Buod NG Ibong Adarna

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BUOD NG IBONG ADARNA

Mula sa kahariang Berbanya ay may isang pamilya na ubod ngbait.Silay sina Haring Fernando
Donya Valeriana at ang kanilang mga anakay sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Ang
tatlong prinsipeng ito aybihasa sa paghawak ng sandata.Minsan isang gabi, ang hari ay nanaginip
na si Don Juan ay sinaktan ngdalawang tampalasan at kanilang inihulog sa balon. Ito ang naging
dahilankung bakit siyay nagkasakit. Napag-alaman na ang maaari lamangmakapagpagaling dito
ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sabundok ng Taborsa puno ng Piedras
Platas.Inatasang hanapin niDon Pedroang ibon ngunit siyay naging bato lamang. Sumunod na
ipinadala ay si DonDiego ngunit pareho lamang ang naging kapalaran nila ni Don Pedro.
Kungkaya, sa ayaw at sa gusto ng hari ay napilitang bigyan ng pahintulot si Don Juan na hulihin
ang Ibong Adarna at hanapin ang kanyang dalawang kapatid.Dahil na rin sa kabutihang taglay ni
Don Juan ay natulungan siya ngermitanyo sa kanyang pakay. Ngunit inalihan ng inggit si Don
Pedro kungkaya pinagbalakan nila ito ni Don Diego ng masama upang di sila lumabasna kahiyahiya sa kanilang amang hari. Nang silay makabalik sa kaharian,ang sakit ng hari ay lalo pang
lumubha dahil sa di nila mapaawit ang ibon.Samantala, si Don Juan ay pinagyaman ng isang
matanda kung kayasiya ay gumaling at madaling nakauwi sa kaharian. Dito na nalaman ng
hariang katotohanan sapagkat pagkakita pa lang ng Ibong Adarna kay Don Juanay nagsimula na
itong umawit na ang nilalaman ay isang pagtatapat ng mganaganap. Kundi kay Don Juan,
malamang na naparusahan na ang kanyangdalawang kapatid.Pinabantayang mabuti ang Ibong
Adarna sa tatlong magkakapatidupang di ito makawala dahilan sa ito ang nakapagpagaling sa
hari. Ngunitdahil sa pangalawang kabuktutan ni Don Pedro ay lumipad ang ibon at siDon Juan
ang napahamak. Naglayas na lamang si Don Juan sapagkat takotsiya sa kaparusahang igagawad
sa kanya ang hari sa pagkawala ng ibon.Ipinahanap ng hari si Don Juan kina Don Pedro at Don
Diego. Nagkitaang tatlong magkakapatid sa Armenya at napagpasyahang doon na
lamangmanirahan. Nakakita sila ng balon at tanging si Don Juan lamang angnagkaroon ng
pagkakataong makababa sa loob nito. Dito ay natagpuan niya sina Donya Juana at Donya
Leonora at binantayan ng higante at ngserpiyente. Ngunit dahil sa galing niya ang bawat isa ay
nailigtas angdalawang prinsesa. Dito na sumunod ang ikatlong kabuktutang ginawa niDon Pedro
at Don Juan. Pinutol niya ang lubid na pinaglalambitinan ni Don Juan nang itoy bumalik sa loob
ng balon upang kunin ang naiwang singsingni Donya Leonora. Madaling napaibig ni Don Diego
si Donya Juana kung kayapagbalik sa kaharian ay agad silang nagpakasal samantalang si
DonyaLeonora sa kabila ng panunuyo ni Don Pedro ay di naman niya naibigan.Samantala, si
Don Juan ay tinulungan ng enkantadong lobo kung kayamadaling nagbalik ang kanyang lakas.
Dumating ang Ibong Adarna atsinabing may isang prinsesa sa Reyno delos Cristales na siya
niyangtalagang kapalaran. Di nagdalawang salita ang ibon at itoy kanyanghinanap. Ngunit
ubod pala ng bagsik at lupit ang ama ng prinsesang ito.Ngunit sa kabila ng napakaraming
pagsubok sa kanya ng haring Salermo aynapagtagumpayan niya ito sa tulong ni Maria Blanca na
anak ng hari. Ngunitdahil sa kahigpitan ng hari ay tumakas ang dalawa na taglay ang sumpa
ngama na gagapang si Maria Blanca na parang kuhol at malilimutan siya niDon Juan.Nang
sumapit ang dalawa sa kaharian ng Berbanya ay saglit munainiwan si Maria sa isang nayon

upang mabigyan ng magandang pagsalubongang prinsesa sa kaharian. Pagsapit ni Don Juan sa


palasyo ay agadsumalubong ang inang reyna at si Leonora kung kaya nakalimutan niya
siMaria.Itinakda ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Dumalo si Maria nasuot ang
emperatris. Pinilit niyang makaalala si Don Juan sa nakaraan sapamamagitan ng dala niyang
handog. Ipinilit naman ni Leonora ang kanyangkarapatan. Nagpasya ang Arsobispo na dapat na
maikasal si Leonora kayDon Juan. Dito na nagalit si Maria at pinabaha ang buong kaharian. Dito
nanatauhan si Don Juan at ipinasya niyang pakasal na kay Maria samantalangsi Leonora ay kay
Don Pedro.Pumalit na hari ng Berbanya si Don Pedro samantalang si Don Juan ayginawang hari
sa reyno delos Cristales

Nandito ka: Ang Simula >> Ibong Adarna >> Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

May 16, 2012 Ni Cherry

Don Juan

Si Don Juan ang pangatlo at pinakamatapang sa magkakapatid.

Donya Maria Blanka

Si Donya Maria ang tunay na minamahal ni Don Juan at may taglay na kapangyarihan na mahika
blanka.

Don Pedro

panganay na anak na may tindig na pagkainam.

Don Diego

pangalawang anak na may kilos malumanay

Haring Fernando

kabiyak ni Reyna Valeriana; ama ng 3 prinsipe -haring hinahangaan at maginoo.

Reyna Valeriana

Si Reyna Valeriana ang ina nina Don Juan, Don Pedro at Don Diego, kabiyak ni Haring
Fernando at reyna ng Kahariang Berbanya; walang papangalawa sa ganda.

Prinsesa Leonora

Si Prinsesa Leonora ang prinsesa ng kahariang nakatago sa ilalim ng lupa na binabantayan ng


serpiyenteng may pitong ulo. Unang pag-ibig ni Don Juan. May gusto sa kanya si Don Pedro.

Donya Juana

Si Donya Juana ang nakatatandang kapatid ni Leonora. Binabantayan siya ng isang higante.
Napangasawa ni Don Diego.

Haring Salermo

Si Haring Salermo ang ama ni Maria Blanka. Hari ng Reino de los Crystales. na nagbigay ng
mga utos kay Don Juan kung nararapat siya kay Maria Blanka. na may kapangyarihan na
tinatawag na itim na mahika.

Ermitanyo

Ang matandang tumulong kay Don Juan sa oras ng pangangailangan.

Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna mahiwagang ibon na matapos kumanta at magpalit ng anyo ng pitong beses
ay nagbabawas at sinuman ang mapatakan ay magiging bato. Ito ang tanging paraan para lang
magamot ang malubhang sakit ni Haring Fernando at makikita ito sa Piedras Platas o sa ingles
silverstone.

You might also like