A Mother Tongue 2nd Grading Periodical Test

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DIBISYON NG MAKATI

Ikalawang Markahang Pagsusulit


MOTHER TONGUE II (K- 12)
TP 2015-2016
Pangalan: ______________________________________ Petsa:
______________
Pangkat: _______________________________________ Iskor:
______________
I.Basahin at unawain ang kuwento, pagkatapos ay sagutin
ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
Si Rosa at si Rosal
Sina Rosa at Rosal ay kambal. Kapwa sila maganda ngunit
magkaiba ang kanilang ugali. Si Rosal ay maawain samantalang si
Rosa ay mapagmataas.
Isang araw, sa labas ng kanilang bahay ay may matandang
pulubi at humingi sa kanila ng tubig. Halos hindi siya makahinga
dahil sa init at uhaw. Itinaboy ni Rosa ang matanda ngunit
pinigilan ni Rosal at siya ay kumuha ng tubig. Habang wala pa si
Rosal, pinagtulakan ni Rosa ang matanda. Si Bathala pala ang
matanda at sinubukan lang ang ugali ng magkapatid. Ginawa
niyang maputi at mabangong bulaklak si Rosal at si Rosa naman
ay ginawa niyang mabango rin at may kulay ngunit binigyan ng
mga tinik sa sanga.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
A. Rosa at Rose
C. Rosa, Rosal, matanda,
Bathala
B. Rosa at Rosal
D. Bathala, Rosa
2. Saan naganap ang kuwento?
A. sa harap ng paaralan
B. sa loob ng bahay

C. sa labas ng bahay
D. sa parke

3. Sino sa dalawa ang sadyang mabait?


A. Rosa
B. Bathala
C. pulubi

D. Rosal

4. Paano pinarusahan ni Bathala si Rosa?


A. Ginawa siyang bundok.
C. Nilagyan siya ng tinik
at kinulayan.
B. Pinagtabuyan siya.
D. Ikinulong siya sa
hawla.

5. Ano kaya ang maaaring mangyari sa dalawang bulaklak?


A. Mas magugustuhan ng tao si Rosal.
B. Mas magugustuhan ng tao si Rosa.
C. Magagalit si Rosal kay Bathala.
D. Lalayas si Rosa.
6. Ano ang wastong pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa
kuwento?
1. Paglapit at paghingi ng tubig ng matandang pulubi sa
dalawang bata.
2. Pagpaparusa ni Bathala kay Rosa na naging mabango at
may kulay ngunit may mga tinik sa sanga at si Rosal
naman ay ginawa niyang maputi at mabangong bulaklak.
3. Pagtaboy ni Rosa sa matanda ngunit pinigilan ni Rosa at
siya ang kumuha ng tubig.
4. Pagpapakilala sa kambal na sina Rosa at Rosal.
A. 4-2-1-3

B. 4-1-3-2

C. 1-2-3-4

D. 1-4-3-2

II.Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong


pagkatapos. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Ang Nais Ko
Nais kong maging mabuting hari
Nais kong ang tauhay may ngiti
Ilalagay ko sa tamang gawi
Pangangalagaan silang lagi
Kailangan nilay pagbibigayan
Kami ay laging magtutulungan
Malalaman ang kahalagahan
Nitong aming isang kaisipan.
7. Ilang taludtod mayroon ang isang saknong?
A. dalawa
B. apat
C. anim

D. walo

8. Ang tulang Ang Nais Ko ay mayroong _______ ritmo sa bawat


taludtod.
A. pitong
B. walong
C. siyam na
D.
sampung
9. Anong pares ng mga salita ang magkakatugma sa unang
saknong?
A. maging tauhan
C. hari ngiti
B. ilalagay magtulungan
D. nais gawi
10.

Alin sa mga sumusunod ang magkakatugma?

A. hari ngiti gawi lagi


kaisipan ngiti
B. maging tauhan gawi ngiti
ngiti nais

C. malalaman lagi
D. pagbibigayan hari

Punan ng angkop na salitang kilos ang patlang upang


mabuo ang pahayag.
11.
Ang magkakapatid ay _________________ noong nakaraang
Linggo.
A. namamasyal
C. mamamasyal
B. namasyal
D. mamasyal
12.
Si Lota ay _______________ ng kanyang kuwarto sa darating
na Sabado.
A. maglilinis
B. naglinis
C.
naglilinis
D. kakalinis
13.
Magsisimba kami sa Antipolo sa Biyernes. Ano ang
panahunan ng pandiwang
may salungguhit?
A. Nagawa na
C. Gagawin pa
B. Ginagawa pa
D. Katatapos pa lang
14.
Alin sa mga pangungusap ang ginamitan ng salitang kilos
na nagawa na?
A. Naglaro ang mga bata ng taguan kahapon.
B. Naglalaro ngayon ang mga bata ng taguan.
C. Maglalaro bukas ang mga bata ng taguan.
D. Maglaro ang mga bata ng taguan.
15.
Matayog ang nakatanim na punongkahoy sa parke. Alin ang
salitang
naglalarawan sa pangungusap?
A. matayog
B. nakatanim C.
punongkahoy
D. parke
16.

______________ ang lapis ni Peter kaysa kay Noli.


A. Matulis
B. Mas matulis C. Pinakamatulis
Matutulis

D.

17.
Halo halo ang pinakamasarap kainin kapag tag init.
Ano ang kaantasan ng pang uring may salungguhit?
A. lantay
B. pahambing C. pasukdol
D.
walang sagot

18.
______________ ang punong niyog sa lahat ng puno sa aming
bakuran.
A. Mataas
B. Mas mataas C. Pinakamataas
D.
Matataas
19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pang
uri?
A. Si Ana ay matalino.
C. Si Ana ay babae.
B. Si Ana ay naglalaba.
D. Si Ana ay bata.
20.

Alin sa mga sumusunod ang may kambal katinig sa unahan?


A. braso
B. lechon
C. hangin
D. bakasyon

21.

Ang salitang petsay ay may kambal katinig sa __________.


A. unahan
B. gitna
C. hulihan
D. ilalim

22. Ang mga pulis ay nakahuli ng isang magnanakaw __________


palengke.
Ano ang angkop na pang ukol na dapat ipuno sa patlang?
A. sa
B. ni
C. kay
D. ng
23. Wala ang nanay at tatay ni Bimbi, kayat mababakas ang
panglaw sa kanyang mukha. Ano ang kahulugan ng salitang
panglaw?
A. takot
B. lungkot
C. saya
D. taka
24. Alin sa mga sumusunod na salita ang may wastong baybay?
A. plurira
B. protas
C. prinsipe
D.
prensisa
25. Ilang pantig mayroon ang salitang pakikipagsapalaran?
A. limang pantig
C. pitong pantig
B. anim na pantig
D. walong pantig
26. Alin sa mga sumusunod na salita ang may wastong
pagpapantig?
A. pag ma ma la sa kit
C. pag mam a
las a kit
B. pa g ma mal a sak it
D. pa g ma ma la
sak it
27. Ang mansanas, mangga, lansones, dalandan at saging ay
kabilang sa pangkat ng mga ___________.
A. bulaklak
B. pagkain
C. kulay
D.
prutas
28. Alin ang kabilang na pangkat ng mga bayani ng ating bansa?
A. Corazon Aquino
C. Lea Salonga
Joseph Estrada
Sarah Geronimo

Gloria Arroyo
B. Jose Rizal
Andres Bonifacio
Juan Luna

Regine Velasquez
D. Noli de Castro
Korina Sanchez
Ted Failon

29. Isulat na muli ang pangungusap sa ibaba nang may wastong


gamit ng
malaking letra at may tamang bantas.
ang pangalan ng aking alagang aso ay
doggie
__________________________________________________________________
_
30. Isulat ang pangungusap sa ibaba nang may wastong gamit ng
malaking letra, bantas at espasyo ng mga salita.
sino kaya ang susunod na magiging pangulo ng
Pilipinas?
__________________________________________________________________
_

Maligayang Pagsusulit!

You might also like