Chapter I Revised

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang Problema at Pagtanaw sa Literatura

Introduksyon

Ang kalusugan ay kayamanan. Sa buhay ng isang mag-aaral, mahalaga ang magandang

kalusugan sa pag-aaral upang magampanan ng mas maayos ang mgagawain at pangangailangan

sa paaralan. Ngunit sa dami ng gawain, naapektuhan ang kalusugang ito dahil sa pagsasabay

sabay ng mga gawain na nagdudulot ng pagiging stress ng kabataan. At dahil mahalaga ang

kalusugan sa buhay ng mga estudyante, nagkaroon ng interes ang mga mananaliksik na pag-

aralan ang epekto ngstress sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Marc Brackett, Ph.D., direktor ng Yale Center na pinamagatang

The Emotion Revolution na kung saan gumamit sila ng dalawamput dalawang libong

estudyante, lumalabas na walumpung porsyento(80%) ang naiistress sa paaralan dahil sa ibat

-ibang aspeto. At sa pag-aaral naman ni Dr. Janice Kiecolt-Glaser na kung saan ayon sa kanya,

pagtagal ng stress ay nakakaapekto sa imuune system ng isang tao na kung saan humihina ang

ating katawan sa paglaban sa mga bacteria na nagdudulot ng sakit o anumang komplikasyon

Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na malaman ang negatibong epekto

ng stress sa mga mag-aaral para magsilbing gabay sa kung paano nila haharapin ang epekto nito.

Naglalayon ang pag-aaral na ito na malaman ang epekto ng stress sa kalusugan ng mga

mag-aaral kasabayang ang pag-alam sa kung ano ang sanhi at paraan ng pagharap sa mga ito.

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik sapagkat sila rin mismo ay nakakaranas

ng stress bilang mga estudyante at magagamit nila ito sa kanilang pamumuhay. Sa pamamagitan

nito ay lalawak ang kaalaman nila at mahahasa ang abilidad sa kakayahang pananliksik.
Pagtanaw sa Literatura

Ayon kay Loralaine, R. sa kanyang artikulo na pinamagtang "Gabay Kalusugan",

ang stress ay nararanasan ng karaniwang tao sa bawat araw. Ito ay maaaring pagdaanan sa ibat

ibang paraan at grado. Sa maliit na paraan, ang stress ay maaaring makatulong sa isang tao.

Kapag ang stress ay naging mabigat at nagsimulang maapektuhan ang pisikal o mental na

tungkulin ng tao, ito ay nagiging isa nang problema.

Ang stress ay isang normal na reaksyon o pakiramdam na bunga ng pang-araw-araw na

suliranin kinakaharap ng bawat isa sa atin. Ang pagkakaranas nito ay nakakaapekto sa pisikal at

sikolohikal na aspeto ng pagkatao. Kung hindi ito maaagapan o matutugunan, maaaring

humantong ito sa mas malalang kondisyon at magkaroon ng malalang karamdaman.

Stress

Ayon sa American Institute of Stress o AIS (2015), ang salitang stress ay nagmula sa

isang medical expert na si Hans Selye noong 1936 na kung saan kinuha niya ang salitang ito

mula sa larangan ng Pisika na kung ang stress ay ipinaliwanag bilang stress describes the force

that produces strain on a physical body. Sa depinisyon ni Selye,ang stress ay the non-specific

response of the body to any demand for change. Subalit, sa patuloy na pag-aaral niya dito ay

nag-iiba ang depinisyon niya rito. Sa isang interbyu, sinabi niya na ang stress ay the non-

specific response of the body to any demand for change. Paglipas ng panahon, nabuo ni Selye

salitang stressor bilang isang stimulus na nagiging sanhi ng pagiging stress ng tao at kasabay nito

ay ang pagbabago na naman ng denipisyon niya ng stress , The rate of wear and tear on the

body (AIS.,2015). Sinabi rin niya na Everyone knows what stress is, but nobody really

knows.
Samanatala, sa isang artikulo ng Centre for Studies on Human Stress(2016), sinabi nilang

inumpisahang gamitin ni Selye ang salitang stress noong mapansin niyang no matter what his

hospitalized patients suffered from, they all had one thing in common. They all looked sick. Sa

kanyang pananaw, lahat sila ay nasa kalagayan ng phyical stress. Sinabi rin ni Selye na ang stress

ay dahil sa pagsakit o iregularidad ng bahagi ng katawan bagkus ito ay dahil sa pagpoprodyus ng

stress hormones at tinawag nya itong General Adaptation Syndrome.

Sinuportahan ito ni Dr. Arien van der Merwe (2017) isang eksperto sa stress, kung saan

sinabi niya kung ano ang nangyayari sa katawan kapag nai-stress. Gumagawa agad ito ng

napakaraming neurochemical at hormon na mabilis na dumadaloy sa buong katawan, anupat

inihahanda ang bawat sistema at sangkap ng katawan sa pagharap sa emergency.

Sanhi ng Stress

Ayon kay Goldberg, J. (2016) sa kanyang artikulong Causes of Stress, sa ibat ibang

dahilan ng pagiging stress ng isang indibidwal, ang trabaho ang nanguna sa pinakamadalas na

nagiging stressor, dulot yan ng pagiging hindi masaya sa trabaho, dami ng trabaho at

responsibilidad, pagtatrabaho ng mahabang oras, pangit na pamamahala sa opisina, di-

malinaw na ekspektasyon sa trabaho, hindi makapagdesisyon, delikadong trabaho, pangamba

sa kawalan ng promosyon o pagkatanggal sa trabaho,pagsasalita sa harap ng mgakatrabaho at

kasamahan, diskriminasyon, harassment at kawalan ng suporta ng kumpanya.

Sinabi rin naman ni Moore, A. (2014) sa kanyang artikulo na pinamagatang What

Causes Family Stress? isa ang pamilya sa nagdudulot ng pagkastress ng isang tao. Isa sa dahilan

ay ang pinansyal na problema, kapag hindi sapat ang pera kinikita o nbibilang sa kahirapan ang

pamilya ay maaaring madagdagan ang antas ng stress. Ito ay maaaring resulta ng patuloy na pag-

aalala tungkol sa pera at hindi ma-matugunan ang mga pangangailangan ng iyong pamilya. Isa
pa ay ang problema sa mga anak, problema sa mga kilos at pagpapalaki sa mga anak ang

nagdudulot ng stress sa isang tao.

Ang diborsyo o ang paghihiwalay ay isa sa dahilan kung bakit naii-stress ang isang tao,

dahil yan sa pag-aaway at pagkakalamat ng relasyon dahilan upang magkasawaan. Dagdag pa

ang pagkamatay ng mahal sa buhay na nagiging dahilan ng matinding pagkalungkot para sa

isang tao at magdulot ng chronic stress (Keefer, A., 2013).

Ang pag-aaral ay isa rin sa mga dahilan ng pagkastress ng isang tao particular na sa mag-

aaral. At dahil ang stress ay natural na tugon katawan sa mga hamon. Kapag ang isang est

udyante ay nakakaranas ng mataas na antas ng stress chronic stress, anuman ang kanyang edad o

baitang, maaari itong makagambala sa kanyang kakayahan upang matuto, kabisaduhin, at kumita

ng magandang grado - pati na rin humantong sa mga mahihirap na pisikal, emosyonal at mental

na kalusugan. Sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa mga karaniwang stressors, ang isang

magulang ay maaaring makatulong upang pagaanin negatibong o chronic stress sa buhay ng

isang bata (Gustafson, F.L., 2015). Ang mga sanhi ng pagigin stress ay ang puyat, akademiks,

hindi pagkain ng sapat at dami ng gagawin.(Britt, H.,1992) Mga Takdang-aralin at mga

Proyekto. Minsan, kapag ang isang takdang-aralin aymasyadong mahirap, itoy ginagawa ng

magulang. Ito ang isa sa pinakamalaking pagkakamali na magagawa ng isang magulang sapagkat

ninanakaw nito ang oportunidad ng bata na matuto.


Isa pa sa nagiging dahilan ng stress ng isang tao, ay ang kanya mismong sarili. Minsan

ang stress ay nagmumula sa loob o sa isip, sa halip na sa labas. Maaari mong i-Stress ang iyong

sarili sa pamamagitan pagkababahala at labis na pag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay tulad na

lamang ng pagkatakot sa mga bagay mangyari, ugali at pananaw sa paligid at sa lahat, mga di-

inaasahang ekspektasyon (Goldberg, J.,2016).

Epekto ng Stress

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang stress ay may epekto sa ibat-ibang aspeto ng

pangangatawan, sa pisikal, sa mental,at lalo na sa kalusugan (CSHS.,2016). Sa pag-aaral na

ginawa ni Selye sa pagpapatunay sa stress, gumamit siya ng mga hayop kagaya ng unggoy sa

kanyang experiment (AIS., 2015). Lumabas sa pag-aaral na ang mga nakitang komplikasyon sa

mga hayop dahil sa stress ay maari ring mangyari sa tao. Patunay rito ang pag-aaral na ginawa ni

Dr. Janice Kiecolt-Glaser na kung saan ang pagtagal ng stress o tinatawag ding chronic stress

ay nakakaapekto sa imuune system ng isang tao na kung saan humihina ang ating katawan sa

paglaban sa mga bacteria na nagdudulot ng sakit o anumang komplikasyon (NIH., 2014). At

dahil sa panahon ngayon, ang tao ngayon ay humaharap sa maraming hamon araw-araw, tulad ng

pag-abot sa deadlines o palugit, pagbabayad ng mga bayarin, pag-aalaga ng mga bata at maging

ang problema sa eskwela na nagiging dahilan upang mag-react ang ating katawan sa parehong

paraan. Bilang isang resulta, natural alarm system ng katawan ay nagiging fight or flight

response o kung haharapin ba natin o tatakbuhan ang naturang problema na maaaring

magkaroon ng malubhang epekto sa kalusugan (APA.,2013).

Kapag ang tao ay nasa isang ma-stress na sitwasyon at ang pakiramdam ay bumibilis ang

tibok ng puso, lumalalim ang paghinga, nagiging tensyonado ang mga muscle at namamawis, ito
ang ganitong uri ng stress ay panandalian at pansamantala lamang o acute stress, at ang iyong

katawan ay karaniwang mabilis makarecover mula dito (Goldberg, J., 2016). Ayon pa kay

Goldberg (2016) sa kanyang artikulong pinamagatang Effect of Stress, kapag ang tao ay

nakaranas ng acute stress, maaring maranasan niya ang ilang sintomas na may kaugnayan sa

kalusugan katulad ng sakit ng ulo, pagkapagod o fatigue, hirap sa pagtulog, hirap mag-

isip,pagsakit ng tiyan at pagiging yamutin.

Ngunit inilahad naman ni Goldberg na kapag ang stress ay tumagal sa loob ng mahabang

panahon o chronic stress ay maaari itong humantong sa mas malubhang problema sa

kalusugan. At sa patuloy na paglalabas ng stress hormone o cortisol ng katawan,ito ay magiging

sanhi ng paghina ng katawan at maagang pagtanda dahilan upang maging mas madali tayong

kapitan ng sakit. Kapag ang stress ay tumagal at hindi nasolusyunan ng maayos, maari itong

magbunsod ng mas malubhang kondisyon sa kalusugan tulad ng depresyon, altapresyon,

abnormal heartbeat, artherosclerosis, sakit sa puso, heartburn, ulcer, irritable bowel

syndrome,Upset stomach, cramps, constipation, diarrhea,weight gain or loss, Changes in sex

drive, Fertility problems, Flare-ups of asthma or arthritis. Patunay lamang ito na ang stress ay

ma malaking epekto sa kalusugan ng isang tao.

Pagharap sa Stress

Ayon kay Dr. Glaser, K., Mayroong ibat- ibang mga paraan upang harapin ang stress.

Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang pagkakaroon ng malapit na tao o kaibigan na kung

saan maari mong mapagsabihan ng saloobin,at nararamdaman ay makakatulong"- (NIH.,2014).

Sa madaling salita, ang paglalaan ng oras sa pamilya at kaibigan upang mapangalagaan ang

magandang relasyon ay isa sa pinakamahalagang magagawa upang mabawasan ang stress ng

isang indibidwal.
Isa pa sa mabisang paraan upang mabawasan ang stress ayon kay Glasser ay ang

paggawa ng sapat pagtulog. At ilan sa hakbang upang mapabuti ang iyong pagtulog, pumunta sa

kama sa parehong oras bawat gabi at gumising ng parehong oras sa umaga. Limitahan ang

paggamit ng light-emitting electronics tulad ng computer at smartphone matulog. Ang liwanag

ay nababawasan ang produksyon ng isang natural sleep hormone na tinatawag na melatonin,

dahilan upang mahirapan ang tao matulog.

Sa kabilang banda, ayon kay Dr. Ameli, R. isang NIH psychologist na bukod sa pagtulog,

mabisang paraan sa pagharap sa stress ay mindfulness/alumana o ang pagninilay nilay sa

nararamdaman at emosyon ng sarili ay isang mabisang paraan upang mabawasan ang

pakiramdam ng stress. Nakasaad sa pag-aaral, pinapapakita na kahit na sa maikling panahon ng

pag-iisip at pagninilay-nilay ay maaaring magkaroon ng positibong epekto sa kalusugan, sa

pagkatao at nakakabawas pa ng stress (NIH., 2014).

Ibang paraan upang mapagaan ang pakiramdam kapag naiistress ay ng paggwa ng To-do

list upang hindi malito sa kung anong uunahing gawin, gumawa ng mga Should and Must

upang mas mapag-tuunan ng pansin ang mga mas mahahalagang bagay, bawasan ang pag inom

ng mga inuming may caffeine upang mas maging relax ang katawan at mas madaling makatulog,

at Learn to say No upang hindi na mapagtuunan ng pansin ang mga bagay na nakakagulo sayo

at mas magpapalala pa ng stress na nararamdaman (Robinson, L. & Smith, M., 2017).

At ang huli ay ang pag-eehersisyo. Sinabi ng Anxiety and Depression Association of

America (2014) sa kanilang artikulo na pinamagatang Exercise for Stress and Anxiety, ang

pag-eehersisyo ay itinuturing na mahalaga para sa pagpapanatili ng mental fitness, at maaari rin

nitong bawasan ang stress na nararamdaman ng katawan. Isang pag-aaral ang nagpapakita na ito

ay napaka epektibo sa pagbabawas ng pagkapagod, ang pagpapabuti ng alertibo at maging ang


konsentrasyon, at sa pagpapahusay ng pangkalahatang cognitive function. Ito ay maaaring

maging kapaki-pakinabang lalo na kapag stress ay naubos ang iyong enerhiya o ang

konsentrasyon sa mga bagay-bagay. Kapag ang utak ay stress, ramdam ang epekto nito sa halos

buong katawan sapagkat magkakakonekta ang mga ito dahil sa mga nerve cell. O kapag

maganda ang pakiramdam ng katawan ay ganun din ang ating utak. Ang pag-eehersisyo at iba

pang pisikal na aktibidad ay nakakapagprodyus ang katawan ng endorphins na kung saan isa

itong kemikal mula sa utak na kumikilos bilang pampawala ng sakit o pampamanhid at

pinapabuti pa ang kakayahan sa pagtulog na siyang dahilan upang mabawasan ang stress ng

katawan.

Paglalahat

Ang stress ay may napakaraming epekto sa katawan at kalusugan, kapag nai-stress ay

napakaraming neurochemical hormone ang mabilis na dumadaloy sa buong katawan. Ito ay

nararanasan ng karaniwang tao bawat araw. Naaapektuhan nito ang pisikal at mental na

nagdudulot sa pananakit ng ulo, sakit sa puso at pagbabago ng ugali. Lumalayo sa lipunang

ginagalawan, inaabuso ang droga at alak at nalululong sa sigarilyo. Kaakibat nito ay mayroong

tamang paraan sa pagharap ng stress, katulad ng paglutas sa problema, paghingi ng tulong sa

pamilya at kaibigan, mag-ipon ng emosyonal na lakas, maghanap ng oras para makapagpahinga,

mag-ehersisyo, kumain ng balanseng pagkain, matulog ng sapat, pangasiwaan ng wasto ang oras,

tibayan ang pananampalataya at magkaroon ng positibong pananaw sa pagharap ng stress.

You might also like