Mga Pabula
Mga Pabula
Mga Pabula
Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. "Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundaglundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya. Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan. Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong. Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng kanyang mga Kuneho sa buhay.
ANG TATLONG MALILIIT NA BABOY May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran. Napag-usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang magtayo ng bahay. May pagkatamad ang unang biik kung kaya't nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa mga dayami. Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa ng unang biik. Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay nagtatakbo siya patungo sa ikalawang biik. Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa sa kahoy at pawid, ngunit nang dumating nanaman ang malaking lobo, natulad lamang ang kanyang bahay sa naunang biik. Sa takot ng dalawang biik ay nagtatakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong biik. Ang ikatlong biik ay masipag at matalino. Nagtayo siya ng bahay na gawa asa bato. At hindi nga nagtagal ay dumating na ang malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-ulit ang bahay ng ikatlong biik, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naiisp ng lobo na magdaan sa chimineya upang makapasok sa loob. Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang doon ng mainit na tubig upang sa gano'n ay mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito sa chimineya. At ganoon nga ang nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at doon tuluyang napaso. Nagtatakbo ang lobo sa sakit at hindi na muling nagbalik.
BAKIT NAGTATAGO SA LUNGGA ANG ALIMANGO Nagising si Haring Alimango dahil sa ingay ng kokak ngpalaka.Ipinatwag ng hari ang mga hayop at kulisap upang litisin kung sinoang may sala.Pinagtatanong ang lahat tungkol sa kaso.Sinabi ng palaka nasiya ay natawa kay Pagong dahil dala-dala nito ang kanyangbahay.Sinabing Pagong na kaya niya dala ang kanyang bahay ay dahil natatakotsiyang masunog ito ng apoy ni Alitaptap.Ikinatwiran ni Alitaptap na kayasiya nagdadala ng apoy ang nangangagat na lamok.Napatunayang siLamok ang may sala at parurusahan na siya.Nabigla si Haring Alimango atnapatay niya ang pinunong lamok.Sinugod ng mga lamok si HaringAlimango dahil sa pagkamatay ng kanilang pinuno.Nagtago sa lungga angtakot na takot na si Haring Alimango.
ANG UNGGOY AT ANG PARUPARO Isang araw, sa taas ng puno na malapit sa bundok, pinagmasdan ni unggoy ang kanyang paboritong bulaklakhabang kumakain ng saging.ang ganda- ganda talaga ng bulaklak na iyon. Gusto ko siyang pagmasdan araw-araw, wika ni unggoy sakanyang sarili.Pagkatapos niyang kumain ng saging, itinapon ni unggoy ang balat ng saging sa lupa at humiga sa kanyangsanga. Nakita ito ni paru-paro at linapitan niya si unggoy.Unggoy napansin kong nahulog mo ang balat ng saging na iyong kinain sa lupa.Ang wika naman ni unggoy, naku sadya iyan paru-paro. Lagi kong itinatapon ang mga pagkain ko sa lupa.Kaya pala ang daming basura dito. Hindi mu dapat basta-basta na lamang tinatapon ang mga basura mo kungsaan-saan lamang unggoy. Maari kang makadulot ng trahediya. Meron namang mga basurahang malapit ditoah. Doon mo nalang itapon ang mga basura mo, paliwanag ni paru-paro.Hai nako paruparo, tigilan mu nga ako, ang tagal-tagal ko ng ginagawa yan ah, wala namang nangyayaringmasama, galit na sagot ni unggoy. Umalis kana nga, sinisira mo araw ko, dagdag pa nito.Lumipad si paru-paro ng walang imik.Isang madilim na gabi habang natutulog si unggoy sa taas ng kanyang puno, ay biglang bumuhos ang malakasna ulan. Hindi niya ito pinansin at sinusubukan muling matulog.Ngunit sa halip na makatulog ay napatayo pa si unggoy dahilan sa may bigla siyang narinig na malakas natunog. Nagsimulang manginig ang kanyang puno at muntikan na siyang mahulog.Napatalikod siya at nabigla na lamang sa kanyang nakita.Lupang bumubuhos pababa mula sa bundok.Isang landslide!Walang magawa si unggoy kung hindi sumigaw.Tulong! Tulungan ninyo ako, sigaw niya.Tumumba ang kanyang puno at nahimatay si unggoy.Ito ang resulta ng pagtatapon mo ng mga basura mo sa kalikasan unggoy. Ito ag trahedyang sinasabi sa iyo,paliwanag ni paru-paro.Napansin ni unggoy ang lupa kung saan nakatanim doon ang paboritong bulaklak ni paru-paro. Natabunan itong lupa at basura.Paru-paro patawad. Nagsisisi na ako sa kasalanang aking ginawa. Magbabago na ako. Hindi na akomagtatapon ng basura sa kapaligiran, umiiyak at nagmamakaawa sa unggoy.Kung kaya mong magbago unggoy at hindi muna talaga ito gagawin pa ulit, pinapatawad na kita. Pero tulunganmo ako at ang iba pang mga hayop para mabigyan muli ng buhay ang ating tahanan at patawarin ka rin ni InangKalikasan. Simula noon, hindi na muling nagtapon si unggoy ng basura kung saan saan na lamang at unti-unti ay mulingnabigyan buhay ang kanilang tirahan, malinis at mapayapa.Ika ng mga matatanda: Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.S kwento na ito, matututunan ang pagtatanim ng mabuting gawa ng sa gayon ay magiging mabuti rin angbunga. Tulad na lamang ng pagtanggap natin ng ating mga panauhin na kaiba sa ibang nasyon. Ito ay bahagi nang ating kultura. Dahil dito, nakapagtanim tayo ng mga mabubuting gawa sa ibang tao at kasunod nito angmabuuting bunga o maidudulot na iyong ginawang kabutihan
SI LANGGAM AT SI TIPAKLONG Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam Naglutosiya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ngbigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong. "Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?""Oo nga, nag-iipon ako ngpagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam."Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo aymagsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta.""Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda angpanahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama angpanahon."Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabiumuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ngmalakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahanang kaibigang si Langgam.Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso.Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong."Tok! Tok! Tok!" Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain.Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan."Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palangmag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom."Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama nasiya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok.
ANG KALABAW AT ANG KABAYO Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
ANG ALAKDAN AT ANG PALAKA Isang araw, may isang alakdan na lumilibot sa bundok upang makahanap ng lilipat. Nilakbay niya ang mga gubat, burol... Umakyat sa mga batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya sa isang ilog. Malawak at mahaba ang ilog kaya huminto siya at nagplano. Walang paraan para siya ay makatawid kaya't siya ay naglibot paakyat-pababa sa paligid ng ilog hanggang sa siya'y napaisip na bumalik na lamang. Mula sa isang tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa ilog. Naisip niyang humingi ng tulong dito. "Magandang Umaga Ginoong Palaka!" tawag ng alakdan. "Maaari mo ba kong isakay sa iyong likod para makatawid sa ilog?" "Ayoko nga, paano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?" tanong nang nangangambang palaka. "Dahil," sagot ng alakdan. "Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong lumangoy!" Mula doon ay napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan... Nguni't para makasiguro ay tinanong niya ito ulit. "Paano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo pa rin akong patayin tapos ay ikaw na lang ang uusad sa gilid ng ilog." "Totoo, " sumang-ayon ang alakdan, "Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang dulo ng ilog." "O sige... paano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong sa kabilang dulo bago mo ko patayin." sabi ni palaka. "Ahhh... dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang na loob sa iyo kaya't hindi ko magagawang patayin ka, diba?" sagot ng alakdan. Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa kinaroroonan nito at isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa ilog na kasama ang alakdan... Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na di malulunod ang kanyang pasahero. Nguni't sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naramdaman ng palaka na may tumusok sa kanyang likuran. Nang napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang pasahero ang nakatusok na buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhid ang kanyang laman-loob hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan. "Loko-loko!" sambi't ng palaka, "Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo ginawa yon?" Nagkipitbalikat ang alakdan at sinabing... "Wala akong magawa, natural na sa akin ang ganoon." At sabay silang nalunod sa malalim na ilog.
ANG AGILA AT ANG MAYA Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. "O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
ANG PAGONG AT ANG MATSING Isang araw, nagpasyal ang magkaibigang pagong at tsonggo. May nakita silang punong saging. "Akin ito," sabi ng tsonggo at hinila ang parte ng puno na may dahon. "Hindi, akin ito," sabi ng pagong at hinila ang may ugat na parte ng puno. Habang naghihilahan sila, sinabi ng pagong, "Bakit hindi natin hatiin ang puno? Kunin mo ang parteng gusto mo at kukunin ko ang bahaging gusto ko." "O, sige," sabi ng tsonggo. "Kukunin ko ang parteng may dahon at kunin mo naman ang bahaging may ugat." Dinala ng tsonggo ang parteng may dahon at kinuha naman ng pagong ang may ugat na bahagi. Pareho nilang itinanim ang kanilang parte at kapwa sila nasisiyahang isipin na magkakaroon sila ng maraming saging na kakainin. Dinilig nila ang halaman nila araw-araw. Pero natuyo ang halaman ng tsonggo. Samantala, nagkadahon ang halaman ng pagong. Binisita ng tsonggo ang pagong upang kamustahin ang halaman nito. "Kamusta ang halaman mo?" tanong ng tsonggo. "Tumutubo ng mahusay," sagot ng pagong. "Malago na ang dahon ngayon." "Namatay ang halaman ko," malungkot na sabi ng tsonggo. "Ewan ko kung bakit." Napangiti ang pagong. Hindi niya masabi sa tsonggo na karamihan ng halaman ay di tumutubo kung walang ugat. Lumaki nang lumaki ang punong saging ng pagong. Binabantayan din ng tsonggo ang puno ng pagong. Isang araw, namulaklak ang punong saging at nagkabunga. Araw-araw, lumalaki ang prutas. Hanggang isang araw, nahinog ang mga saging. Gusto ng pagong na pitasin ang saging pero hindi niya ito maabot. Tinanong ng tsonggo ang pagong. "Hinog na ang saging mo, bakit di mo pa pitasin?" "Hindi ko maabot," sabi ng pagong. "Gusto mo bang tulungan kitang pitasin ang mga prutas?" tanong ng tsonggo. "Sa gayon, tayong dalawa ang makakakain ng saging." Pumayag ang pagong. "Sige, akyatin mo ang puno. Tapos, ihagis mo sa akin ang ibang bunga." Inakyat ng tsonggo ang puno at kinain niya ang lahat ng saging. Wala siyang inihagis sa pagong. Kapag humihingi ang pagong, tinatawanan lang ng tsonggo. Nagalit ang pagong at pinaligiran ng tinik ang puno. Tapos nagtago siya sa ilalim ng bao ng niyog. Nang nakain nang lahat ng tsonggo ang saging, bumaba siya sa puno at natusok siya ng mga tinik na inilagay ng pagong. "Aray!" sigaw ng tsonggo. Napaupo siya sa baong pinagtataguan ng pagong. "Magbabayad siya," sabi ng pagong sa sarili. Hinila niya ang buntot ng tsonggo sa butas ng bao. "Aray!" sigaw uli ng tsonggo. Sumilip siya sa ilalim ng bao at nakita niya ang pagong. Hinuli niya ito. Habang tangan niya nang mahigpit ang pagong, sabi niya, "Itatapon kita sa apoy." Ayaw ng pagong na itapon siya sa apoy, pero sinabi niya, "A gusto ko iyan. Mamumula ako. Gaganda ako." "Kung gayon, hindi kita itatapon sa apoy," sabi ng tsonggo. "Pipitpitin kita." "Magaling," maagap sa sagot ng pagong. "Pagkatapos mo dadami ako." Marami akong magiging kalaro." "Kung gayon, hindi na kita pipitpitin," inis na sabi ng tsonggo. "Alam ko na, itatapon kita sa ilog." Nag-iiyak ang pagong. Sabi niya, "Huwag! Huwag mo akong itapon sa ilog. Malulunod ako! Mamamatay ako!" Nang narinig ito ng tsonggo, dinampot niya ang pagong at itinapon sa ilog. Sumisid ang pagong sa ilog. Pamaya-maya lumitaw siya sa tubig na nagtatawa. "Ha, ha, ha, ha, ha! Dito ako nakatira. Bahay ko ang ilog!" At lumangoy siyang palayo. Napaupo ang tsonggo at sabi niya sa sarili, "Napakatanga ko! Pero hindi bale, nakain ko naman ang saging." Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan. Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na pagmamakaawa ni Pagong Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig. Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.
ANG DAGA AT ANG LEON Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.
Sa isang malinis na dalampasigan nakatira ang mga alimango. Maputi ang pinong mga buhangin ng dalampasigan. Maaga pa lang bago sumilay ang sikat ng araw ay nakahilera na ang mga alimango para magpainit at marelaks. Isa lang ang bagay na ikinaiinis ng mga alimango. Iyon ay ang malakas na pag-awit ng mga alon. Maraming reklamo ang mga alimango tungkol sa mga alon. Naku, hindi ako makapagtrabaho nang tuluytuloy dahil sa ingay nila,reklamo ng isang ginang na alimango. Kapag kasi narinig ng maliliit kong mgaanak ang kanilang pagkanta ay nagigising sila at nagsisiiyak. Kaya sa halipmakagawa pa ako ng mga gawaing bahay ay nauubos ang oras ko sapagpapatahan sa kanila. Ako naman ay hindi makapagpahinga nang maayos, reklamo ng isangmatandang alimango. Paanoy masyado silang malakas umawit. Hindi akomakatulog kapag may naririnig akong ingay. Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil ayaw nilang huminto sa pagkanta! reklamo ng isang maliit na alimango. Dahil sa rami ng mga reklamo ay ipinabatid nila iyon sa pinuno nila. Madali namang umaksyon ang pinuno. Pinuntahan nito ang mga alon at pinakiusapan. Kung maaari sana ay hinaan ninyo ang pag-awit. Naiistorbo ninyo kaming mga alimango, ang wika ng pinuno. Imposible ang hinihiling ninyo, sabay-sabay na sagot ng mga alon. Ang pag-awit ay bahagi ng aming buhay. Natural na dumadaloy ang awit namin lalo at hinahampas kami ng hangin. Umuwing bigo ang pinuno ng mga alimango. Nagpatawag ito ng pulong para mag-ulat sa kapwa mga alimango tungkol sa resulta ng lakad niya. Maaga pa kinabukasan ay halos mapuno ang lugar na pagdarausan ng pulong. Interesado ang lahat kung ano ang kinhinatnan ng pakikipag-usap ng pinuno sa mga alon. Ipinatawag ko kayo para ipaalam na ayaw pumayag ng mga alon na huminto sila sa pag-awit, simula ng pinuno. Umugong ang mga galit na bulungan. Inis ang mga alimango dahil walang konsiderasyon ang mga alon sa kalagayan nila. Gusto kong kunin ang inyong mga suhestiyon kung paano natin mapatitigil ang mga alon sa pag-iingay, wika ng pinuno. Maaaring may maisipkayo na mas epektibong paraan. Maraming suhestiyon ang lumabas sa pulong. May nagsabi na bawalan nila ang mga alon sa pag-iingay. Susunod kaya sila? Hindi ba at kinausap na nga sila n gating pinuno pero wala ring nangyari, asar na sabi ng isang alimango. Ang tagal na nating nagtitiis! sigaw ng isang galit nag alit. Panahon na para labanan natin sila! pakli naman ng isa pa. Giyerahin natin ang mga alon! suhestiyon ng isa. Tama! Giyerahin natin ang mga alon! Nagkaisa ang mga alimango na aawayin nila ang mga alon dahil nakukulilina ang tenga nila sa ingay ng mga ito. Napagkasunduan nila na noon din aypupunta sila sa dalampasigan para ideklara ang giyera nila laban sa mga ito.Inayos nila ang kanilang hanay. Sa unang hanay ay ang mga lalakingalimango ang nakalinya. Sa sumunod ay ang mga babae naman. Sa hulihan nglinya ay naroon ang mga matatanda. Bawat isa kasi ay nais na magkaroon ngbahagi sa digmaang iyon. Tanging ang maliliit na mga alimango ang naiwan sa kanilang tirahan dahil wala pang kakayanang lumaban ng mga ito. Isang malaking hipon ang nasalubong ng grupo nang papunta na sila sa giyera. Tinanong sila nito kung saan patutungo. Gigiyerahin naming ang mga alon! halos sabay-sabay nilang sinabi. Aawayin naming ang mga alon para sa iyo! anang isang lalaking alimango. Dahil kinakawawa ka nila! Tingnan mo, baluktot na ang iyong katawan dahil sa kahahampas nila! Hindi ka na makalakad nang tuwid.! Sa halip mkisimpatiya ay natawa ang hipon sa narinig. Hindi ito naniniwala na makakayang gapiin ng mga alimango ang mga alon. Nagalit naman ang mga alimango. Sinipit nila ang hipon hanggang mangako ito na tutulungan sila. Kasama ang hipon ay dumiretso na sila sa dalampasigan. Napansin ng mga alimango na kakaiba ang pagkakalagay ng mga mata ng hipon. Nasa magkabila itong bahagi ng mukha. Tinukso nila ito at pinagtawanan. Anila ay paano ito makikipaglaban gayong may pagkaabnormal ang posisyon ng mga mata nito. Mayroon akong sungot. Iyon ang panlaban ko, mababa ang loob na sabi ni hipon. Noon nakita ng hipon ang parating na malaking alon. Hindi ito nakita ng mga alimango dahil nakatingin ang mga ito sa buhanginan. Sandali pa aydumating na ang malaking alon at tinangay ang unang hanay ng mga babaingalimango at ang mga matatanda. Naubos ang mayayabang na mga alimango. Ilang panahon pa, daan-daang maliliit na mga alimango ang dumarating sa dalampasigan. Lagi silang pinagmamasdan ng hipon habang tila pasugod nilang lalabanan ang mga alon. Kaya kitang-kita ng hipon kung paanong pagdating ng mga alon ay patakbong babalik sa dalampasigan ang mga alimango. Mula noon, ang mga alimango ay hindi makatira sa gat at hindi rin makakatira sa lupa.
ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!" Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!" "Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito." Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka. "Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!" "Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!" Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!" Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka. Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"
ANG MADALDAL NA PAGONG Sa libis ng isang sapa ay may nakatirang madaldal na Pagong. Kalapit bahay niya ang mababait na itik na kung tawagin ng madla ay si Pugot at si Panot. Kaya gayon ang tawag sa dalawang itik ay sapagkat ang isa ay pugot ang buntot at ang isa naman ay walang balahibo sa tuktok. Likas na masalita si Pagong, kaya lagi itong ngakukwento ng kung anu-anong kahanginan kina Pugot at Panot. Naroong sabihing siya ang pinakamagaling lumangoy sa alin mang hayop na nakatira sa sapang iyon: naroong ipagmamalaki ang kanyang bahay na yari sa pinakamatigas lamad ng hayop at umanoy maaari niyang dalhin ang bahay niyang iyon kahit saan siya magpunta. Bagamat suyang-suya ang dalawang itik sa kadaldalan ng kapitbahay nilang si Pagong ay hindi sila nagpapahalata. Isang araw, ibinalita nina Pugot at Panot kay Pagong, na sila ay lilipat na sa ibang sapa maraming isda at mga pagkain. Sinabi ng dalawang itik na sa sapang tinitirahan nila ay wala na silang makuhang pagkain. Biglang naligalig ang Pagong, kayat malungkot itong nagtanong: - Malayo ba ang lilipatan ninyong sapa? - Aba, Oo, - ang tugon agad ni Pugot. Doon sa may dakong Timog kami lilipat. - Kung gayon ay huwag ninyo akong iiwan sa sapang ito, - mahinang Saad ng Pagong. Lubos akong malulungkot pag naiwan akong mag-isa rito. Mahabag naman kayo sa akin. - Aba, hindi ka maaaring isama naming, - ang sagot ni Panot, Sapagkat hindi ka naman marunong lumipad. Hinid nakakibo si Pagong, naunawaan niyang tama ang sinabi ni Pugot. Gayon man, nang luminga-linga si Panot at makakita ng isang mahabang patpat ay may nabuo itong magandang balak. Kinuha ito ang kaputol na patpat na iyon at saka nagsalita: - Naito ang mahabang patpat, anito sa Pagong. Kakagatin naming ni Pugot ang tig-isang dulo nito at ang gitan niyan ay kakagatin mo naman nang mariin, gayon ay maaari ka naming isama sa aming paglipada upang makarating sa patutunguhan naming. Ngunit mangako ka lamang sa amin na kapag nasa himpapawid na tayo ay hindi ka magsasalita - Magaling... magaling ang naisip mo, Panot, - natutuwang saad ni Pagong. Ipinangangako kong hindi ako magsasalita habang akoy inililipad ninyo. - Kung gayoy tayo na, - ang yaya ni Panot Nang nasa himpapawid na ang tatlong magkakapit-bahay, ay Nasalubong nila ang isang langkay na ibong puti. Ang nangunguna sa langkay na iyon ay biglang nagsalita: - Matatalinong hayop iyon! Sino kaya ang nakaisip ng paraang iyon upang maisama sa himpapawid ang Pagong na walang pakpak? Nang marinig nila ang sinabing iyon, ang Pagong ay nagkaroon agad ng paghahangad, na siya ang nakaisip ng gayong paraan, kayat ibinuka niya ang kaniyang bibig upang tagunin ang nagsalitang ibon. Ngunit hindi na ito nakapangusap ng anuman, sapagkat pagkabitiw na pagkabitiw niya sa pagkakagat sa patpat ay bigla siyang nahulog at nagkaluray-luray ang kanyang katawan nang tumama sa kabatuhan. Dahil sa likas na kadaldalan ng Pagong ay nagging malagim at kasakit-sakit ang pagkamatay nito.
ANG USA AT ANG ASO Isang araw, may isang mangangaso na nakahuli ng batang usa. Ito ay dinala niya sa kanyang bahay. Sinalubong siya ng kanyang mga alagang aso. Pagalit na itinaboy ng mangangaso ang kanyang mga alaga. Sinabi niya sa sarili n asana ay maturuan niya ang usa upang sumunod ditto ang magugulo niyang mga aso. Lumaki ang usa at nagging kaibigan niya ang mga aso. Isang araw, lumabas ng bakuran ang usa. Maraming mga ligaw na aso ang nagkalat sa kalsada. Pinuntahan ng usa ang mapanganib na mga aso at sinubukan niyang makipaglaro sa mga ito. Nagulat ang mga aso sa ikinilos ng usa. Bigla siyang sinunggaban ng mga ito. Nag isip-isip ang naghihingalong usa, naisip niya kung bakit kailangang humantong sa kanyang wakas ang pakikipag kaibigan sa mga aso. ANG PUSA AT ANG DAGA Noong unang panahon, may magandang samahan ang mga pusa at daga. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak nyang kuting na maysakit para makahanap ng manggagamot. Ginising ng Inang daga ang kanyang anak para tumulong magbantay sa kuting. Ang sabi ng bubwit, ayaw pa nya bumangon kasi maaga pa. Ang sabi ni Inang daga, maraming pagkain sa bahay ng mga pusa para sumama ang kanyang anak. Nagpunta ang mag-inang daga sa bahay ng mga pusa at nakita ng bubwit na may maraming pagkain at tinawag ang Inang daga. Kinain ng mag-ina ang pagkain at naubos nila lahat. Nang magising ang kuting, nagpumilit syang pumunta sa kusina at nakita na ubos na lahat ang kanilang pagkain. Tinawag nyang matakaw ang mag-ina. Nagalit ang bubwit sa sinabi ng kuting at kinagat sa paa ang pusa. Gumanti ang kuting sa bubwit at nakalmot nito ang mukha ng daga. Nagalit ang Inang daga at kinagat sa paa ang kuting. Tumakas ang mag-inang daga at nagtago sa kanilang lungga. Pag-uwi ng Inang pusa, wala sa higaan ang kanyang anak. Nkita nya sa kusina ang kuting na sugatan. Ginamot nya ang mga sugat ng anak. Nang makapagsalita ang kuting, ikinuwento ng anak ang mga pangyayari. Nagalit ang Inang pusa at sinugod ang mag-inang daga. Sabi ng inang pusa, Daga, daga lumabas ka diyan sa lungga ngunit hindi lumabas ang mag-ina dahil sa takot. Tinawag ng Inang pusa ang kanyang mga kaanak at ikinuwento ang pangyayari. Simula noon, lagi na lamang nag-aaway ang pusa at daga.
ANG PALAKA AT ANG KALABAW Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka. "Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa palayan. May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng kulay, nakakatakot! po!" sigaw ng batang palaka. "Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng bakulaw," natatawang sagot ng amang palaka. "Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka. "Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang katawan ko, " pagmamayabang ng amang palaka. Huminga siya ng malalim at pinalaki ang kanyang tiyan. "Mas malaki pa po siya sa inyo," anang batang palaka. "Ganun?" Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung pinalaki ang kanyang tiyan. "Ganito ba kalaki?" tanong niya. "Mas malaki pa rin diyan!" sagot ng batang palaka. Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng suminghot ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng kanyang tiyan. Maya-maya pa ay bigla silang nakaring ng malakas na "Pop!". Yun pala ay sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ng ng amang palaka.
ANG KABAYO AT ANG MANGANGALAKAL Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke. Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sapalengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyangkabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo: "Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili. Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sakoat ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog. Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo. "Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man aymagpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili. Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.
ANG DUWAG NA PANIKI Noong unang panahon, sa gubat ay may isang leon na nakakita ng pagkain. Agad siyang tumakbo papalapit dito, ngunit bigla na lamang dinagit ng lawin ang pagkain at inilipad palayo. Galit na galit ang leon sa pag-agaw na ginawa ng lawin sa kanyang pagkain. At bilang hari, iniutos ng leon sa mga hayop na kaaway na nila ngayon ang lahat ng mga ibon. At mula noon, hinuhuli na ng mga hayop ang mga ibon at kinakain. Ang mga ibon naman, lalo na ang mga buwitre, agila at lawin ay pinagtutulungan ang hayop na nakikita nilang nag-iisa sa gubat. Hanggang minsan, dumating ang isang sagupaan ng mga hayop at mga ibon. Sa labanang ito, natalo ang mga ibon at nagsitakas patungo sa mataas na lugar. Ang paniki na nakasaksi sa labanan ay lumapit sa leon. Haring Leon, ako ay tulad ng mga hayop. Ang kaibahan ko lang ay mayroon akong pakpak. Hinihiling ko sana na isama mo ako sa grupo ninyo. Handa kong itaya ang aking buhay. ang wika ng paniki. Sige, mainam kung may kasama kaming lumilipad rin. ang sagot naman ng leon na natuwa sa narinig. Hindi nagtagal, nagkaroon muli ng labanan at sa sagupaang ito, natalo ang mga hayop sa mga nagsipaghandang mga ibon. Nagtakbuhan papasok sa gubat ang mga sugatang hayop. Ang paniki na nakasaksi sa pangyayari ay lumapit sa agila na hari ng mga ibon. Bago nagsalita ang paniki, ibinuka muna nito ang kanyang pakpak. Haring Agila, akoy tulad nyo na may pakpak kung kayat hinihiling ko na isapi nyo ako sa inyong grupo. Handa kong ibigay ang buhay ko. Nang marinig ng agila ang sinabi ng paniki, natuwa ito. Sige mula ngayon, ikaw ay amin nang kakampi. Nagpatuloy ang digmaan ng mga ibon at hayop ngunit hindi na iyon nagtagal dahil naisip nila na hindi sila matatahimik kung hindi matitigil ang giyera. At nagkabati na nga ang mga ibon at mga hayop. Noon nila nalaman na ang paniki ay kumakampi lang sa nananalong grupo. Dahil doon, parehong nainis ang grupo ng mga ibon at hayop sa paniki. Mula ngayon, hindi ka na naming kasama! ang wika ng mga ibon at itinaboy nila ang paniki. Wala kang kwentang nilalang. Hindi ka namin kailangan! ang sabi ng mga hayop at pinalayas rin nila ang paniki. Pinagtatawanan siya ng mga ibon at mga hayop. At dahil sa kahihiyan, nagkulong na lang ang paniki sa kuweba, at lumabas na lamang ito tuwing gabi.
ANG MALUPIT NA AHAS Ang lahat ng hayop sa gubat at abalang-abala sa ibat-ibang gawain. Sila ay nagsisispag-ipon ng kanilang pagkain upang ilaan sa pagsapit ng tag-ulan. Bukod tangi si Ahas na panatag na panatag ang kalooban at natutulog lamang. Marami ang nagtataka kung bakit siya ay hindi nag-aalala sa pagsapit ng tag-ulan. Kaibigang Ahas, bakit sa halip na mag-ipon ng pagkain ay ang patulog ang iyong inaatupag? ang usisa ni Kuneho habang siya ay nagbabaon ng kaniyang pagkain. At ano ang nais mong gawin ko, magpakahirap na kagaya ng ginagawa ninyo? Hindi ko na iyon kailangan sapagkat pagdating ng tag-ulan ay maraming pagkain ang sa akin ay nakalaan, ang tugon ni Ahas sa kanyang pagtulog. Hindi naunawaan ni Kuneho ang nais sabihin ni Ahas kung kayat iniwan na niya ito at nagpatuloy sa kanilang ginagawa. Kinabukasan ay napadaan naman si Pagong sa kinaroroonan ni Ahas at nakita niya itong mahimbing na mahimbing sa pagtulog. Hindi niya matiis na ito ay tanungin. Uhmmm, uhmmm, paumanhin kaibigang Ahas nais ko lamang na ipaalala sa iyo na kailangan ka nang kumilos sapagkat malapit nang pumatak ang ulan, ang paalala ni Pagong. At sino ka upang magpaalala sa akin? Kung iyan lamang ang iyong sasabihin ay sayang lang ang iyong laway naabala mo lamang ang aking pagtulog, ang wika ni Ahas. Hindi nagtagal at umalis si Pagong na bumububod. Siya lang ang pinaaalalahanan ay siya pa ang galit, wika ni Pagong habang papalayo. Muli ay nadaanan si Ahas na natutulog ni Tuko at siya ay pinaalalahanan din nito. Kaibigang Ahas gising na at mag-ipon ka ng iyong pagkain ang tag-ulan ay darating na baka ikaw ay magutom, ang paalala nito. Tigilan na ninyo ako, nakukulili na ako sa mga sinasabi ninyo. Ano ang palagay ninyo sa akin tanga, alam kong malapit na ang tag-ulan ngunit marami akong pagkain na pagkukunan, ang galit na tugon ni Ahas. Mula noon ay wala ni isa ang nagtangkang magpaalala kay Ahas sapagkat sa halip na ito ay magpasalamat ay nagagalit pa ito sa kanila. Hindi nagtagal at sumapit ang tag-ulan. Ang lahat ay panatag ang kalooban maliban kay Ahas. Tila yata tama sila. Ako ay nagugutom ngunit hindi ako pwedeng lumabas at baka ako tangayin ng baha, ang wika ni Ahas sa kaniyang sarili. Hindi na matiis ang gutom ni Ahas at naisipan niya na nakawin na lamang ang mga nakatagong pagkain ng mga kasamahan. Isang hating-gabi na mahina ang ulan ay nagtungo si Ahas sa taguan ng pagkain ni Kuneho. Laking gulat niya ng makita na higit pa sa kaniyang pangangailangan ang naipong pagkain nito. Tignan mo nga naman ang buhay kapag sinuswerte, hindi ko na kailangang humanap ng pagkain sa iba, dito pa lamang ay mabubundat na ako sa busog. Halos maubos ni Ahas ang pagkain ni Kuneho ngunit siya ay nakalikha ng ingay at ito ay narinig ni Kuneho. Dali-dali itong bumaba upang tingnan kung sino ang nakapasok sa kaniyang taguan ng pagkain. Laking gulat niya ng makita si Ahas at inuubos ang kaniyang pagkain. Siya ay nagsisigaw at galit na galit. Ikaw Ahas ay tunay na malupit. Kay lakas ng loob mong kainin ang pagkaing hindi mo pinaghirapan, isa kang magnanakaw, ang sigaw ni Kuneho. Mas maige na iyan kaysa sa mamatay ako sa gutom, ang nakangising tugon ni Ahas. Dahil sa lakas ng sigaw ni Kuneho ay ginimikan siya ng mga kapwa hayop. Nagtungo sina Pagong, Tuko at iba pang kapitbahay. Pinatulung-tulungan nila si Ahas hanggang sa siya ay maitaboy. Bago pa man tuluyang makaalis si Ahas ay humingi ito ng paumahin sa kanila. Patawarin ninyo ako, kung nakinig lamang ako sa inyong paalala noong una ay hindi ko sana sinapit ang magnanakaw at masaktan ang labis sa inyong parusa, ang kaniyang nasambit at dali-daling umalis. Nagpasalamat si Kuneho sa kaniyang mga kapitbahay lalong-lalo na kina Pagong at Tuko. Samantalang si Ahas ay hindi na nakabalik sa pinsalang kaniyang tinamo at sa labis na kahihiyan sa kaniyang masamang ginawa.
ANG MAPAGPANGGAP NA UWAK Sa kaharian ng mga ibon, wala silang ginagawa kundi ang magtalo at mag-away. Palagi silang nagpapagandahan ng balahibo at tinig. Dahil dito, ang diwata ng kagubatan ay nagpakita sa kanila at nagwika Upang mahinto na ang inyong pagtatalo, bukas pagsikat ng araw, ay pipili ako ng pinakamaganda sa inyo. Kayat lahat kayo ay magtipun-tipon bukas sa lugar na ito. Pagkawika niyon ay nawala na ang diwata. Muling nagtalo ang mga ibon, at nagpagandahan ng kanilang balahibo. Ang bawat isa maligo sa batis upang luminis at kumintab ang kanilang mga balahibo. Mula sa malayo naman, naroon lamang at nagmamasid ang uwak. Inggit na inggit ito sa mga kasamahan, dahil bukod-tangi siyang itim na itim ang kulay ng balahibo. Tinungo ng uwak ang batis at lalo siyang nalungkot nang makita ang sarili sa tubig. Nang walang anu-anoy napansin niya ang ibat-ibang kulay na balahibo na nalagas buhat sa mga kasamahan niyang ibon. May naisip ang uwak. Nang nag-iisa na lamang siya, agad na kinuha niya mula sa tubig ang ibatibang kulay na mga balahibo at ibinilad sa araw. At nang matuyo nga ang mga ito, ay idinikit isa-isa ng uwak ang mga ito sa kanyang itim na balahibo. At ang uwak ay nabalot nga ng makukulay na balahibo. Tuwang-tuwa ito nang makita ang sarili sa tubig dahil napakaganda na niya. At kinabukasan nga, pagsikat ng araw, ang lahat ng mga ibon ay nagtipun-tipon. Nang dumating ang diwata, nagulat ito nang makita ang uwak. Napakaganda ng ibong ito! Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong ibon! ang nawika ng diwata. Samantalang napuna ng mga ibon na mga balahibo nila ang nasa katawan ng magandang ibon na hindi naman nila nakilala. Pipiliin na sana ng diwata ang uwak bilang pinakamagandang ibon sa lahat, nang ilang balahibo na idinikit nito sa sarili ay natanggal. Dahil doon ay nakahalata ang ibang ibon, at sumugod nga ang lahat kay uwak at binawi nila ang kanilang balahibo. At hindi nagtagal, lumabas ang totong anyo ng uwak. Nagtawanan ang lahat at ang uwak ay lumipad na lamang palayo na hiyang-hiya.
ANG PANGIT NA ITIK Sa sapa naninirahan si Bibe. Siya naman ay may limang itlog at ito ay kaniyang binabantayan at inaabangan na mapisa. Minsan ay nagtungo si Bibe sa may bukirin upang kumuha ng dayami na kaniyang ilalagay sa kaniyang pugad upang magbigay ng sapat na init sa kaniyang mga itlog. Matapos makakuha ng sapat na dayami ay bumalik na siya sa sapa. Sa kaniyang daraanan ay may napansin siyang isang itlog. Nagtaka si Bibe kung kanino ang itlog na iyon. At dahil naawa siya dito ay kinuha at isinama sa kaniyang mga itlog. Makalipas ng isang linggo ay napisa na ang mga itlog ni Bibe. Siya ay masayang-masaya at isa-isang hinalikan ang kaniyang mga bagong silang na anak. Ang mga anak ko, ang pinakamamamahal kong mga anak, ang sayang namutawi sa bibig ni Bibe. Huling napisa ang itlog na kaniyang napulot at mula sa itlog na iyon ay lumabas ang isang maliit at kulay itim na sisiw.Siya ay kakaiba sa kaniyang mga anak. Ang mga ito ay kulay dilaw samantalang siya ay itim. Gayunpaman ay minahal ito ni Bibe at itinuring na tulad ng kaniyang tunay na anak. Magkasabay na lumaki ang mga anak ni Bibe at ang itim na sisiw. Naging tampulan ng pansin ang itim na sisiw. Ang karamihan sa mga nakakaalam sa kaniyang pinagmulan ay nangungutya sapagkat siya ay hindi naman tunay na anak ni Bibe. Bukod pa rito ay ang kaniyang kakaibang anyo. Karamihan ay binabansagan siyang pangit. Ngunit ang kaniyang nakilalang ina ay palaging handa upang siya ay ipagtanggol sa mga mang-aapi sa kaniya at kadalasan pati ito ay napapahamak. Tingnan mo ang ginawa mo sa aming ina, dahil sa iyo ay napapaaway siya, kung dangan kasi ay bakit ka pa niya kinupkop. Ikaw ay hindi naman mauri at isang tunay na pangit, ang wika ng mga anak ni Bibe. Wala akong kasalanan sapagkat ako ay isinilang ng ganito, ang lumuluhang tugon ng itim na sisiw. Dahil na rin sa labis na habag ni Bibe sa kaniyang itinuturing na anak ay hinanap niya kung saan ito nagmula. Hindi naman siya nahirapan at natagpuan niya sa kabilang pampang ang mga kauri ng kaniyang anak. Napag-alaman niya na ito ay isang itik. Sang-ayon sa mga kasamahan nito ay maagang pumanaw ang kaniyang tunay na ina habang siya ay itlog pa lamang. Kawawa naman siya walang maaring kumupkop sa kaniya maliban sa akin, ang habag na wika ni Bibe. Nagpatuloy sa kanilang pamumuhay ang pamilya ni Bibe kasama ang itinuturing na anak na isang itik. Lumaki sa pang-aalipusta ng iba si Itik, pati na ang itinuring niyang mga kapatid ay hindi siya gusto. Walang ibang nagmamahal sa kaniya maliban kay Bibe. Minsan ay kanilang paglalangoy ay napahiwalay si Itik, siya ay napadako sa lupon ng ibang mga bibe. Siya ay lumapit sa kanila upang makipagkaibigan. Magandang araw sa inyong lahat, nais ko sanang makipagkaibigan sa inyo, ang pagbati niya. Ha,ha,ha, ang tawa ng mga bibe. Di yata at ang isang pangit na tulad mo ay nais makipagkaibigan sa amin. Mas makabubuting umalis ka na lang sapagkat baka pati kami ay mahawa sa kapangitan mong taglay, ang pangungutya ng mga ito. Bakit ayaw ninyo akong tanggapin, ako ay isang mabuting nilalang at walang ginagawang masama. Kung ganito man ang aking panlabas na anyo ay hindi ko kasalanan, ang paliwanag ni Itik. Ang mabuti pa ay atin siyang pagtulungan tukain sapagkat siya ay isang salot sa atin, ang wika ng mga bibe. Pinagtulungan nila si Itik at ito ay hindi nakalaban man lamang. Siya ay nasaktan nang labis at halos hindi na makakilos. Ang kaniyang ina na labis na nag-aalala sa kaniya ay nagtungo sa kaniyang kinaroroonan at nakita niya ang sinapit ng anak. Kayo ay mga walang puso, pati ang mga walang kasalanan ay pinaparusahan ninyo. Hindi niya ginustong maging pangit at hindi ito sapat na dahilan upang siya ay inyong saktan, ang lumuluhang wika ni Bibe. St dahil sa Itik ay may mabuting kalooban ay pinagpala siya ng Maykapal noong sandali ring iyon ay nagliwanag ang kaniyang paligid. Ang kaniyang katawan ay nag-iba ng anyo. Ang kaniyang kulay ay naging busilak ay siya ay naging kaakit-akit. Kung ihahambing sa mga kasamahan ay maituturing na siya ang pinakamaganda. Siya ay hinangaan at kinaiinggitan ng lahat. Masayang-masaya ang kaniyang ina sa pagpapalang kaniyang tinamo. Ang mga nang-api sa kaniya ay humingi ng tawad at nagsisi sa mga nagawang kasalanan gayundin ang ginawa ng kaniyang mga kapatid. At dahil si Itik ay may ginintuang puso ay madali siyang napatawad. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa sinuman na nagkasala sa kaniya. Napag-alaman ng lahat na siya ay tunay na may malinis na kalooban at lalo siyang hinangaan sa taglay na katangian. Mula noon ay nagbalik ang kapayapaan sa lupon ng mga bibe.
ANG PILYONG HIPON Bawat nilalang ay may kani-kanilang katangian at kapintasan. Sinasabing walang perpektong nilikha na namamahagi sa mundo. Subalit king minsan ay mas napagtutuunan natin ng pansin ang kapintasan kaysa sa mga katangian. Ito ay hindi lamang nangyayari sa iilan kundi sa mas nakararami. Si Mon ay mahilig magbiro sa kapansanan ng iba at ito ay kanyang nakasanayan at mahirap nang mabago. Sa dagat kung saan makikita ang maraming nilalang na naninirahan ay matatagpuan din ang lupon ng mga hipon. Isa na rito si Mon ang tinaguriang pilyong Hipon. Maraming batang hipon ang umiiwas makipaglaro sa kanya sapagkat alam nila na sila ay masasaktan lamang sa kapilyuhan ni Mon. At dahil dito ay walang nais makipaglaro sa kanya kaya nakikisalamuha na lamang siya sa ibang lamang-dagat. Minsan habang naglalangoy ay nakita ni Mon si Kit Pusit at siya ay nakipagkaibigan. Natuwa naman ito at sumama sa kanya. Napansin ni Mon na tila may kalabuan ang mata ng kanyang bagong kalaro at katulad ng dati ay nakaisip siya ng kapilyuhang gagawin dito. Naglaro sila ng taguan at sa una ay maayos ang kanilang paglalaro, ngunit ang sumunod ay iba na ang nangyari. Si Mon ay nagtago sa loob ng mga sanga-sangang korales. Mayroon siyang balak kay Kit kung kayat dito niya naisipang pumunta. Hinanap siya nang hinanap ni Kit ngunit hindi siya makita. Mon nasaan ka? Hindi kita makita at nahihirapan akong hanapin ka, ang wika ni Kit. Nandito lamang ako sa mga korales ngunit hindi ako lalabas hanggat hindi mo ako nakikita, ang tugon ni Mon. Nagtungo si Kit sa loob ng mga korales at si Mon ay wala na roon. Lingid sa kanya ay umalis kaagad si Mon bago pa lamang siya pumunta. Hindi nakita ni Kit si Mon kung kayat lumabas na siya ngunit dahil sa kalabuan ng mata ay nasabit ang kanyang mga galamay sa sanga ng mga korales. Araaay, nasabit ang mga galamay ko, Mon nasaan ka at tulungan mo ako, ang daing ni Kit. Ha, ha, ha, ha, ang labo kasi ng iyong mata kayat magdusa ka, ang wika sa sarili ni Mon at umuwi na siya ng bahay. Ang kawawang posit ay naiwang nakasabit sa sanga ng mga korales. Mabuti na lamang at may isang nagmagandang loob na tumulong sa kanya. Mula noon ay umiwas na si Kit posit na makipaglaro sa kanya at si Mon ay naghanap na lamang ng ibang kalaro. Nang sumunod na araw ay nakita naman ni Mon si Peles Dilis at ito ay kinaibigan din niya tulad ng iba. Halika Peles at tayoy maglaro, magbilad tayo ssa araw upang ang kutis ay pumula at kuminis, ang amuki ni Mon. At dahil sa narinig ay naniwala kaagad si Peles Dilis. Sila ay pumunta sa gilid ng dagat kung saan sila ay naupo sa may batuhan. Dahil sa tindi ng sikat ng araw ay madaling namula si Mon Hipon, gaya ng kanyang sinabi ay gumanda ang kanyang kutis. Nakita mo na Peles, diba kay ganda ng aking kutis, ang pagmamalaki ni Mon. Subalit hindi ganoon ang nangyari kay Peles. Ang kanyang balat ay natuyo at napaso. Sapagkat siya ay hindi marunong magbilad sa araw. Aray ang hapdi ng balat ko hindi ko na kaya ang magtagal pa rito, ang daing ni Peles. Bumalik si Peles sa kanyang bahay at hinagod ang nalapnos na balat. Tuwang-tuwa si Mon sa nakita sa kalaro. Alam ni Mon na ganito ang mangyayari sapagkat ang mga dilis ay lubhang maninipis ang balat at hindi maaring magbilad. Kundangan ka ba naman, alam mo na sa kabilugan ng buwan kayo lumulutang at bakit ka naniwala sa araw ay makikinabang ka, ang bungisngis ni Mon. Gaya ng iba hindi na muling nakipaglaro si Peles sa kanya. Wala nang kalaro si Mon Hipon at siya ay nalulungkot. Siya ay paikot-ikot sa dagat at humahanap ng makakausap. Hindi inasahan at nakita niya si Dikya. Kinausap niya ito at niyayang maglaro. Kaibigang Dikya, tayo ay maglaro, lubhang maganda ang panahon at masarap maglangoy, ang yaya ni Mon. Pumayag kaagad si Dikya at sila ay naglangoy paikot-ikot sa dagat. Bago pa man mag-isip ng kapilyuhan si Mon ay naunahan na siya ni Dikya. Alam mo, ako ay sawa na sa ating paglalangoy mabuti pa ay iba na lamang ang ating laruin. Ako ay may naisip at iyong sundin, ang wika ni Dikya. At ano naman ang ibang laro na iyong nalalaman? usisa ni Mon. Tayo ay sasakay sa loob ng lambat at dito ay nagduduyan, ang wika ni Dikya. Hindi alam ni Mon Hipon ang larong sinasabi ni Dikya at siya ay sumama. Pumasok sila sa loob ng lambat at doon ay dumuyan-duyan sila. Ilang sandal pa ay nagpaalam si Dikya. At dahil si Mon ay nalilibang ay pumayag siya na maiwan ng kalaro. Naramdaman niya na umaangat ang lambat at si Dikya ay hindi pa bumabalik. Nagulat na lamang si Mon ng makita na ang lambat pala ay ang ginagamit ng mga tao sa panghuhuli ng lamang-dagat at isa siya sa mga nahuli nito. Iyak ng iyak si Mon sapagkat alam niya na katapusan na ng kanyang buhay. Nagsisi siya sa mga kapilyuhang ginawa sa kanyang mga kalaro at naisip niya na si Dikya ay nagbiro sa kanya katulad ng ginagawa niya sa iba. Ngunit ngayon ay buhay na niya ang nakataya sapagkat siya ay iluluto ng mga taong nakahuli sa kanya. Walang nagawa si Mon kundi ang umiyak at magsisi. Takot na takot si Mon at siya at nagdasal na lamang at naghintay sa mga susunod na mangyayari. Ilang sandali pa ay narinig niya sa mga taong nag-uusap na siya ay pakawalan na lamang sapagkat sa kaniyang kaliitan at wala man lamang silang malalasahan at paglaki na lamang saka na siya babalikan. Gaya ng narinig at itinapon si Mon sa dagat. Tuwang-tuwa si Mon at siya ay nakabalik sa kanyang tirahan. Siya ay lubusang nagpasalamat sapagkat nakaligtas siya sa kamatayan. Kaagad niyang pinuntahan si Kit at siya ay humingi ng tawad, nagtungo rin siya kay Peles at nagpaumanhin sa kanyang kasalanan. Nangako si Mon sa magbabago na sa kanyang kapilyuhan at magiging mabait na kalaro kanino man. At dahil mabait naman sina Peles at Kit ay pinatawad siya ng mga ito. Ganoon din ang ginawa niya sa mga kalarong hipon. Bago pa man umuwi ng bahay ay nakasalubong niya si Dikya. At ito ay humingi rin ng paumanhin sa kanya sapagkat biniro siya nito. Pinatawad din siya ni Dikya. Nagpasalamat din si Mon sapagkat kung hindi pa nangyari sa kanya ang kapahamakan ay hindi niya malalaman na mali ang kanyang ginagawang pagbibiro. Naging masaya si Mon ng mga sumunod na araw at gaya ng kanyang pangako siya ay naging isang mabuting hipon. Ang karanasan ni Mon ay nagsilbing aral sa lahat at sila ay namuhay ng masaya sa ilalim ng dagat.
ANG SAKIM NA ASO Minsan, isang sakim na aso ang nakaamoy ng masarap na pagkain. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang amoy. Hanggang nalaman niyang buhat ito sa karne na dala-dala ng isang tuta. Tinakot ng aso ang tuta, kung kayat nabitawan nito ang pagkain. Agad na sinakmal ng aso ang karne at tumakbo na ito pauwi sa takot na maagaw pa ito sa kanya ng mas malaking aso. Isang tulay ang tinawid ng aso. Nang mapatingin ito sa baba ay nakakita ito ng isang aso na may dala ring pagkain. Mukhang mahinang aso! Kaya ko ring takutin ito upang makuha ko rin ang pagkain niya! ang sabi ng sakim na aso sa sarili. At tinahulan nga ng aso ang nasa ibaba ng tulay, na naging dahilan upang mahulog ang karne na nasa bibig niya. Bumagsak ang karne sa tubig, at noon lamang nalaman ng sakim na aso na sarili pala niyang repleksyon ang nakita niya sa ibaba ng tulay. At ang karne ay lumubog na sa tubig. Umuwing nagsisisi ang aso. ANG LOBO AT ANG KAMBING Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. "Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon." "Papaano?" Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon. ANG LOBO AT ANG UBAS Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubasna iyon," ang sabi niya sa sarili.