loob ng kuwento.

IV. BASAHIN NATIN


Suriin kung anong uri ng maikling kuwento ang mababasang akda. Tingnan ang
kultura at ugali ng isang Singaporean sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Bigyan ng
kritikal na lente ang bawat pahayag na mababasa ayon sa kahulugan nito.

ANG AMA
Salin ni M. R. Avena
(Kuwentong Singaporean)

Iguhit ang isang maliit na tahanan na. Sa hagdan ng bahay ay may nakaupong bata na
nakatingin sa kanyang ama na paparating at dalang pansit.

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isa lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo
ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na
paminsan-minsay iniuuwi ng ama malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa
itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang
ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong
magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam
ng ina na mabigyan ng kaniya-kanyang parte ang lahat kahit itoy sansubo lang ng
masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta
ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose
anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang
sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina upang tiyaking may
parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na
babae, otso anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng
ama ng kaluwagang-palad nito sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng
dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang
pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nilay masayang nakiupo sa kanila at
kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayoy hindi na nag-uuwi
ng pagkain ang ama; ang katunayay ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung
hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyoy umaasa pa
rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ang ama, naninipat ang mga matang

titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tale sa mga daliri nito. Kung
umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga
batay magsisiksikan, takot na anomang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at
umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata
na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay
mamamaga, kayat mahihiya iyong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na
katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa
kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa, at
malakas na bulalas at pag-ungol mula sa kanilang ama, at silay magtatanong kung ano
ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahilay si Mui Mui, otso anyos at
sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin,
pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga
binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong paulit-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing.
Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko
sa isang sulok ng bahay, o namamaluktot ng paghiga sa banig kasama ang ibang mga
bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at
babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na
boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa
mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang
halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at itoy
nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon himinto, itoy tatayo, lalapit sa bata at
hahampasin iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang
ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahabang
halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayong binalaan nilang
papaluin ito. Wlang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha
ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalawgalaw. Mabilis na naglabasa ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo.
Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Iguhit ang larawan ng isang ama na sinusuntok ang isang anak.takot na takot ang bata.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina


lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng
nayon may isang kilometro ang layo, doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na
nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw
na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay, dahil alam nilang
nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong
inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang
humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling
nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon diy
nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala
ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting
abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes na sa lalaki mismo). Nang
makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang
pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang
muling libangin.
Ngayoy naging napakalawak ang kanyang awa sa sarilibilang isang malupit na
inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at
laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa
patay na bata, kayat madalamhati siyang nagtatawag, Kaawa-awa kong Mui Mui!
Kaawa-awa kong anak! Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod payat,
maputla at napakaliit at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno
niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin
ng mga kapit-bahay, na ang ibay lumayo na may luha sa mga mata at bubulongbulong, Maaaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang
bata.
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo.
Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa
bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman nito
agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay
hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya
ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kaya ito pupunta, tanong nila.
Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi
itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Iguhit ang isang larawan ng ama na naglalakad habang tinitingnan ng tatlong bata ang
kanyang paglalakad.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na
may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala
ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon bay kahon ng mga tsokolate? Tumingin
silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtalo ang
mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalakiy
biskwit; nakakita na siyang maraming kahong tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa
bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, yong katulad ng minsay
ibinigay sa kanila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng
Nanay. Ang kambal ay nagkasya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na
sila ano man ang laman niyon. Kayat nagtalo at nanghula ang mga bata, takot na
hipuin ang yaman na walang senyas mula sa ama. Inip nilang lumabas ito ng kanyang
kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.
Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay
sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng
bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na sa wariy kanila na sana,
nagbulungan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng
ama. Tingnan natin kung saan siya pupunta. Nagpumilit na sumama ang kambal, at
ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na
makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayoy nasa isang bagay
lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ang puntod na
kanyang hinintuan. Lumuhod ito at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-gahang
inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, Pinakamamahal kong anak, walang
maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sanay tanggapin mo. Nagpatuloy
itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasis sa pinagkukublihang mga halaman
ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit
anomang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan itong
nakaluhod kahit bumagsak na ang ulan. Pagkuway umalis ito, naninikit sa katawan ang
basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kangina pang inip na inip na mga bata ay
dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa
kanilang nailigtas, nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila
mararanasang muli.
V. SAGUTIN NATIN
A. Talasalitaan: Bigyan ng sariling hinuha ang mga salitang may malalim na
kahulugan. Isulat ang mga salitang sa tingin mo ay may kaugnayan sa salitang
hinihingi.

Kaluwagang
palad

Nagpapangilo sa
nerbiyos

Matigas ang
loob

B. Mga Katanungan
Daloy-diwa: Hayaang magtanong ang mga mag-aaral hinggil sa nabasang
teksto. Malaya silang makagagawa ng tanong na ang klase rin ang sasagot. Isulat ang
mga nabuong tatlong tanong sa larawan ng kahon sa ibaba. Pagkatapos ihuhulog ito ng
mga mag-aaral sa isang kahon. Magkakaroon ng palabunutan ng mga tanong, kung
kaninong taong ang babasahin.

ANG AKING PINAKAMALALAKING TANONG MULA SA


NABASANG KUWENTO:
1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________

C. Tanglaw sa Dilim
MAHIWAGANG BOTE: Ang haligi ng tahanan o mas kilala bilang ama ang tanging lalaking
nagbigay ng buhay para sa atin. Siya ang natatanging tao na handang ialay ang buhay
makamit lamang ang ating mga pinapangarap sa buhay. Ngayon handugan natin ng
pagkilala ang ating ama, sa pamamagitan ng isang pangako. Ang pangako ay naglalaman
ng tinig mo kung ano-anong pagbabago ang nais mong gawin upang mapaligaya lamang
ang iyong ama. Pagkatapos, ilagay mo ito sa isang bote. Sa gabay ng iyong guro, ibaon
ninyo ang boteng naglalaman ng pangako sa iyong ama. Saka huhukayin ito pagkatapos
ng isang buong taon. Saka ipapabasa sa ama ang ginawang pangako. Suriin kung nasunod
ba ang pangakong ginawa.

VI. GAWIN NATIN


A. INDIBIDWAL NA GAWAIN
LENTE NG KAMERA: Muli nating suriin ang kuwento. Sa pagsusuri tingnan ang tagpuan ng
Kuwento at isa-isahin ang mga salik na nakaaapekto sa kuwento. Ang panahon at oras. Sa loob ng
paaralan, gamit ang mga cellphone at kamera, maghanap ng lugar na katulad ng pinagyarihan ng
kuwento at Ilagay ito sa isang short sized bondpaper. Ilarawan kung aling bahagi sa kuwento ang
nakuhanan ng larawan sa paaralan. Maghanda ng 4 na larawan.

B. PANGKATANG GAWAIN
KUWENTO NI AMA: Matapos mapag-aralan ang ibat ibang uri ng Maikling
Kuwento. Gumawa kayo ngayon ng isang maikling kuwentong pangkatauhan na ang
bida ay batay sa katangian ng ama ng isang kasapi o miyembro sa grupo. Sundin ang
hakbang sa ibaba.
1. Bumuo ng tig-apat na kasapi.
2. Pag-usapan ang katangian ng bawat ama ng grupo.
3. Pumili ng isang ama na gagawan ng kuwento mula sa katangiang
nailahad.
4. Lagyan ng larawan o karikatura ang bawat tagpo ng kuwento.
5. Isulat ito sa isang short-sized bond paper. Maaaring sulat kamay o type
written ang ipapasa.
VII. I-Rubric Natin
Batay sa binuong pangkatang gawain. Gamitin ang rubric sa ibaba upang
mabigyan ng puntos ang bawat pangkat.
RUBRIC SA PAGGAWA NG MAIKLING KUWENTO
PAMANTAYAN

PAKSA/ TEMA 20%

PAGKAKABUO NG
KUWENTO 40%

KASININGAN 30%

KABUUAN

Maganda ang kuwento


dahil.

May Kulang ang kuwento


dahil.

DAGDAG DUNONG:
May tatlong paniniwala si Edgar Allan Poe (Ama ng Maikling Kuwento) kaugnay sa kalikasan ng
tradisyonal na maikling kuwento. Ayon sa kaniya, maikli lamang ito at nababasa sa isang upuan
lamang, may binubuong banghay ukol sa isang protagonista o pangunahing tauhan, at may
nilalayon upang makalikha ng isang kakintalan. Ang tawag sa mga taong nagsusulat ng kuwento ay
kuwentista.

VIII. Iugnay Natin: Araling Pangkomunikatibo

Ang mga Pangatnig


Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng
mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod natin nang tama
ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang
tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional
devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari, at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba sa paglalahad.
Mga Pangatnig:

1. subalit- ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng


pangungusap.
Mga halimbawa:
a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
2. samantala, saka- ginagamit na pantuwang
Mga halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
3. kaya, dahil sa- ginagamit na pananhi

Mga halimbawa:
a. Kaya hindi natuto ang tao dulot ng kanyang kapalaluan.
b. Siya ay nagtagumpay dahil sa kanyang pagsisikap.
Transitional Devices
1. sa wakas, sa lahat ng ito- panapos
Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na silay mahal na mahal ng
kanilang ama.
2. kung gayon- panlinaw
Mga halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kanya, kung gayon kailangan niyang
pagbutihin ang
kanyang pag-aaral.

IX. Sagutin Natin:


Gumawa ng pangungusap batay sa ibinigay na sitwasyon. Gumamit ng mga
pangatnig at transitional device.

A. May malakas na ulan sa inyong pook

1.
______________________________________________________________________
2.
______________________________________________________________________
3.
______________________________________________________________________

B. May nangyayaring rally sa barangay hall


1.
______________________________________________________________________
2.
______________________________________________________________________
3.
______________________________________________________________________

You might also like