Ang Mga Unang Pilipino (The First/Ancestral Filipino Tribes or Groups)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

ANG MGA UNANG

PILIPINO

KANKANAY

Ang mga Kankanaey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat


sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May maraming pangkat ang
mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi
ng Benguet at maging sa iba't ibang bahagi ng La Union at malalapit na
probinsya, samantalang ang iba naman ay matatagpuan sa iba't ibang
bahagi ng Mountain Province at mga lalawigang malapit dito. Halos walang
ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey sa anyo at porma
ngunit marami ang pinagka-iba sa kanilang kultura at paniniwala.
Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey.
Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin. Pangunahing pinagkukunan ng
kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at
baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.
Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya at
ang mga matatanda ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala
sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng
lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng
kabuhayan ng pamilya.

IVATAN

Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso,


masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan
Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa
sa hinabing dahon ng voyavoy.
Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon
ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon
itong maliliit na bintana.
Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang
pangunahing ikinabubuhay.
Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad
ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.
Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva
Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng
bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang
ito sa mga diyalekto ng Ilokano.
Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa
pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng
tela

YAKAN

Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais.


May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling
panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamaganak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala
at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang
ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang Paring
palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng
masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa
pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay.
Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang
pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya
lapit-lapit ang kanilang mga bahay at handang tumulong ang bawat isa sa
sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.
Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa
kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring
magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring
magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan
ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo
kung pumapayag dito ang lalaki.
Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot
ng malong ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang malong sa
kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang
baywang.

TUINGGUIAN

Matatagpuan ang mga Tinguian sa bulubundukin ng Ilocos Sur at


Ilocos Norte. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga baibaitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palamuti.
Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.
Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang.
Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng
malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa
ang paghihiwalay ng mag-asawa.

TAGBANUA

Naninirahan ang mga Tagbanua sa baybaying dagat sa


gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda,
paghahalaman at pangangaso.
Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu
ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas
at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae
samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng
Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.

MANGYAN

Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan.


Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may
maamong mata at katamtaman ang tangkad.
May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng
Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng
ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga
pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang
napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan
at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.
Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang
tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan
at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

IFUGAO

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao.


Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang
salitang Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga
kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon
ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo
ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang
mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.
May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang baw
Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa
pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong
etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga
ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region
(CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province.
Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na
etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot:
ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga
Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang
pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang
kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang
lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay
nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu
sa Ifugao.

KALINGA

Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon.


Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa
kanila ng mga pampalamuting alahas sa buongkatawan. Ang ibinibigay na
dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon
ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.
Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang
budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang
pakikidigma sa isa't isa. at nga tae

GADDANG

Tinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong


ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang
mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay nila. Gabi,
palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay ang kanilang itinatanim.

IBALOI

Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad


ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa
timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang
Ilokano at Pangasinense.
Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong
pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok
at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga
Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana.
Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng
hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa
tulong ng mga tubong kawayan.
Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng
gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.
Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang
pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila
na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga
krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan.
Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa
simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na
ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod.

MARANAO

Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao Lanao


del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa"
ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang
pangalan.
Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa
malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang
silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit
ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may
dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig
ng tahananat sa mga moske.
Buo pa rin at hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa
rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang
ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.

TBOLI

Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila,


nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang
ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng
tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.
Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o
nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng
mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili.
Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw,
kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.
Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang
marami ang lalaking T'boli.

BADJAO

Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng


Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung,
Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang
Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.
Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang
mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng
pinensulang Malaya.
Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 213 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.
Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga
vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga
kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay
na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.
Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman,
naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno .

BAGOBO

Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng Davao.


Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulaymais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga
mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na
lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang
baba.
Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Espaol sa
Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng
Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit
ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang
itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga gawain ng
babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at
lalaki gayundin ang paghabi ng basket.
Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo.
Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana
ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes,
mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring
babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing
mahuhusay sa paghahabi.

SUBMITTED BY :
NATHANIA DANIELLE T. QUIJANO

SUBMITTED TO:
T. HAYDEE MACALISANG

You might also like