Minsan Sa Piling NG Isang Angel
Minsan Sa Piling NG Isang Angel
Minsan Sa Piling NG Isang Angel
Sa una akoy dugo lamang sa sinapupunan ng aking ina, Walang malay,walang hugis,walang
muwang kung ano ang naghihintay.Akoy bunga ng masidhi at nag-aalab na pagmamahalan ni
ama at ina.Palangoy- langoy sa sinapupunan ni ina at naghihintay na kanilang matuklasan na
akoy nandito na. Alam ko na kaytagal akong hinintay ng aking mga magulang.Ina,ama sinagot
na ang panalagin ninyo ng ating poong maykapal.
Talaga magkakaanak na tayo? ang tanong ni ama kay ina na dinig na dinig ko pati tibok ng
puso nila.Ang tunog ng puso ni ama ay parang tunog ng mga trumpeta ng mga anghel sa
kalangitan,walang katumbas na kaligayahan ang tunog niyon.Ngunit si ina hindi ko maintindihan
naghahalong kaligayahan at kaba.Ngunit alam ko pareho silang Masaya.
Natatawa ako kay ina kung naglalambing kay ama ginagamit pa ako para makuha ang gusto
niya.Si ama naman nagkukumahog sa pagsunod kay ina,dahil ayaw daw niya na pangit akong
lalabas at baka di gaya niyang habulin kahit may edad na. Pero di nila alam akoy babae at mas
kamukha ni ina.
Minsan naririnig ko ang pag-aaway ng magulang ko.Nararamdaman ko na lang ang init ng patak
ng luha ni ina sa kanyang tiyan, hindi namamalayan ni ina na napapahimas na lamang siya sa
kinalalagyan ko at sasabihin Anak kapit ka lang maige,wag ka magtatampo kay ama,parte lang
ito ng buhay namin bilang mag-asawa.Tandaan mo mahal na mahal ka namin.
Sa gabi pagkatapos umiyak ni ina makakatulog na lang siya, mabibigla na lamang ako sa loob
ng sinapupunan ni ina, bigla mararamdaman ko ang init ng haplos at punong-puno pagmamahal
na mga palad ni ama habang hinihimas-himas ang tiyan ni ina at bubulong si ama na kinakausap
ako. (Oo, dinig na dinig ko) anak, sabihin mo kay ina na patawarin ako,pagod lang ako kaya
napagalitan ko siya.mahal na mahal ko kayo anak. Bigla gigisingin ko si ina sa malakas na
paggalaw ko at makikita niya na si ama ay pahalik-halik sa tiyan niya.hehehe..ayan ama ikaw
ang humingi ng sorry kay ina. Mararamdaman ko na lang akoy naiipit sa pagyakap nilang
dalawa,hudyat na bati na sila.
Nang akoy anim na buwan sa sinapupunan ni ina,pakiramdam ko atat na akong makita ang
mundong ginagalawan ng aking mga magulang at kapamilya.Alam niyo ang dilim-dilim dito sa
kinalalagyan ko, pero ok lang inaalagaan naman akong maige ni ama at ina.Kaya sige i-postpone
ko muna ang paglabas ko.
Excited na ang mga magulang ko na bigyan ako ng pangalan ng malaman nilang akoy babae
gaya ni ina. Kaya si ina isinulat agad-agad ang pangalan niya at pangalan ni ama sa isang
papel,matagal..matagal bago siya ngumiti meron na akong nabuong pangalan ng ating
anghel ang buong yabang na sabi ni ina kay ama.Pinaghalo ko ang ating pangalan at ito ang
lumabasang buong tamis na ngiti ng aking ina. Ikaw,gusto mo bang malaman? Wag kang
maingay ha, CORREEN ang pangalan ko.
Natatandaan ko tatlong linggo bago ako lumabas may naramdaman akong hindi
maganda,nahihirapan akong huminga.Alam ko may nangyayaring hindi maganda sa aming
dalawa lalo na kay ina.Abril 6,2013 ng magpatingin sa doktor si ina kailangang ilabas na natin
ang baby mo misis,nakita ko na may tubig sa kanyang puso, kailangan maoperahan ka na rin
ngayon dahil mataas din ang blood pressure mo,200/130 kailangan habulin natin ang buhay mo
at buhay ni baby.Dinig na dinig ko ang kabog ng puso ni ina parang napakalakas na
kulog,tambol ,di ko maintindihan ang mensahe niyon.Naramdaman ko rin ang panginginig ng
kayang kalamnan.Alam ko takot na takot na si ina sa kalagayan naming dalawa.Ramdam na
ramdam ko rin ang pagtibok ng puso ni ama ,ngayon hindi ko kayang ilarawan ang tunog niyon.
Hindi nagtagal lumabas ako sa madilim na sinapupunan ni ina at nakita ko ang liwanag noong
2:00 ng hapon ng abril 6,2013,napakagandang liwanag.Si ina ay hindi ko na alam kong ano ang
nangyayari sa kanya.Parang naputol ang signal ko sa mga nararamdaman niya.Habang akoy
nagpapahinga sa loob ng nursery room nakita ko si ama na nakatingin sa akin,nakangiti na siya
at maaliwalas na ang mukha.Sigurado ayos na si ina.
Tatlong araw kaming namalagi sa hospital.Naririnig ko ang sabi ng pediatrician.Hindi ko na
marinig ang murmur ng puso ni baby, pwede na kayong umuwi bukas. Napangiti ako,
Yeheey, makikita ko na si lolo,si lola, si tito,si tita.
Talaga akoy bunga ng pagmamahalan ng aking amat ina.Akoy siyang naging aliw ng
tahanan. Pindot dito, halik doon,gigil dito gigil doon.Sa maraming pagkakataon napapangiti ko
ang aking amat ina sa kanilang labis na pag-alala sa ngiti ko kahit akoy dalawang linggo pa
lamang sa piling nila.Nabubulahaw ang gabi pag akoy humihingi ng dede kay ina.Samantalang
si ama kahit parehong kaliwa ang paa at dis-oras ng gabi ay nagsasayaw kaming dalawa.
Sabi ni Ina napakarami ko daw naituro sa kanya mula ng akoy dumating sa buhay niya. Natuto
daw siyang gumising ng maaga,magsakripisyo at higit sa lahat maging isang ina
Linggo-linggo pumupunta kami lagi sa pediatrician para ipatingin pa rin ang kalagayan ng aking
puso.Napupuno pa nga ng lakas ng iyak ko ang clinic ni doktora dahil sa sakit ng karayom na
ibinabaon nia sa braso ko.Ayan,para malayo ka sa anumang sakit.Misis ibalik nyo si baby dito
pagkatapos ng tatlong buwan at I 2D ECHO natin si baby para matiyak na ok na ok na ang puso
niya.dinig kong sabi ni doktora.
Sa hindi malamang dahilan ,biglang hindi ako makahinga,nangyari iyon Mayo 8,2013.Alas tres
ng isinugod ako ni ina at lola sa hospital.Nasa trabaho kasi si ama ng mga oras na iyon.Hirap na
hirap na ako sa aking paghinga.Madaming eksaminayon ang pinagdaanan ko,nariyan ang mga
malalaking karayom na itinutusok sa napakaliit kong katawan ,X-ray,2D echo,at kung ano-ano
pa bago ako ipinasok sa Intensive Care Unit (ICU). Nauulinigan ko na iyak ng iyak si ina. Hindi
ko alam bakit siya umiiyak,nararamdaman ko ang takot sa puso niya. Ngayon hindi ako
makaiyak ng malakas gaya ng ginagawa ko dati para mabaling ang tingin ni ina sa akin habang
kausap ang doktor.Sa wakas dumating na si ama nakita ko si ina na biglang yumakap kay
ama.Nasilip ko na nagpipigil din si ama sa pagtulo ng kanyang mga luha habang yakap si
ina.Nakatingin lang sila sa akin habang akoy natutulog sa loob ng kama ng ICU.8:30 ata yun
ng may ipasok sa lalamunan ko na parang isang maliit na tubo,makakatulong daw ito upang
maayos akong makahinga. Nakatulog ako. Bandang ala-onse narinig ko sina amat ina na
bumubulong malapit na malapit sa aking tenga, sabi ni ina anak magpagaling ka ha,uuwi na
tayo bukas.Mahal na mahal ka namin anak. Pero alam moalam mo ba na ng mga oras na yun
kasama ko na si papa Jesus? Pinagbababay na ako.Kaya tinaas ko ang aking kamay na punongpuno ng kung anong mga nakasaksak na gadget para madugtungan ang buhay ko. Hinawakan ni
ama ang kamay ko ang sabi niya tulog ka na anak at bukas uuwi na tayo.
Sumapit ang umaga.Mayo 9,2013.Mam,papalitan lang po namin ang beddings ni baby.ang sabi
ng nurse.Tumango lang si ina.200150takbo sa labas ng kwarto si ina takot na takot50
2010..at flat line na ang tibok ng aking puso na naka rehistro sa monitor ng aking puso.
Alam ko ng mga oras na iyon na kung maari lang ay hihilahin na ng aking mga magulang ang
kamay ni papa Jesus para lang mabuhay ako.Ngunit hanggang doon na lang.
Napakabilis..napakabilis ng isang buwan at tatlong araw na makapiling ni ama at ina ang isang
angel.
Alam mo Masaya na ako kasama si Papa Jesus..Alam ko rin na tanggap na ng aking magulang na
akoy wala na sa kanilang pilingNgunit alam mo ba minsan nararamdaman ko ang
pangungulila nila hanggang dito sa langit..Naririnig ko ang kanilang mga puso na namamanglaw
pa rin sa aking pagkawala.
BRGY. TANDOC: Hindi Pansin Noon, Dinarayo na Ngayon
Pagandahin Inyong Natatanging Kapaligiran
Ito ang mga katagang nakasulat sa bawat paligid nitoy mapapansin. Kung
iintindihin ang mga katagang ito ay pagpapaganda sa kapaligiran ang nais na
itaguyod.tunay ngang kahali-halina at nakakapukaw sa mata ang taglay nitong
ganda. Barangay man kung ituring ay nakakapuwing din. hindi ka mahihiyang
ipagmalaki sa kahit na kanino sa atin.
Pangalan pa lang ay swabeng-swabe na, ASTIG ika nga! HANEP pa!. Mula noon hanggang
ngayon, pagbabago at pag asenso ang siyang nagaganap at patuloy na magaganap rito. Naku!,
teka lang muna bago mapalayo ang ating kwentuhan taga saan ka ba?Saan ka ba nag-aaral,saan
ka ba nagsisimba,baka gusto mo namang pumasyal sa amin..Halika pasyal ka sa amin Tandoc
ang tawag sa barangay namin ,pamilyar ba sayo? Para bang fireworks sa pandinig mo,kung
pumutok sa una y nakakatakot ngunit nakapagdudulot ng saya kapag nailabas na nito ang tunay
nitong ganda sa kanyang pagsabog.
napapatingin. Ito ang EL SEDRICKS INN na kulay orange ang pintura at hindi lamang ito
basta-basta INN dahil isa rin itong RESORT at may waterfalls pa.
Hindi naman pahuhuli sa EL SEDRICKS INN ang GREEN APPLE INN na akmang-akma
ang pintura sa kulay ng paligid at may nakaguhit na mga mansanas na may kagat sa bawat pader
nito. Sa harapan nitoy may kainan at gasolinahan.Sabi nga ng mga miron Ayos ang barangay
Tandoc all in onemy inn kung saan gagawin si baby,sa Nidas birthing place ka
manganak,magpabinyag ka sa holy family at ang reception sa resort at pag natigok ka naku
nandiyan naman ang forest lake. Mapapangiti ka na lang pag narinig mo ang usapan na ito,
kung tutuusin naman ay tama.
Kung tatanungin mo ako kung paano naman ang kabuhayan ng mga kabarangay ko. Ang
paggawa ng SALAKOT at BASKET ang ikinabubuhay at pinagkakakitaan naman ng ilang mga
Tandocians. Tiyaga at pawis ang kanilang puhunan kapalit naman nitoy salapi sa kanilang palad.
Dahil sa malawak ang lupain rito, malawak din ang siyang taniman kayat ang pagsasaka at
pagtatanim ng mais at mga gulay ay hindi nawawala. Ang pagnenegosyo ng mangga ang
pinagkakakitaan rin nila na sa tuwing may anihan ay hindi sila pahuhuli .Tulad ng matamis
nilang mangga, matamis rin ang kanilang mga ngiti lalo pat maganda ng kanilang ani.
Kilalang-kilala ang lungsod ng San Carlos sa matamis at masarap nitong mangga na tiyak ay
hahanap-hanapin ng iyong panlasa. Ngunit dito sa Tandoc matitikman ang mangang swabe sa
lasa at nakakatakam kapag nakita ng iyong mga mata. Matitikman rito ang hilaw na mangga na
kapag hiniwa ay di mo maiwasan ang pagtulo ng iyong laway lalo pat may bagoong at
hiniwang sili na syang sawsawan.
Ang sabi nila ang patuloy na pagtayo ng ibat ibang establisyemento at mga negosyo sa isang
lugar ay simbolo ng pag asenso,ang pag asensong ito ang magdadala ng kabuhayan sa mga
mamamayan.
Maunlad na nga at paunlad pa ng paunlad ang Barangay na ito na kahit sinuman ang humarang
ay hindi ito mapipigilan. Ito ang BOOMING BARANGAY ng San Carlos na kahit hindi pansin
noon, ang mahalaga ay dinarayo na sa ngayon. Sa Barangay Tandoc, Proud ang mga Tandocians
sa pagiging Proud San Carlenians.
pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila
tagarito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nag pyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw
ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi,
ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May
mga pagkakataon na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang
pag humahalinghing siya, nararamdaman ko nanalalason ako.. Gusto ko mang
umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din
kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi at ano ka! May
datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit
naman ako nang pagamit. Sa kanya naming natutunan mag-ingles, di lang magsulat
ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko
nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan
namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*ny$t%& buhay! Sa dami ng lason
na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi
na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang
makinig sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin
Sa amin! Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang
hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o
nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan
naming sa kanya, kaya eto na baon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa
pagkakautang, kulang na lang ay tapakan ang kaluluwa namin para ibayad sa mga
inutang namin.
Nakakahiya mang aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema
ko, siya ang tinatakbuhan ko. Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para
akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag
nangangailangan. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang,
namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating
hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun
ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng
mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari. Maski ano pa
ang sabihin ng iba, sinisikap naming na maging maganda ang buhay namin. Nagaambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan,
HongKong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin.
Halos lahat, wala naman silbi.
Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako. Sa dami ng mga anak ko na
nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko
nananamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa kinabukasan
naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng
buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Alam mo, gusto ko
na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki
pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking poder? At paano
nalang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man
lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga
anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila naibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sasalamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang
bilib sa akin. Napapag-usapan pa din.
Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo
na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko
eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama
man o mali. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May
malasakit man, nahihilaw pa. Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni
minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isat
isa.Ilan lang ang gustong magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong
sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang
mga anak ko? Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong
maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa
paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang
kasakiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong
magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng
kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila
magkakapatid sa tindi ng pag kaganid at walang pagmamalasakit. Ang di ko akalain
ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na
ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas
nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na
pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na
kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan?
Hindi ko maintindihan. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala
sarili ko. Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
Ilang lingo pa, magbabagong taon na.Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa
lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang
kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong
ganito ang sitwasyon naming parang eto lang ang sulok nagagalawan ko. Sana may
magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "Ina
ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko! Sensiya na, ang haba na ng
drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang
ako nagpapakilala. Ay sorry, di ko nasabi pangalanko. PILIPINAS nga pala.
IPIS NAKAKAINIS
A lot of us think of ways to earn extra income due to todays economy. Well theres a business
man in China who owns a unique farm. In fact its so unique you wouldnt want to go there and
buy their produce. The farm is for cockroaches that is being used by Chinese pharmaceutical
companies to make medicines for heart, liver and stomach ailments.
Mr.Huang, the owner of the farm says that the farm brings in serious cash from those companies
where a lot of them are lining up just to buy his stash of American cockroaches. I too cant
believe on what he just said and do, and the roaches that he cultures arent just for medicine but
also one of his favorite delicacy of which he started having a liking to at age 7.
He prefers them fried and said that if you havent tried it yet, you will regret it. I think Ill pass,
so watch the video to see the unbelievable things in his farm. And see who ate a cockroach at the
last part.
1. The vast majority of cockroaches are not pests.
For most people, it's a dark, dirty city apartment teeming with cockroaches. In truth, very few cockroach
species inhabit human dwellings. We know of some 4,000 species of cockroaches on the planet, but only
about 30 of these can be considered pests. Most cockroaches inhabit niche habitats in forests, caves,
burrows, or brush.
2. Cockroaches can eat just about anything, and can survive without food for long periods of time.
Cockroaches are scavengers. While most roaches prefer sweets given a choice, in a pinch, they will eat
just about anything: glue, grease, soap, wallpaper paste, leather, bookbindings, or even hair. Worse yet, a
cockroach can survive a remarkably long time without food. Some species can go as long as 6 weeks
without a meal! These traits make cockroaches in our homes tough to control. But in nature, cockroaches
provide an important service by consuming organic waste. They're the garbage collectors of their habitat.
3. Roaches have walked the Earth for hundreds of millions of years.
If you could travel back to the Jurassic Period and walk among the dinosaurs, you would easily recognize
the cockroaches crawling under logs and stones in prehistoric forests.
The modern cockroach first came to be about 200 million years ago. Primitive, ancestral roaches
appeared even earlier, about 350 million years ago, during theCarboniferous Period. The fossil record
shows that Paleozoic roaches had an external ovipositor, a trait that disappeared during the Mesozoic
Era.
4. Cockroaches like to be touched.
Roaches are thigmotropic, meaning they like feeling something solid in contact with their bodies,
preferably on all sides. They seek out cracks and crevices, and will squeeze into spaces that offer them
the comfort of a tight fit. And I do mean a tight fit. The small German cockroach can fit into a crack as thin
as a dime, while the larger American cockroach will squeeze into a space no thicker than a quarter. Even
a pregnant female can manage a crevice as thin as two stacked nickels.
5. Cockroaches incubate their eggs in sacs or capsules called oothecae.
Mama cockroach protects her eggs by enveloping them in a thick protective case, called an ootheca.
German cockroaches may encase as many as 40 eggs in one ootheca, while the larger American
roaches average about 14 eggs per capsule. A female cockroach can produce multiple egg cases over
her lifetime. In some species, the mother will carry the ootheca with her until the eggs are ready to hatch.
In others, the female will drop the ootheca, or attach it to a substrate.
6. Cockroaches get their vitamins from bacteria that live in their bodies.
For millions of years, cockroaches have carried on a symbiotic relationship with special bacteroides
carried within their own bodies. The bacteroides live within special cells called mycetocytes, and are
passed down to new generations of cockroaches by their mothers. In exchange for living a life of relative
comfort inside the cockroach's fatty tissue, the bacteroides manufacture all the vitamins and amino acids
the cockroach needs to live. This arrangement allows the cockroach to dine on just about anything it finds,
without concern for its lack of nutritional value.
7. Cockroaches can live for weeks without their heads.
As crazy as this sounds, entomologists have actually decapitated roaches to study this phenomena. Lop
the head off a roach, and a week or two later it will still respond to stimuli by wiggling its legs. Why?
Because the head of a roach isn't all that important to how it functions. Cockroaches have
open circulatory systems, so as long as the wound clots normally, they aren't prone to bleeding out.
Their respiration occurs via spiracles along the sides of the body. And they can survive without eating for
weeks. Eventually, the cockroach will either dehydrate or succumb to mold.
8. Cockroaches are fast!
Anyone who shares their home with cockroaches will tell you how fast they scurry for cover when you flip
on the light switch. But when I say they're fast, I mean measurably fast. Cockroaches detect approaching
threats by sensing changes in air currents. The fastest start time clocked by a cockroach was just
8.2 milliseconds after it sensed a puff of air on its rear end. Once all six legs are in motion, a cockroach
can sprint at speeds of 80 centimeters per second. And they're elusive, too, with the ability to turn on a
dime while in full stride.
9. Cockroaches in the tropics are big.
If a cockroach is in your kitchen, you probably think it's big. But consider yourself lucky, because most
domestic roaches don't come close to the size of their giant, tropical cousins. Megaloblatta
longipennis boasts a wingspan of 18 cm, or 7 inches. The Australian rhinoceros cockroach
(Macropanesthia rhinoceros) weighs a hefty 33.5 grams. The giant cave cricket, Blaberus giganteus,
measures 4 inches long at maturity. Aren't you glad these cockroaches aren't running around on your
kitchen counters?
10. Cockroaches can be conditioned, just like Pavlov's dogs.
Russian physiologist Ivan Pavlov first documented the concept of classical conditioning,
famously demonstrated by his salivating dogs. The dogs would hear a ticking metronome each time they
were fed. Soon, the sound of the metronome alone was enough to make the dogs salivate in anticipation
of a meal. Makoto Mizunami and his colleague Hidehiro Watanabe, both of Tohoku University, found
cockroaches could also be conditioned this way. They introduced the scent of vanilla or peppermint just
before giving the roaches a sugary treat. Eventually, the cockroaches would drool yes, drool when
their antennaedetected one of these scents in the air.
Hindi naman kailangan laging mag-spray ng kemikal para mawala ang mga ipis dahil hindi naman
talaga ito nauubos. Maraming ipis ang nakatago sa mga sulok-sulok ng bahay tulad ng furniture,
dingding, mga tubo, ilalim ng labo o iba pang lugar.
Maliban sa kemikal, may magagawang iba pa para mabawasan ang dami ng mga ipis.
Kailangang regular na maglinis ng bahay. Iwasang maglabas ng mga reading materials o mga papel.
Minsan ay nagiging pagkain nila ito lalo na kung luma na ang mga ito dahil may ibang lasa ito sa kanila.
Iwasang magtambak ng pinagkainan sa lamesa o lababo dahil kilalang scavengers ang mga ipis.
Hugasan agad ito upang hindi balik-balikan ng mga ipis. Takpan ang mga pagkain maging ang lagayan
ng gatas, asukal at iba pa na pwede nilang maging pagkain.
Para mawala ang mga ipis, bumili ng borax at haluan ito ng asukal na may parehas na dami. Ilagay ito sa
ilalim ng lababo, sa mga cracks o sa tagong lugar.
Epektibo ito at murang pamatay ng mga ipis. Gusto ng mga ipis ang asukal. Sa solution na ito, sinisira
nito ang digestive system ng mga ipis at outer skeleton nito upang sila ay mamatay. Ang mixture na ito ay
may benepisyo: chemical-free, fume-free, at environmental friendly.
COC;Clash of Caadikans
Clark A. Mendoza
Pre padonate nga oh, o di kayay Ano attack na ba tayo?.mga linyang pawang mga magka
clanmate lang ang nagkakaintindihan.hmmm! magka clanmate nga lang ba?....Sa sobrang IN
na IN baka nga pati pangulo naglalaro din!.Ano nga ba ang sikreto nito bakit pati magnobyo
nagkakagulo,estudyante hindi na nag-aaral,at si baby hindi na naalagaan.Namumulang mga
mata samahan mo pa ng mga naglalakihang eye bugs at mababansagan ka nang TITAN.Ito
ang pinaka mataas na ranko na pwedeng makamit ng isang player na ipinanganak na maging
CLASHER.
Ang CLASH OF CLANS ay isang online multiplayer game kung saan ang mga players ay
nagbi-build ng community, nagti-train ng troops para lusubin ang ibang players at makakuha ng
gold at elixir.Ang gold at elixir naman ang siyang ginagamit para sa pagbubuo o pagpapalakas ng
depensa ng base ng isang player mula sa pag-atake ng ibang players.
Kinasasabikan,kinaaadikan at higit sa lahat kinababaliwan yan ang COC kung ituring ng
karamihan. Alam niyo ba na ito ang pinaka sikat na software game sa iPad,iPhone,iPod at
Android ngayon?Ito ay ginawa ng Supercell,isang videogame company na bihasang-bihasa
talaga sa paggawa ng laro na gagamitan ng tablet dahil naniniwala sila na mas masaya at mas
naakaengganyong maglaro kapag ito ang gamit mo.
Naging available sa ibang bansa sa iTunes nang libre ang Clash of Clans noong Agosto
2,2012.Ito rin yung mga panahon na nailabas na ang v1.7 para sa mga Apple users.Oktubre 13
noong nakaraang taon naman naging available ang nasabing laro sa Google Play Store at
puwede nang malaro ng mga Android users.
Ah!kaya pala marami ang naho-hook dito,kasi isang klik mo lang, rakrakan to the max na mga
Clashers!.Sa larong ito kasi,ikaw ang nasusunod at maraming tao ang matitigas ang ulo at
ayaw nilang mautasan kaya ganyan, sila ang nasusunod!. Meron ngang mag-asawa,nag-clash
dahil sa COC!!!,mas nababantayan pa daw kasi ang kaharian kaysa sa sarili nilang anak,at hindi
lang yan ah,alam niyo ba sa Japan merong 11 years old na lalaki na hindi pinayagan maglaro ng
online games ng kanyang lola kaya nagawa niya paslangin ang kanyang lolang nagmamahal
naman sa kanya.Isa rin insidenti ang mapapanood sa youtube na 32 hours sa paglalaro ng online
games ng walang tayuan at kainan,Ayun!natagpuang patay sa computer shop.Grabe pala noh!
bukod sa nakakaadik ang COC nakakamatay rin pala ito.Aba matinde!
Dahil sa mga masasalimuot na pangyayaring dala ng kinahuhumalingang videogame tulad ng
COC ay agad na umaksiyon ang ating pangulo sa pamamagitan ng isang talumpati upang
payuhan ang mga kabataan na makilahok sa gobyerno at huwag igugol ang lahat ng oras sa
paglilibang sa internet.Dagdag pa niya,kung pipiliin ninyong magwalang-bahala,mapepeste ang
ating pinaghirapan at mababalik tayo sa lumang kalakalan,ito rin ang linyang kanyang
binigyang diin sa kanyang talumpati.
Nagsagawa din ng signature campaign ang mga grupong tumutuligsa sa App game na ito,layunin
nilang i-ban ang laro at labanan ang addiction ng milyong players ng popular na larong Clash
of Clans.Pero sa katunayan malabo ang tiyansang ma-ban ang laro dahil sa kasikatan nito,kaya
hindi papayagan ng kumpanya na alisin ang nasabing laro.
Tanging disiplina lang ang kailangang pairalin at turuan ang mga kabataan sa tamang
pagkonsumo ng oras dahil hindi na muling maibabalik pa ang mga sandaling nasayang ng dahil
sa paglalaro ng Clash of Clans.Bagkus,gamitin ito sa mga makabuluhang bagay tulad ng
paglalaan mo nang oras sa iyong mga mahal sa buhay,isa na diyan ay ang inyong pamilya at higit
sa lahat mag-aral mabuti upang may maipagmamalaki ka sa iyong pamilya para maging handa sa
iyong magandang kinabukasan.
tao.
Leptospirosis isang infectious bacterial disease sa daga, aso, pusa at ibang mammals na posibleng
maipasa sa tao at maaaring ikamatay. Ang bacteria sa mga hayop ay makaka-infect (contamination) sa
lupa, crops, o tubig kapag sila ay umihi dahil ang bacteria ay nasa ihi. Ang bacteria ay naipapasa sa tao
kung mayroon silang bukas na sugat o sa mucus membranes o kung nahalo ito sa pagkain.
Ang sakit ay malimit na nakukuha sa paglusong sa baha. Ang mga sintomas ng sakit ay paninilaw ng
mata, maitim na ihi, lagnat, pagsusuka at pananakit ng kalamnan partikular sa bahagi ng binti.
Dengue ang biglang pagtaas ng lagnat, pananakit ng tiyan at kasukasuan, pagkakaroon ng
mapupulang rashes, pagdugo ng ilong at gilagid ang mga sintomas ng dengue. Nakukuha ito sa kagat ng
lamok at nakakamatay kapag napabayaan.
Cholera isa rin sa mga nakamamatay na sakit. Ang pagkakaroon ng matubig na dumi, pagsusuka,
dehydration at muscle cramps ang sintomas na may cholera ang isang tao. Sanhi ito ng bacteria o nasa
kontaminadong inumin at pagkain.
Hepatitis kadalasang nakukuha kapag nagkaroon ng direct contact sa pasyenteng may ganitong sakit
at nagmumula ito sa mga langaw. Mataas na lagnat, pagsakit ng ulo at kasukasuan, at pagsusuka ang
mga sintomas ng pagkakaroon ng hepatitis.
Typhoid fever nakakahawa ito at kalimitang nakukuha sa kontaminadong inumin o pagkain na
puwedeng ikamatay. Kung may matagal nang lagnat at matinding sakit sa tiyan at ulo, sintomas na ito ng
typhoid.
Malaria tulad ng dengue, kagat rin ng lamok gaya ng anopheles mosquito ang pangunahing dahilan ng
pagkakaroon ng ganitong sakit. Makakaranas ng lagnat, panginginig, pananakit ng mga muscle at
panghihina ang pasyente na may malaria.
Diarrhea o pagtatae, kalimitang nakukuha sa kontaminadong inumin o pagkain. Dehydration ang bunga
ng pagtatae lalo pa't may kasamang pagsusuka.
Athlete's foot sakit ito sa balat ng paa sanhi ng fungal infection. Kumakalat ito sa mga mabasa-basang
lugar tulad ng mga paliguan o shower rooms. Kailangang panatilihing malinis at tuyo ang mga paa lalo na
sa bandang mga daliri nito.
Dry skin kadalasang natutuyo ang balat tuwing tag-ulan dahil sa lamig kaya dapat itong i-moisturize.
Ilan sa mga sakit na nabanggit ay dala ng kontaminasyon sa tubig. Payo ng eksperto, ang pagpapakulo
ng tubig o pagdi- disinfect nito ay mahalaga upang ligtas sa iinuming tubig.
Huwag balewalain kung may sintomas ng alimang sakit na nabanggit at agad na ipasuri ito sa doktor.
FACEBOOK
TWITTER
LINKEDIN
EMAIL
PRINT