KATARATA Pamphlet
KATARATA Pamphlet
KATARATA Pamphlet
Lahat ng tao ay magkakaroon ng katarata habang tumatanda. Gayunpaman, may mga bagay na lalong nagpapabilis sa pagkapal ng katarata, tulad ng madalas na pamamalagi sa ilalim ng araw (na may taglay na ultraviolet radiation), mga sakit tulad ng diabetes, at mga gamot tulad ng steroid (halimbawa ang prednisone).
Dahil kumakapal at lumalabo ang lente, lumalabo rin ang paningin ng matang may katarata. Hanggang sa ngayon ay wala pang gamot, iniinom man o ipinapatak sa mata, na napatunayang nakapipigil o nakatatanggal ng katarata. Para sa katarata na nakakasagabal na sa paningin, ang tanging solusyon lamang ay operasyon.
MGA SYMPTOMAS NG KATARATA: Sa mga sanggol at bata, ang lente ng mata ay karaniwang malinaw at transparent na parang bagung-bagong salamin. Ngunit habang tayoy tumatanda, ang lente ng mata ay unti-unting kumakapal at lumalabo. Maihahambing ito sa salamin na, habang lumuluma, ay nagkakaroon ng gasgas at dumi, at unti-unting lumalabo. SINO ANG NAGKAKAROON NG KATARATA? Pagdilim, paglabo o malaulap na paningin lalo na sa gabi Pagiging sensitibo sa sobrang liwanag Pagkakaroon ng halos sa paningin Pagpapapalit palit ng grado ng salamin Unti unting pagdilaw at pagdoble ng paningin Pangangilangan ng karagdagang liwanag sa paggawa ng mga gawain tulad ng pagbabasa PAANO MAIIWASAN ANG KATARATA? Iwasan ang paninigarilyo
Kumain ng prutas at gulay na mayaman sa Bitamina A tulad ng Kalabasa, Carrots at mabeberdeng gulay. Protektahan ang mga mata sa sobrang sinag ng araw sa pamamagitan ng pagsuot ng sunglasses o sombrero. Panatilihing malusog ang pangangatawan. Ugaliing magpakunsulta sa pinakamalapit na health center o ospital.
UKOL SA KONSULTASYON AT PAGTANGGAL NG KATARATA: OSPITAL NG TONDO Jose Abad Santos Ave. Tondo, Manila
Tel: (632) 716-3901 to 20/716-8001
Institute of Nursing
BSN 917 Group A
Katarata
(CATARACT)
University of Santo Tomas Hospital Espaa Boulevard, Manila 1008 Tel: +63 (02) 731-3001