Walang Sugat Dulang Akda Ni Severino Reyes

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

Walang Sugat Dulang akda ni Severino Reyes


2. 2. Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon ng 1896, ang dulang Walang Sugat ay
unang naipalabas sa Teatro Libertad noong 1902. Tungkol ito sa kawalan ng
hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga
temang gamit nito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo,
pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Isinulat ito ni Severino
Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa imperyalismo. Ang
orihinal na musikang kasama nito ay nagmula kay Fulgencio Tolentino.
3. 3. Buod ng Unang Eksena (ACT I Scene I) Dumating si Tenyong sa bahay ng
kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng isang panyo.
Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang
panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso Flores) ngunit
sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong
at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo
at silay nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang
alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan pang
kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.
4. 4. Buod ng Unang Eksena (ACT I Scene II) Ang mga pamilya at kaibigan ng mga
inaresto ay naghandang bumisita at magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay
sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan
Luis Marcelo na paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng
namatay at nag aagaw- buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong.
5. 5. Buod ng Unang Eksena (ACT I Scene III ) Sinabi ng punong-frayle na
papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin niyang pupunta
siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan na ang iba
pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating duon.
Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino. Nakapiling ni
Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay.
Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na maghiganti!
6. 6. Buod ng Unang Eksena (ACT I Scene IV) Pinili ni Tenyong na sumali sa mga
rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan ito. Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay
kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat. Nagsumpaan muli sila na
mamahalin ang isat-isa habang-buhay.
7. 7. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II Scene I ) Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal
ito kay Miguel, isang mayamang illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng
kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa kabilang banda,
nagsimulang magkarelasyon ang mga alalay nina Julia at Tenyong na sina Monica
at Lucas/Lukas.
8. 8. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II Scene II/III ) Sumunod na linggo, dumating
sina Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa bahay nina Julia upang ayusin
ang pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng
tama ang kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng kasalan nang naging
pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema tungkol sa mga Pilipinong hindi
na nagsisimba.
9. 9. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II Scene III ) Sa kuta ng mga katipunero,
biglang dumating si Lucas/Lukas na may bitbit na sulat para kay Tenyong na
galing kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at ikakasal
na si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong sa
kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula ang labanan.
10. 10. Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I) Bumalik si Lukas kay Julia na
walang nakuhang sagot mula kay Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay Julia at

nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan. Nagkunwari si Julia na


masakit ang ulo upang iwasan si Miguel.
11. 11. Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III Scene II / III) Dumating na ang
nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pagakalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina.
Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero
bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si
Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa
pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi,
hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal
na sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si
Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel
sa kakaibang huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring
Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay
napamanghang sumigaw; Walang sugat! Walang sugat!.
12. Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861. Ikalima siya
sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero.
13. Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala
siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong
pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang.

14. Ang R.I.P na itinanghal ng ENTAMBLADO ay masasabing nakakaakit ng manonood.


Itoy isang satiriko ng transpormasyon ng theater arts sa Pilipinas. May isang
kumpanya na nag-eensayo para sa kanilang mga palabas ngunit bago pa man matapos
ang paggawa ng kanilang palabas bigla na lamang may bagong anyo ng pagtatanghal na
sisikat. Upang makapag-ipon ng pera, napipilitan sila makisabay sa agos ng panahon at
sumunod sa kung ano ang uso. Simple lang talaga ang kuwento ng dula na ito ngunit
dahil sa ibat ibang aspekto na pinagsama-sama, naging napakahusay ang pagtatanghal
ng ENTAMBLADO sa kanilang rendisyon ng R.I.P.
15. Filed under DULA | Leave a comment
16. JAN

17.

Katawan

21

18. Posted on January 21, 2012 by Danielle Lim

19. Standard
20. Ang aspekto ng dula na masasabing talagang nakapagdala ng tagumpay sa palabas ay
yung pag-aarte ng mga nagsisiganap. Maganda rin naman yung mga make-up,
kasuotan, at kagamitan o props ngunit ang pag-aarte talaga ng mga tauhan ang lumitaw.
Ito ang mismong nagbigay sa manonood ng kasiyahan, katuwaan at aliw.
21. May mga ibat ibang tauhan at ibat ibang nagsisiganap. Mayroon may maliit lang na
parte. Mayroon ding may malaki. Lahat sila ay masasabi talagang nag-ensayo ng
mabuti. Walang nakapagkalimot ng kanyang mga linya. Kung meron man, hindi halata.
Walang pangamba or pag-aalinlangan namamalas sa kanilang mga kilos. Kuhang-kuha
talaga nila ang karakter o personalidad ng mga tauhan kanilang ginaganap. Mahusay
nila napararating ang mga ugali ng mga ito. Kung bata yung karakter, ang pananalita at
kilos ng aktor ay parang bata din. Kung matanda naman, ang aktor ay kuba, mabagal

maglakad at mahinahon magsalita. Kung Kastila, Espanyol ang wika na ginamit at


pinagtitiyagaan din na may kasamang accent pa.
22. Sa lahat ng mga nagsiganap, ang talagang mga nakapagkuha ng atensyon ng mga
manonood ay yung mga gumanap kay Ichay, Colas, Toming, Uban/Menangge at
Bociong. Si Toming at Uban/Menangge talaga ang lagi nagsisimula ng halakhakan dahil
sa kanilang mga aksyon at mga sinasabi. Sa video pa nga lang na ito, makikita na kung
anong klaseng karakter si Uban.
23. Ang parte nila bilang mga payaso o clowns ay naganap nila ng mabuti. Talagang
nakakatawa sila. Si Toming nga ay isang bakla. Kahit hindi man bakla ang aktor sa
totoong buhay, mahusay niyang ginanap ang papel niya bilang baklang payaso. Hindi
man alam ni Toming na bakla siya sa simula, nakikita na ng manonood, dahil sa
mahusay na pag-aarte, na bakla talaga siya. Pati nga nung 10 minutong intermisyon,
nakipaghalubilo sina Toming at Uban sa mga tagamasid at napatawa nila ang mga ito.
24. Si Colas naman ay mayroon din namang dating sa mga manonood. Siya yung direktor
ng palabas ng kumpanya. Lalaki siyang tauhan ngunit ang gumanap sa kanya ay isang
aktres o babae. Kahit babae yung nagsiganap bilang Colas, naiparating naman niya sa
mga manonood ang pagiging lalaki ng karakter niya at pinuno ng produksyon. May
mga parte din na napapatawa niya ang mga tagapagmasid lalo na sa mga oras na
tinuturo niya ang mga aktor at aktres sa kanyang palabas kung ano ang tamang pagaarte upang maging perpekto ang bawat eksena. Hanggang sa huli, nakikita ang
pagiging lider niya sa paglilibing niya sa kanilang pelikula at pagsunod sa kaniya ng
ibang mga tauhan.
25. Napakahusay din ang gumanap kay Bociong at Ichay. Nakuha talaga ng aktres ang
pagiging pre-Madonna ni Ichay. Ang galing niya umarte. Kapag nagsasalita ay parang
kumakanta pa. Kapag lalakad lamang, grabe ang galaw pa ng baywang. Ang galing rin
niya sa pagganap ng pelikula sa dula. Silang dalawa ni Bociong ay kailangang gumanap
bilang mga kasintahan. May mga parte kung saan kailangan nilang hawakan ang isat
isa. Gumagapang pa nga sila minsan. Si Bociong nga walang damit. Si Ichay naman
naka-shorts at tank top lang. Kung hindi sila magaling na aktor o aktres baka di nila
naganap ang mga eksenang ito ng mabuti.
26. Mahirap din naman kasi gawin ang mga ganitong klaseng eksena dahil sigurado hindi
rin komportable para sa kanila. Hindi naman nila ito ginagawa sa araw-araw na buhay.
Nakakahiya din syempre kapag ganun klaseng eksena ang pinapakita sa maraming
manonood ngunit nakayanan nila. Naganap nila ang kanilang mga papel ng mabuti.
Hindi nakikita sa kanilang mga mukha na di sila komportable. Sa mga manonood, ang
mga gumanap kay Ichay at Bociong ay parang sanay na sanay sa kanilang ginagawa.
Ang dali nilang napahalakhak at napatawa ang mga tagapagmasid sa kanilang pagaarte.
27. Filed under DULA | Leave a comment
28. DEC

29.

Konklusyon

30. Posted on December 4, 2011 by Danielle Lim

31. Standard
32. Sa kabuluhan, masasabing maganda talaga ang paggagawa ng ENTAMBLADO sa
R.I.P. Magaling ang naging produksyon. Angkop ang mga kagamitan at kasuotan.

Napakahusay din ng mga aktor at aktres. Maliit man lamang ang produskyon, ito naman
ay naging tagumpay. Dahil sa tamang pag-aayos at pagsasama-sama ng ibat ibang
elemento, nakapagbuo din ng isang palabas na nakakaaliw at talagang masasabing
singhalaga ng oras at pera ginastos para dito.

You might also like