Mverse
Mverse
Mverse
01 Isaias 41:10
10 Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot,
ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba.
Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
02 Santiago 5:14
14 Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesya upang i
panalangin kayo at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.
03 Mateo 11:28
28 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa i
nyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
04 Filipos 4:19
19 At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat
ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
05 Kawikaan 4:20-22
20 Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti,
pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi.
21 Huwag itong babayaang mawala sa paningin,
sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim.
22 Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay,
nagbibigay kalusuga't kagalingan ng katawan.
06 Exodo 15:26
26 Ang sabi niya, "Kung ako ay buong puso ninyong susundin, kung gagawin ni
nyo ang matuwid at susundin ang aking kautusan at mga tuntunin, hindi ko iparara
nas sa inyo ang alinman sa mga sakit na ipinadala ko sa Egipto. Akong si Yahweh
ang inyong manggagamot."
07 Awit 107:19-21
19 Sa ganoong lagay, sila ay tumawag kay Yahweh,
tinulungan sila at sa kahirapan, sila ay tinubos.
20 Sa salita lamang na kanyang pahatid sila ay gumaling,
at naligtas sila sa kapahamakang sana ay darating.
21 Kaya't dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat,
dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas.
08 Exodo 23:25
Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa
pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman.
09 Awit 30:1-2
1 Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas,
mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas.
2 Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing,
at ako nama'y iyong pinagaling.
10 Isaias 53:4-5
4 "Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan,
pinagaling niya ang ating mga karamdaman.
Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya.
5 Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;
siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya
at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
11 Awit 103:2-4
2 Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa,
at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.
3 Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad,
at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
4 Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag.
12 Awit 41:2-3
2 Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak,
sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak,
at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad.
3 Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit,
ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik.
13 Awit 147:3
3 At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan,
ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.
14 Jeremeias 17:14
14 Yahweh, pagalingin mo ako, at ako'y lubusang gagaling; sagipin mo ako, a
t ako'y ganap na maliligtas. Ikaw ang tangi kong pupurihin!
15 Mateo 9:35
35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at nayon doon. Nagtuturo siya sa
kanilang mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahar
i ng Diyos. Pinagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman.
16 Lukas 8:47-48
47 Nang malaman ng babae na hindi pala maililihim ang kanyang ginawa, siya'
y nanginginig na lumapit at nagpatirapa sa paanan ni Jesus. Pagkatapos, sinabi n
iya sa lahat ng naroon kung bakit niya hinawakan ang damit ni Jesus, at kung paa
nong siya'y agad na gumaling.
48 Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampa
lataya. Makakauwi ka na."
17 Pahayag 21:4
4 At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatay
an, dalamhati, pag- tangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bag
ay."
18 Santiago 5:16
16 Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan
at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa
ng panalangin ng taong matuwid.
19 1 Pedro 2:24
24 Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasal
anan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
Kayo'y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.
20 Deuteronomio 7:15
15 Ilalayo niya kayo sa mga karamdaman. Alinman sa mga sakit na ipinaranas
sa mga Egipcio ay hindi niya padadapuin sa inyo kundi sa inyong mga kaaway.
21 Awit 91:9-10
9 Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,
at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan.
10 Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan
kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
22 Isaias 55:9-11
9 Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa,
ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan,
at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
10 "Ang ulan at yelo na bumabagsak mula sa langit ay hindi na nagbabalik,
kundi dinidilig nito ang lupa,
kaya lumalago ang mga halaman at namumunga
at nagbibigay ng butil na panghasik, at tinapay upang maging pagkain.
11 Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig,
ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan.
Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.
23 Jeremias 30:17
17 Ibabalik ko ang kalusugan mo,
at pagagalingin ang iyong mga sugat.
Kayo'y tinawag nilang mga itinakwil,
ang Zion na walang nagmamalasakit."
24 Malakias 3:6
6 "Ako si Yahweh. Hindi pa kayo lubusang nalilipol sapagkat hindi ako nagb
abago sa aking pangako.
25 Marcos 11:22-23
22 Sumagot si Jesus, "Manalig kayo sa Diyos. 23 Tandaan ninyo ito: kung
kayo'y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sa
bihin sa bundok na ito, 'Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,' at ito nga ay
mangyayari.
26 Marcos 16:17-18
17 Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga hima
la: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ib
ang wika. 18 Hindi sila maaano kahit dumampot sila ng ahas o uminom ng lason;
at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay."
27 2 Corinto 4:16-19
16 Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob kahit na humihina ang aming katawan
g-lupa; patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw. 17 Ang baha
gya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalak
ang walang hanggan at walang katulad. 18 Kaya't ang paningin namin ay nak
atuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat p
anandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay
na di-nakikita.
28 Awit 107:20
20 Sa salita lamang na kanyang pahatid sila ay gumaling,
at naligtas sila sa kapahamakang sana ay darating.
29 Isaias 40:31
31 Ngunit muling lumalakas
at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.
Lilipad silang tulad ng mga agila.
Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod,
sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.
30 Deuteronomio 31:6
6 Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot
sa kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo ii
wan ni pababayaan man."
31 Awit 18:6
6 Kaya't si Yahweh ay aking tinawag;
sa aking paghihirap, humingi ng habag.
Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig,
pinakinggan niya ang aking paghibik.
32 Mangangaral 3:1
1 Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang
oras.
33 Roma 8:16-17
16 Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga a
nak ng Diyos. 17 At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at k
asamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, ta
yo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
34 Roma 8:24-25
24 Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa
kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung
ito'y nakikita na niya? 25 Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita,
hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
35 1 Pedro 1:3
3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahi
l sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay
sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa libingan at ito ang n
agbigay sa atin ng isang buhay na pag-asa.
36 1 Corinto 1:3-6
3 Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo,
ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. 4 Inaaliw
niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap n
atin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis. 5 Sapagkat kung ga
ano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundi
n naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo. 6 Kung naghihirap man kami, ito'y
para sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin
at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad nam
in.
37 Awit 46:1-3
1 Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,
at handang saklolo kung may kaguluhan.
2 Di dapat matakot, mundo'y mayanig man,
kahit na sa dagat ang bundok matangay;
3 kahit na magngalit yaong karagatan,
at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah) b
38 Awit 57:1
1 Mahabag ka, O aking Diyos, ikaw sana ay mahabag;
sa iyo ako lumalapit upang ako ay maligtas,
pagkat aking nasumpungan sa lilim ng iyong pakpak,
ligtas ako sa panganib hanggang ito ay lumipas.
39 Awit 91
1 Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,
at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,
2 ay makakapagsabi kay Yahweh:
"Muog ka't kanlungan,
ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan."
3 Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas,
at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
4 Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak,
at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak;
iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
5 Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.
6 Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,
sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.
7 Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,
sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;
di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.
8 Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan,
iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan.
9 Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,
at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan.
10 Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan
kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
11 Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,
saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
12 Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,
nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.
13 Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik,
di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.
14 Ang sabi ng Diyos, "Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.
15 Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan,
aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan;
aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
16 Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay,
at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!"
40 Awit 121
1 Do'n sa mga burol, ako'y napatingin---
sasaklolo sa akin, saan manggagaling?
2 Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula,
sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.
3 Di niya ako hahayaang mabuwal,
siya'y di matutulog, ako'y babantayan.
4 Ang tagapagtanggol ng bayang Israel,
hindi natutulog at palaging gising!
5 Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat,
laging nasa piling, upang magsanggalang.
6 Di ka maaano sa init ng araw,
kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
7 Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat,
sa mga panganib, ika'y ililigtas.
8 Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat
saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.
41 Awit 139:7-12
7 Saan ako magpupunta, upang ako'y makatakas?
Sa iyo bang Espiritu, a ako ba'y makakaiwas?
8 Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka,
sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y ikaw din ang kasama;
9 kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan,
o kaya ang tirahan ko'y ang duluhan ng kanluran;
10 tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan,
matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.
11 Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit,
padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid;
12 maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim,
at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning,
madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.
42 1 Corinto12:24-26
24 Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Nang isaa
yos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bah
aging di gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at
sa halip ay magmalasakit sa isa't isa. 26 Kung nasasaktan ang isang bahagi
, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang laha
t.
43 Isaias 40:28-31
28 Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig?
Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos,
ang siyang lumikha ng buong daigdig?
Hindi siya napapagod;
sa isipan niya'y walang makakaunawa.
29 Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.
30 Kahit na ang mga kabataan ay napapagod
at nanlulupaypay.
31 Ngunit muling lumalakas
at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.
Lilipad silang tulad ng mga agila.
Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod,
sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.
44 Isaias 43:1-2
1 Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo,
"Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita.
Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
2 Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita;
tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod;
dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog,
hindi ka matutupok.
45 Lucas 6:20-22
20 Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi,
"Mapalad kayong mga mahihirap,
sapagkat kayo'y paghaharian ng Diyos!
21 "Mapalad kayong mga nagugutom ngayon,
sapagkat kayo'y bubusugin ng Diyos!
"Mapalad kayong mga tumatangis ngayon,
sapagkat kayo'y bibigyang kagalakan!
22 "Mapalad kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopoot
an kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinagbibintangang kayo ay ma
sama. 23 Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo,
sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilan
g mga ninuno sa mga propeta.
46 1 Juan 4:16
16 Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa ka
totohanang ito.
Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at an
g Diyos ay nananatili naman sa kanya.
47 Roma 8:38-39
38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-i
big. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga
kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan, ang kalali
man, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos
na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
48 Corito 12:24-26
24 Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Nang isaa
yos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bah
aging di gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at
sa halip ay magmalasakit sa isa't isa. 26 Kung nasasaktan ang isang bahagi
, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang laha
t.
49 Galacia 6:2
2 Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan
ay matutupad a ninyo ang utos ni Cristo.
50 Colosas 1:11-14
11 Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang dakila
ng kapangyarihan, upang inyong matiis na masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng
bagay. 12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makaba
hagi kayo c sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. 13
Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kan
yang minamahal na Anak, 14 na nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran
sa ating mga kasalanan. d
51 Juan 15:7
7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita,
hingin ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo.
52 Santiago 5:14-15
14 Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesya upang i
panalangin kayo at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15 Pagagali
ngin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin
siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang kanyang mga kasalanan.
53 Exodo 23:25
25 Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko
kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman.
54 Marcos 16:18
18 Hindi sila maaano kahit dumampot sila ng ahas o uminom ng lason; at gagaling
ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay."
55 Mateo 8:8
8 Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, "Ginoo, hindi po ako karapat-dapat
na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang
aking katulong.
56 1 Pedro 2:24
24 Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasal
anan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
Kayo'y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.
57 2 Cronica 7:14
14 ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpaku
mbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan k
o sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kon
g pasasaganain ang kanilang lupain
58 Lucas 18:27
27 "Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos," t
ugon ni Jesus.
59 Roma 15:5
5 Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at l
akas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa kay Cristo Jesus,
60 Roma 8:31
31 Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin,
sino ang makakalaban sa atin?
61 Kawikaan 12:25
25 Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan,
ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.
62 Jeremias 32:40
40 Makikipagtipan ako sa kanila ng isang walang hanggang tipan; pagpapalain
ko sila habang panahon at tuturuang sumunod sa akin nang buong puso upang hindi
na sila tumalikod pa sa akin.
63 Roma 8:28
28 Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng
mga nagmamahal sa kanya, b silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
64 Roma 15:13
13 Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagka
looban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampala
taya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Esp
iritu Santo.
65 1 Corinto 15:58
58 Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag
. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi mas
asayang ang inyong paghihirap para sa kanya.
66 Santiago 1:2-4
2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng p
agsubok. 3 Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya s
a pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wa
kas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
67 Isaias 49:13
13 O langit, magpuri ka sa tuwa!
Lupa, magalak ka, gayundin kayong mga bundok,
sapagkat inaaliw ni Yahweh ang kanyang hinirang,
sa gitna ng hirap ay kinahahabagan.
68 Colosas 3:2-4
2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na pan
lupa, 3 sapagkat namatay na kayo at ang inyong tunay na buhay ay natatago sa Diy
os, kasama ni Cristo. 4 Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na,
mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.
69 1 Pedro 5:7
7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat
siya ay nagmamalasakit sa inyo.
70 Marcos 9:23
23 "Kung may magagawa ako?" tanong ni Jesus. "Mangyayari ang lahat sa sinum
ang may pananampalataya."
71 Josue 1:9
9 Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. H
uwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Di
yos, ay kasama mo saan ka man magpunta."
72 2 Tesalonica 2:16-17
16 Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng ating Diyos Ama n
a umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin ng hi
ndi nagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. 17 Bigyan nawa kayo ng mata
tag na kalooban upang maipahayag ninyo at maisagawa ang lahat ng mabuti.
73 Juan 16:33
33 Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-
isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo
ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!
74 1 Tesalonica 5:11
11 Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tu
lad ng ginagawa ninyo ngayon.
75 Roma 8:37-39
37 Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y siguradong magtatagumpay sa pamamagit
an niya na nagmamahal sa atin.
38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-i
big. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga
kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan, ang kalali
man, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos
na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
76 Roma 8:28
28 Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng
mga nagmamahal sa kanya, b silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
77 Hebreo 2:18
18 At ngayo'y matutulungan niya ang mga tinutukso, sapagkat siya man ay nak
aranas ng pagtukso at paghihirap.
78 2 Timoteo 4:7
17 Ngunit sinamahan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang makapangara
l nang lubusan sa lahat ng Hentil, at ako'y naligtas sa tiyak na kamatayan.
79 Juan 14:1
1 Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo
sa akin.
80 Filipos 3:14
14 Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala
ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na haha
ntong sa langit.
81 Filipos 4:13
13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Crist
o.
82 2 Timoteo 1:7
7 Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng k
ahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sari
li.
83 Juan 3:16
16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't i
binigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa k
anya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
84 Mateo 28:20
20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan niny
o, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon."
85 Awit 119:105-112
105 Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay,
sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.
106 Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin,
tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin.
107 Labis-labis, O Yahweh, ang hirap kong tinataglay,
sang-ayon sa pangako mo, pasiglahin yaring buhay.
108 Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin,
yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin.
109 Ako'y laging nakahandang magbuwis ng aking buhay;
pagkat di ko malilimot yaong iyong kautusan.
110 Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama,
ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko sinisira.
111 Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan,
sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.
112 Ang pasya ko sa sarili, sundin ko ang kautusan,
susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay.
113 Genesis 15:15
15 Pahahabain ko ang iyong buhay; mamamatay at ililibing kang payapa.
114 Job 5:26
26 Tatamasahin mo ang mahabang buhay,
katulad ng bungang nahinog sa panahon ng anihan.
115 Deuteronomio 11:9
9 Dahil dito, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako ni Yahweh
sa inyong mga ninuno, at sa kanilang magiging lahi---ang lupaing mayaman at saga
na sa lahat ng bagay.
116 Deuteronomio 28:61
61 Padadalhan din niya kayo ng iba pang karamdamang hindi nabanggit sa akla
t na ito ng kautusan hanggang sa kayo'y mapuksa.
117 Galacia 3:13
13 Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa p
ara sa atin, sapagkat nasusulat, "Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy."
118 Job 33:24-25
24 Maaaring itong anghel na puspos ng kahabagan,
ay magsabi ng ganito: 'Siya ay pawalan,
hindi siya dapat humantong sa libingan,
narito ang bayad para sa kanyang kalayaan.'
25 Siya ay gagaling, muling sisigla;
tataglayin muli ang lakas noong kabataan niya.
119 Awit 43:5
3 Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit,
ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik.
120 Kawikaan 15:30
30 Ang masayang ngiti sa puso ay kasiyahan,
at ang mabuting balita ay may dulot na kalusugan.