Mga Batayang Kaalaman Sa Pagsulat

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

Kahulugan ng Pagsulat


Pagsulat pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan(Bernales et al., 2001 ) Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa ibat ibang layunin (Bernales et al., 2002 )

Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Sinabi ni Badayos (2000), na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging itoy pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.

Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Ganito naman ang paglalarawan nina Peck at Buckingham (sa Radillo, 1998) sa pagsulat: Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

Sosyo kognitib na Pananaw sa Pagsulat




Sosyo isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Kognitib anumang tumutukoy sa pag-iisip; nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman. Sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay

kapwa isang mental at sosyal na gawain/activity. Nakapaloob sa mental na gawain ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat. Nakapaloob naman sa sosyal na gawain ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto.

Masasabi ring ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal. PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipagugnayan. Ito ay isang gawaing personal at sosyal.

Bilang personal- ang pagsusulat ay tumutulong sa pag-unawa ng sa sariling kaisipan, damdamin at karanasan. Bilang sosyal na gawain, nakatutulong ito sa pagganap sa ating mga tungkuling panlipunan at sa pakikisalamuha sa isat isa. Madalas, sa pagsusulat ay naibabahagi ng isang tao sa ibang tao ang kanyang mga karanasan, o ang kanyang pagkakaunawa sa

mga impormasyong kanyang nakalap. Kung minsan naman, nagsusulat ang isang indibidwal upang maimpluwensyahan ang paniniwala at reaksyon ng ibang tao. Pagsulat binubuo ng ibat ibang dimensyon: 1. Oral na dimensyon- ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa. 2. Biswal na dimensyon- mahigpit na nauugnay sa mga salitang ginamit ng awtor.

Mga Layunin sa Pagsulat


1. Ekspresib personal na gawain na nagpapahayag ng iniisip o nadarama. Hal. Paggawa ng tula ng mga makata 2. Panlipunan sosyal na gawain na ginagamit kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan. - tinatawag ding transaksyunal. Hal. Paggawa ng liham-pangangalakal

Layunin ng pagsulat ayon kina Bernales et al, 1. Impormatib kilala rin sa tawag na expository writing - naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag - pokus ng pagsulat na ito ay ang paksang tinatalakaysa teksto. Hal. Pagsulat ng report ng obserbasyon, mga istatistiks na makikita sa mga aklat at

ensayklopidya, balita at teknikal o business report. 2. Mapanghikayat na pagsulat kilala rin sa tawag na persuasive writing - naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. - pangunahing pokus nito ang mga mambabasa na nais maimpluwensyahan

ng awtor. Hal. Pagsulat ng mga proposal at konseptong papel, pagsulat ng editoryal, sanaysay at talumpati. 3. Malikhaing pagsulat ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula dula at iba pang malikhain o masining na akda. - pokus dito ay ang manunulat mismo.

Mga batayang tanong na mahalagang masagot sa paghahanda ng sulatin


1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat? 2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito? 3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa? 4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa? 5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?

6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa? 7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa? 8. Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto? Anu- ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layuning ito/

Proseso o Hakbang sa Pagsulat


Proseso ng pagsulat ay hindi lamang komplikado; nag-iiba-iba rin ito depende sa manunulat. - mabubuod ito sa tatlong pangunahing hakbang: 1. Pre-writing dito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat 2. Aktwal na pagsulat nakapaloob dito ang paggawa ng burador o draft.

3. Rewriting dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar, bokabularyo, at pagkakasunudsunod ng mga ideya. - ang isang sulatin ay hindi magiging kompleto at epektibo kung hindi ito dadaan sa pag-eedit at pagrerebisa.

You might also like